CAPITULUS DUODEVIGINTI

74 7 0
                                    

CHAPTER 18

Monica's POV

"Aalis muna ako Monica. Kung maaari lang sana gawin mo ang inutos ko. Hindi mo naman kelangang magtrabaho dahil kaya kitang Buhayin sabihin mo lang kung ano ang gusto mo at siyang ibibigay ko sayo."  Paalala nito sa akin.

Isang Sunny Dress na kulay Pink ang isinuot ko meron itong disenyong maliit na Sunflower. Kasalukuyan kong sinusuklay ang basa kong buhok. Habang nag-iisip nang isasagot sa sinabi ni Belphegor.

"Hindi na rin lingid sa kaalaman mo na nagkaroon ako ng mga Anak at dahil sa Tao ang kanilang mga Ina nasaksihan ko mismo kung paano silang naghirap habang nagbubuntis hanggang sa mailuwal nila ang Supling ko. Isang malaking sakripisyo ang magdala ng Supling ng Isang gaya kong Demonyo. At sana nauunawaan mo ako."

Ibinaba ko ang suklay na hawak ko saka ako lumapit sa kanya. "Ummm s-sige... gagawa na ako ng Resignation letter ko kaya wag ka nang mag-alala. Saan ka naman pupunta?"

Bahagya kong hinaplos ang makisig nito dibdib. Hinuli nito ang kamay ko saka iyon dinala palapit sa kanyang mga labi para gawaran ng halik.

"Mahal kita Monica. Hindi ko palalagpasin ang sinuman manakit sayo lalo na sa magiging Anak natin. Kung maaari lang sana dito ka lang. Gusto kitang isama sa pagbalik ko sa Pandemonium ngunit hindi ka nababagay sa ganong klaseng Lugar na Tahanan ng mga kalahi ko. Masgusto kong dito mo isilang ang magiging Anak natin."  Masuyo nitong hinaplos ang pisnge ko at bilang sagot ay niyakap ko ito ng buong higpit.

"Salamat, Belpepper."   Hinagod nito ang medyo kulot kong buhok.

Nag-angat ako ng tingin saka tumingkayad. Nagulat pa ito nang bigla ko siyang halikan sa kanyang mga labi.

Hinapit nito palapit ang bewang ko upang maslumalim pang lalo ang pinagsasaluhan naming halik.

"Ingatan mo ang sarili mo habang Wala ako. Tawagin mo lang ang pangalan ko at dadating agad ako. Alam ko sa sarili ko na magdadalang tao ka Monica. Ilang araw lang at mararamdaman mo na ang pagbabago ng katawan mo. Babalik din ako agad."   Saad nito nang matapos ang mainit naming halik..

Tumango ako. Saka siya umatras at sa isang kurap ng mga mata ko naglaho ito kasabay ng itim na usok.

Bakit ganon pakiramdam ko kasi parang hindi na kami magkikita ni Belphegor. Bakit ang lungkot-lungkot ko.

HINDI NA AKO NAGPALIT PA NG damit tutal naman magpapasa lang ako ng Resignation letter. Nagsuot ako ng White Sneaker shoes saka ako lumabas ng Unit ko. Hawak ko ang isang nakatiklop na papel.

Pagdating ko sa Shop Wala pa daw doon si Sir Carlo ang Store Manager namin kaya kay Myla ko na lamang ibinilin ang Resignation letter ko.

Nung una madami silang tanong kaya sinabi ko na lang na magpapakasal na kami ng Boyfriend ko para wala nang satsat pa.

"Ay... sayang naman ang trabaho mo dito gurl. Sigurado ka bang kayang kang buhayin ng Lalakeng yon? Baka puro guwapo lang yon ha! Naku kawawa naman ang Beauty mo!"

Natawa na lang ako sa komento ni Lauren. Naku kung alam nyo lang na mashigit siya sa mayaman at hindi siya tao na masmatanda pa siya sa kalolololohan niyo naku baka mabigla lang kayo... kaso bawal naman sabihin eh at wala din akong balak na ipahamak si Belpepper.

"Ano ba kayo! Dapat masaya tayo kasi nakahanap na nang forever itong kaibigan natin. O Basta wag mo kaming kalimutang imbitahan sa Kasal ha."  Nakangiting saad ni Carly habang may hawak na tray.

"He he he oo ba!"   Tanging sagot ko saka ako nagpaalam sa mga ito.

Nagtungo ako sa SuperMarket para bumili ng ilang stocks paubos na kasi at kung totoo nga na magbubuntis ako o di siguradong kelangan kong kumain nang kumain.

Pumila na ako sa Cashier pagkatapos kong makuha lahat ng kelangan ko hindi man gaanong kahabaan ang pila dahil maaga pa wala pang gaanong tao. Nag-aalangan pa akong ibigay ang credit card na nakapangalan sa kanya bilang Egor Belpepper baka kasi hindi gumana pero if ever na hindi gumana meron naman akong pambayad. Nakahinga ako nang maluwag nang mag-beep ang scanner ibig sabihin accepted na ang payment ko.

Dalawang plastik bag ang lahat ng pinamili ko. Pagkabalik sa akin ng Card saka ako naglakad na palabas ng MOA medyo dumarami na din ang tao na namamasyal sa Mall.

Huminto ako sa gilid ng kalsada para tumawid nang may biglang huminto na Puting Van sa mismong harapan ko. Napaatras ako lalo na nang lumabas ang tao mula sa loob nun.

"Long time no see. Monica.". Nakangisi ito na parang Demonyo.

"J-James?"   Naka-ilang atras ako ng may humawak sa akin mula sa likod ko. Nagpumiglas ako pero nanatiling nakapulupot ang braso nito sa katawan ko.

Unti unting lumapit si James may nilabas itong panyo mula sa bulsa. Nagsisisigaw ako kaso walang gustong tumulong sa akin hanggang sa itakip nito sa bibig ko ang panyo. Nakaramdam ako nang pagkahilo. Nabitawan ko ang plastik bag na hawak ko. Naalala ko siya bigla. Tumulo ang luha ko bago ako mawalan ng malay nagawa ko pa siyang tawagin.

"B-Belphegor----."  Saka nagdilim ang buong paligid ko.

"Bilisan nyo! Ipasok nyo na siya sa Van!"  Huling narinig kong turan ni JamesUtos.

Belphegor's POV

NARAMDAMAN KO SI Monica may nangyari sa kanya. Agad kong tinungo ang kinaroroonan nito.

Lumitaw ako sa kung saan niya ako huling tinawag. Nakita ko ang dalawang plastik bag na naiwan ng kung sino...sigurado akong si Monica ang nakaiwan nun dahil dito niya ako huling tinawag. Yumuko ako para hawakan iyon ng may sumigaw.

"HALIMAW!!!!! MAY HALIMAW!!!" nagkagulo ang mga walang kwentang Mortal.

Nakalimutan kong magpalit anyo biglang kawangis ng mga mahihinang Mortal. Nagtangis ang mga bangang ko nang mapansin kong madami naman pa lang tao sa paligid pero kahit isa walang nagmagandang loob na tulungan si Monica!

"Mga walang kwentang Mortal! Bakit hindi nyo man lang tinulungan ang Babaeng may-ari ng mga ito!"  Malakas kong bigkas ngunit sa halip na sumagot ay pinalibutan ako ng mga Pulis na nakahandang barilin ako kung saka sakali.

Natawa ako.  "Bakit mga Mortal akala nyo ba magagawa nyo akong mapatay gamit ang mga walang kwentang sandata na meron kayo!"

Iwinasiwas ko ang isa kong kamay at nagkaroon ng mahinang hangin na dahilan para tumilapon silang lahat at mabasag ang ilang salamin. Lalong nagimbal ang mga tao. Umugong ang nakabibinging sigawan ng mga ito.

"Mga Wala kayong kwenta!"  Saka ako naglaho kasabay ng itim na usok.

Hahanapin ko si Monica. Pero nasaan na siya? Hindi ko na marinig kahit bulong niya. Makakapatay ako ng Mortal sa oras na may gawin silang masama sa kanya.

Nasa tuktok ako ng gusali. Hinahanap ko ang kinaroroonan ni Monica pero Wala kahit amoy niya wala din! Magbabayad sa akin kung sinuman ang kumuha sa kanya!











I am Belphegor Where stories live. Discover now