CAPITULUS QUINQUE

67 5 0
                                    

CHAPTER 5

Monica's POV

Nagsulat sa Whiteboard si Sir Alfonso. Isang malaking 'DEMONS'. Bigla akong kinabahan habang nagbubulungan naman ang mga kaklase ko tungkol sa Topic namin.

Pumalakpak si Sir para kunin ang atensyon naming lahat.

"Okay! Tingin ko mukhang interesado kayong lahat sa Topic natin ngayong araw ah kasi kanya kanya na kayo ng tsismisan diyan."   Nakangiting turan nito.

Tumahimik ang mga kaklase ko. Lahat kami seryosong nakatingin lamang sa bago naming Professor.

Sumandal ito sa gilid ng Whiteboard saka nito pinatay ang mga ilaw para makita namin ng maayos ang nasa projector.

Lumakas ang kaba ko ng lumabas sa screen ng Projector ang pangalan ni Belphegor pero hindi naman ganon kapanget ang mukha ni Belphegor gaya ng pinapakita sa screen at lalong hindi siya maliit dahil matangkad at matikas siyang tumindig ang totoo nga niyan para siyang Knight in Shining Armor nadisgrasya lang sa mukha!

May narinig akong tumawa ng mahina. Aba at nakikinig pala ang isang yon ah! Sesermunan ko sana ito kaso bigla akong tinawag ni Sir. Kaya tumayo ako.

"Okay. Ikaw ba Miss Santos naniniwala ka bang may mga Demonyo na nakikisalamuha sa ating mga tao?"  Tanong nito.

Umiling ako.  "Parang imposible po yon Sir. Isa pa diba takot Sila sa sikat ng Araw."   Pa-inosente kong sagot.

"Galing!"   Aba at nagci-cheer pa ang loko!

Ngumisi si Sir parang may kakaiba sa ngisi niyang yon saka ako pinasadahan ng tingin.

"May iba ka pa bang gustong idagdag o gustong sabihin?"

Anong sasabihin ko? Ah!  "Sir bakit ganyan yung Picture? Ang panget masyado saka sigurado po ba sila na ganyan ang itsura ng mga Demonyo?"

Natigilan ako ng ngumiti lang si Sir. Saka ito tumango.

"Hindi ko siya gusto. Monica."  Muling bulong ni Belpepper este Belphegor.

Tumango lang ako bilang sagot kay Belphegor.

"May idagdag ka pa ba?"  Tanong uli ni Sir.

"W-wala na po."  Saka ako umupo.

"Salamat Miss Santos."  Tumalikod ito at lumapit sa Whiteboard.  "Bakit ito ang Topic natin ngayon? Well napili ko ito dahil alam kong ang iba sa inyo ay mahilig sa mga Super Natural. Tama ba ako?"

"Tama po!"   Sagot ng mga Classmates ko.

"Okay."  Humalukipkip si Sir.  "Alam nyo bang meron tayong tinatawag na Impyerno ang Lugar kung saan nagmumula ang mga Demonyo at alam kong ang iba sa inyo ay alam na ang mga Demonyong ito ay mga dating Anghel."

Dating Anghel? Ibig sabihin Anghel si Belphegor. Wow mukhang magugustuhan ko itong topic namin na ito ah. Inayos ko ang sarili ko gusto ko kasing makilala pang lalo yung Demonyong tumupad ng kahilingan ko na ngayon ay nangungulit sa isipan ko! Tumigil nga siyang magpakita sa panaginip ko kaso lumipat naman sa utak ko!

"Sino nga ba si Belphegor? Meron bang nakabasa ng tungkol sa kanya?"

Tanong ni Sir pero walang sumagot kahit ako hindi ko din alam e. Nagkatinginan na lamang kaming mga magkakaklase.

"So it means walang nakakakilala sa kanya. Well... Before... Belphegor and the other six Demons were formerly an Angel who listens to our cries when we needed someone to talk to... But time change them. Including him Belphegor. He was an Inventor and he was known to be the Wish Granter or he Granted Wishes. Any kind of wish as long as you hold it close to your heart. Then came Lucifer's plan to be the most Powerful Angel in heaven he even ask them to join him in a War against the God. But they were being defeated by Archangel Michael the most Powerful Angel in Heaven." huminto si Sir saka ako tinitigan.

