CAPITULUS VIGINTI TRES

78 6 0
                                    

CHAPTER 23

Marian's POV

May Isang Linggo na rin simula nang umalis ako sa poder ni Nicholas ayos lang naman ang takbo ng Buhay ko kahit ako na lamang mag-isa, sana pala dati ko pa ginawa ito para hindi sana nawala ang Anak ko namiss ko na siya. Saan kaya siya dinala ng Demonyong yon? Tingin ko kahit saan pa sila magpunta magiging masaya ang Anak ko basta magkasama lang sila, magiging Lola na nga pala ako. Ano kayang hitsura nang Apo ko? Sana pala tinulungan ko na lamang siya makatakas noong humihingi siya ng tulong sa akin, natakot kasi ako kay Nicholas kaya hinayaan ko lang siya na magdusa sa Basement.

"Aling Marian ang sarap po ng Suman at Bico na luto niyo. Meron pa po ba?"

Napangiti ako sa simpleng komentong iyon ng suki ko.  "Wala na e pero bukas magtitinda uli ako."

"Daan po muna kayo dito sa Bahay bago po kayo maglako sa iba para hindi po ako maubusan." Nakangusong turan nito. Ang cute niya naaalala ko na naman si Monica sa batang ito. Ang kaibahan lang ay lalake ang batang ito. Pero pareho sila na mahilig ngumuso.

"Okay. Sige bukas dito ako unang dadaan sa Bahay nyo. Anong pangalan mo?"

Agad itong ngumiti ng pagkatamis tamis.   "Noah po. Noah Sandoval po. E kayo po, ano po ang buong pangalan nyo bukod sa Marian?"

"Marian Anastasio---."  Saglit akong nag-isip kung duduktungan ko pa ba ang pangalan ko ng Apelyido ni Nicholas.

"Aling Marian? Ayos lang po ba kayo?"

"Ha?"   Napatitig ako sa cute nitong mukha.  "O-oo ayos lang ako. Sige na uuwe na ako. Bukas na lang uli Noah."

"Sige po Aling Marian. Ingat po kayo.". Paalam nito saka ako tumalikod at naglakad na pauwe.

Nicholas' POV

"Sir. Ayon Po Si Ma'am Marian naglalakad."  Turo nito sa Babaeng may dalang Bilao at Basket siguro nagtitinda siya ng mga kakanin.

"Lalapitan ko po ba siya Sir?"

"Wag. Susundan ko na lamang siya. Dito ka lang."   Saka ako bumaba ng Kotse.

Mataman kong pinagmasdan si Marian mula sa likuran nito. Ganon pa din siya gaya dati. Napakasimple lang niya. Ngayon ko lang napansin na maganda pala ang kurba ng katawan nito. Agad akong nagtago ng huminto siya para bumili ng kung ano sa nadaanan niyang tindahan.

Sumilip ako para makita kung ano yon, ilang pirasong kandila? Para saan?

Muli siyang naglakad habang tahimik lamang akong nakasunod sa kanya. Ilang minuto na din siya sa paglalakad ng marating namin ang masukal na bahagi ng Bayan. Medyo madilim na kaya mabilis ang bawat hakbang niya. Pumasok ito sa madamong bahagi ng kakahuyan. Dahan dahan ang ginawa kong paglakad para hindi nito marinig ang bawat hakbang ko. Malayo pa lang ay may natanaw akong Kubo, pumasok doon si Marian saka ko napansin lumiwanag ang loob non nagsindi na siya nang Kandila.

May tumulong luha mula sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng lungkot. Nagtitiis siyang mamuhay dito kesa ang bumalik sa poder ko. Siguro talagang nasaktan ko siya--- alam kong madami akong pagkakamali, hindi ko sila pinahalagahan ni Monica mas inuuna ko pa ang pambababae ko at ang Anak ng iba nakalimutan ko silang dalawa na laging nag-aantay sa pag-uwe ko ng Bahay. Ngayon ko napagtanto ang mga pagkukulang ko sa mag-ina ko lalong lalo na kay Monica.

Ilang minuto pa ako sa labas lang ng Kubo ni Marian, naduduwag ako sa maaari niyang isumbat sa akin. Madilim na ang paligid. Naglaho ang liwanag sa loob ng Kubo ibig sabihin matutulog na si Marian. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid, walang ibang Bahay na malapit sa Kubo ni Marian.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa nang pantalon ko saka ko dinayal ang Numero ng Driver ko.

"Antayin mo na lang ako. Wag kang aalis dyan. Maliwanag ba?"  Utos ko.

"Opo. Maliwanag po. Sir."  Sagot nito.

Ibinalik ko sa bulsa ang cellphone ko saka ako umupo sa gilid ng Puno. Tahimik na tahimik ang buong paligid tanging mga kuliglig lang ang naririnig kong ingay. Siguro himbing na himbing na ang tulog ni Marian habang ako ni hindi dalawin ng antok kakabantay sa kanya, natiis niyang tumira dito ng Isang Linggo malamok at walang kuryente.

Naalala ko bigla. Lakeing probinsiya nga pala si Marian baka ito ang Bahay na kinalakihan niya. Isang simpleng pamumuhay dito sa gitna ng gubat.

Banayad ang hangin malamig ito sa pakiramdam maya maya pa ay pumatak ang ulan. No choice ako kaya tumayo ako at lumapit sa Kubo.

Kumatok ako. Alam kong gising pa siya pero hindi siya sumagot.

Kumatok uli ako.

"S-sino yan?"  Kumabog ng mabilis ang dibdib ko, ilang araw ko ding Hindi narinig ang boses niya.

"Ako ito Marian."  Medyo nilalamig na ako sa lakas ng buhos ng ulan.

Bumukas ang pinto at bumungad and maamong mukha ng Asawa ko. Napangiti ako ngayon ko lang napansin ang kakaibang Ganda ng Misis ko.

"Nicholas? Anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Yakap ko ang sarili ko sa sobrang lamig.   "B-baka pwede akong pumasok?"

"Ha? S-sige pasok ka. Sandali medyo madilim hindi ka pa naman sanay ng walang ilaw."   May kinuha itong posporo saka niya sinindihan ang kandila na nakalagay sa gitna nang mesa.

Lumiwanag ang paligid. Tanging papag at isang mahabang upuan na yari sa kawayan ang meron sa loob ng Kubo, wala itong sahig tanging mga maliliit na bato lamang ang nagsisilbing sahig nito kaya pinapasok pa din ito ng tubig.

"Pasensya ka na sa Bahay ko ha. Eto magpainit ka muna dito sa pugon. Saglit lang yung kape mo ha."   Saka nito ginatungan pang muli ang Apoy nito.  "Doon ka na lang sa papag ko umupo para pwede mong itaas ang mga paa mo para hindi mabasa ang sapatos mo."

Sumunod ako sa sinabi nito.

Dahan dahan akong naglakad at umupo sa papag. Isang unan at kumot lamang ang Meron sa papag sa dulo nun may Isang Bag at eco bag lalagyan ata yon ng mga damit niya. Ibinalik ko ang mga tingin ko kay Marian, pinagmamasdan ko lamang siya habang nag-iinit ng tubig ni hindi niya ako sinumbatan gaya ng nasa isip ko. Lumakas panglalo ang ulan.

"Eto nang kape mo. Sandali lang kukuha ako ng pwede mong isuot baka lamigin ka."   Inilapag nito sa tabi ko ang tasa nang Kape saka niya kinalkal ang laman ng bag.

"Eto. T-shirt mo yan kaya kasya sayo yan. Ibinigay mo yan sa akin dati kaya dinala ko. Isuot mo na tatalikod na lamang ako."

Tumalikod nga siya alam kong hindi siya sanay na nakikita akong walang pang-itaas na damit. Isang beses lang niya akong nakitang walang saplot at yon ay ang araw na ginawa namin ang nag-iisa naming Anak si Monica.
Isa Isa kong tinanggal ang butones ng suot ko polo shirt saka ako nagpalit.

"Pwede ka ng humarap."  Pagbibigay alam ko.

"Buti kasya pa sayo. Umusog ka ng kaunti Nicholas para makahiga ako."

Umusog ako at humiga nga siya saka nagkumot.  "Kapag aalis ka na pakisara na lang nang pinto o kaya gisingin mo na lang ako ha. Maaga pa kasi akong babangon bukas para magluto ng mga paninda ko. Pakipatay na rin lang na Kandila kapag aalis ka na ha. Goodnight."

Tumalikod ito sa akin. Kaswal na kaswal ang pakikitungo ni Marian. Wala na ang dating lambing niya hindi gaya dati na kahit pinagtatabuyan at nasasaktan ko na siya ayos lang inaasikaso pa din niya ako.

"Marian...pwede ba nating ayusin yung sitwasyon natin."  Lakas loob kong sambit.

Humikab muna ito.  "Pinalaya na kita Nicholas. Kung anuman ang meron tayo dati baka hanggang doon na lamang yon. Isa pa wala na ang dahilan kung bakit nagtitiis akong makasama ka kahit sinasaktan mo lang ako. M-masaya na akong naka-uwe na ako dito sa totoong Tahanan ko pero masmasaya sana ako kung kasama ko ang Anak ko. Wala na tayong dapat pang ayusin. Masyado na tayong matanda para maglokohan pa."

Saka ito tumalikod sa akin at natulog.

Kinuha ko ang tasa para humigop ng mainit na Kape kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.  Masakit pala ang mabalewala ka ng taong mahalaga sayo at ito ang pinaramdam ko sa kanya dati.

I am Belphegor Where stories live. Discover now