"And Belphegor and the other six Fallen Angels were being cast away down deeper into Hell. And from there they Build their own Kingdom which was Ruled by Lucifer the most Powerful Demons. And because of Lucifer.... Belphegor become one of the Prince of Hell because he was the one who Build the Pandemonium the Capital City of Hell."  Ngumisi ito sa akin ng makahulugan.

Naramdaman ko ang pagsipa ni Arianne sa upuan ko saka ito dumikit sa likod ko.

"Bakit ka tinitignan ni Sir? Ang creepy pa niya kung makangiti diba."

Tumango ako sa sinabing iyon ni Arianne. Napansin din pala niya si Sir.

"At dagdag kaalaman lang ha na naging sila ni Mary Magdalene. Pero hindi ko lang alam kung totoo yon ha basta yun kasi ang nakasulat. Kaya bilang Guro tungkulin kong ipaalam sa inyo ang mga bagay bagay diba."

Nagtaas ako ng kamay.

"Ah. Yes. Miss Santos."

"Sir. Kung nagkaroon sila ng Relasyon ni Mary Magdalene gaya ng sinasabi sa kasulatan e ilan po at anong tawag sa mga Anak nila?"  Mahabang tanong ko.

Ayon na naman ang ngiti ni Sir na nakakaloko. Bahagya pa siyang tumawa.

"Nice one. Miss Santos. Bakit parang Ikaw lang ang nagtatanong. Ano Class don't tell me na si Miss Santos lang ang Estudyante ko ngayon."

Bumaling uli sa akin si Sir. "Okay. Hindi sila nagkaroon ng Anak. At ang tawag sa Anak ng Demonyo at Tao ay Cambions. Kaso iilan rin lang ang mga nagiging tunay na Cambions kapag mas-umangat ang dugo ng Demonyo kesa Tao. Meron mga perpektong Cambions kaso dalawa lang ang nasusulat na mga Pangalan... Sila ay sina Evo ang kinikilalang Anak ni Lucifer habang ang isa ay si Dominico ang Anak naman ni Beelzebub ang Kambal ni Belphegor."

"Ah... Okay Sir salamat po." Sambit ko.

"Saka dagdag kaalaman lang na si Belphegor ang tinatawag nilang Gentle Demons. Siya ang pinakamabait sa Pitong matataas na uri ng Demonyo. At sinasabi ding nag-e-exist pa sila sa Mundo natin. Kaya kung makita nyo man si Belphegor ang swerte nyo. Dahil siya ang tumutupad ng kahilingan at ang pinakamayan sa kanilang Pito dahil sa ginagamit niya ang kanyang talino."

"Iba sya sa ibang Mortal wag kang lumapit sa kanya Monica."  Bulong na naman ni Belphegor sa isipan ko.

Napahawak na lamang ako sa ulo ko saka ako napatayo.

Para akong timang na napatingin na lamang sa mga Classmates ko at kay Sir.

Tumikhim si Sir.  "May problema ka ba Miss Santos?"

"O-oo?!"   Umiling ako.  "W-wala po ano kasi.... m-masakit po ang tiyan ko!"

"Uhuh."  Tango ni Sir.  "Sigurado ka bang Tiyan mo ang masakit? Hindi ang ulo mo?"   Nagtatakang tanong ni Sir.

Saka ko na-realize na sa ulo nga pala ako nakahawak. Napapikit na lamang ako ng magtawanan ang mga Classmates ko.

"Umatras ka.".  Utos nito.

Pagdilat ko akmang hahawakan ako ni Sir nang mapaatras ako. Natahimik lahat ng Classmates ko.

"Ahmmm... sorry. Pero titignan ko lang sana kung mainit ka.... Pero kung hindi ka kumportable okay lang."  Hinging paumanhin nito.

"Sorry po Sir----."

Bilang tumunog ang Bell it means oras na para sa pananghalian. Niligpit ko agad ang mga gamit ko saka ako dali-daling lumabas ng Classroom kasunod si Arianne. Ramdam ko ang titig sa akin ni Sir kaya napalingon ako at hindi nga ako nagkamali. Parang may gusto siyang sabihin na hindi lang niya masabi sabi sa akin. Ano kaya yon?

I am Belphegor Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang