CAPITULUS SEPTEM

69 5 0
                                    

CHAPTER 7

Monica's POV

Hindi ako fan ng mga Dresses kaya isang High Waist Jeans ang sinuot ko na tinernuhan ko ng White Cropped top at Red Sneakers shoes. Nilugay ko lang ang medyo Kulot kong buhok saka ko na nilagay sa Pink Belt bag ko ang Cellphone ko pati Wallet para Incase na sumpungin ako ng kamalditahan ko o di may pamasahe ako pauwe.

Bumaba na ako ng hagdan. Magandang pagkakataon na rin to para kausapin si James na ayaw kong magpakasal sa kanya para hindi na mamilit pa si Dad saka isa pa wala nang rason para magpakasal kami dahil nakabawi na ang Kumpanya namin at dahil yon kay Belphegor!

"Quare uadis cum eo?" ( Why are you going out with him? )

Natigilan ako sa paglalakad nang marating ko na ang dulo ng hagdan. Napapikit ako at napahawak sa sintido ko. Eto na naman siya. Nasa loob na naman siya ng utak ko.

"Pwede ba Belpepper----"

"Belphegor ang pangalan ko hindi Belpeper. Ilang ulit ko bang dapat sabihin sayo yan Monica."   Talagang nakakatakot ang boses nito kahit mababa nagbabadya naman ang galit na tono nito.

"Ano bang problema mo. Okay! Belphegor na kung Belphegor. Ano masaya ka na----"

"Hindi. Gusto kong bumalik ka sa Kuwarto mo at magpahinga."   Aba! At inutusan pa niya ako ah.

"Ayoko nga. Saka may pag-uusapan kami ni James---."

"Pag-aari na kita Monica. Nung gumawa ka ng Rituwal ibinigay mo na sa akin ang kaluluwa mo nang mga oras na yon para selyuhan ang pakikipagkasundo mo sa akin para tumupad ng kahilingan mo." mahabang paliwanag nito.

Hindi na ako nakasagot ng magsalita si James. Hindi ko namalayang nakalapit na ito sa akin.

"Ayos ka lang ba. Monica?"  Tanong nito.

Minasahe ko muna ang sintido ko bago ako nagmulat nang mga mata.... at ang guwapong mukha ni James ang nabungaran ko. Nakangiti ito sa akin, akala ata niya may pag-asa na siya.

"Oo. Ayos lang ako. Tara na."   Aya ko dito. Gusto kong makapag-solo na kami para mapag-usapan na namin ang tungkol sa Kasal.

He smirked. Wow feeling niya gusto ko na siya? Ngek! Ni Wala pa siya sa kalahati ng lalakeng pinapangarap ko noh!

Bumaling muna ito sa gawi ng mga magulang namin para magpaalam. At syempre gaya ng inaasahan ko abot tenga ang mga ngiti nila ay hindi pala.... kundi lagpas tenga ang mga ngiti nila! Maliban lang kay Mommy. Alam ni Mommy na hindi ko gusto si James... si Dad lang ang nagpipilit na makasal kaming dalawa.

Tinabig ko ang kamay nito ng hawakan niya ang braso ko nang magsimula na kaming maglakad palabas ng Bahay namin. Bahagya pa siyang nagulat sa reaksyon ko.

"Sorry hindi ko kasi alam na hindi ka pala sanay ng hinahawakan."  He had that stupid smirk on his face. To be honest... he's annoying.

I gave him my sweetest fake smile. "Yup kasi hindi ako kagaya ng iniisip mo James."

Saka ako naunang naglakad palabas ng Bahay. Ang presko. Pogi nga Mamas boy naman! Narinig ko pa itong tumawa ng bahagya.

"Ego illum, si the iterum attigerit, incendam." ( I'll burn him if he touch you again. )

Dumagdag pa itong isang to.

"Belphegor kung pwede lang no. Wag ka na munang umeksena. Makinig ka na lang kung ayaw mong manahimik. Saka kung pwede lang naman paki-translate sa wika ko yung mga pinagsasasabi mo. Hindi Kasi kita ma-gets eh. Kung pwede lang naman." Bulong ko habang naglalakad.

Bumuntong hininga ito. "Ang sabi ko susunugin ko ang Mortal na yan kapag hinawakan ka pa niya. Yon lang naman. Sige. Mananahimik na lang muna ako."

"Anong sabi mo? S-susunugin mo? At bakit mo naman gagawin yon ha?" pabulong kong tanong ko dito bago ako huminto sa tapat ng Kotse ni James.

"Simple lang. Dahil pag-aari na kita. At hindi ka pwedeng hawakan ng kung sinu-sino."   Paliwanag nito.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang Car alarm ng Kotse ni James saka ko ito narinig na tumawa. I look at him and rolled my eyes on him.

"Ganyan pala kayong mga Demonyo. Bukod sa panget na ay bayolente pa... manahimik ka na lang muna kung ayaw mong hindi na kita kausapin pa."

Hindi na ito sumagot. Buti naman.

Pinagbuksan ako ni James.  "Sakay na po Miss Gorgeous."   Nakangising sambit nito.

Ngiii.... parang kinilabutan ako nun ah! Isang pilit na ngiti ang isinagot ko sa sinabi nito. Saka ako sumakay sa Mercedes Benz nya.

"So. Saan mo gustong pumunta. Monica?"   Tanong nito ng makapasok na sa Kotse saka nito binuhay ang makina.

"Enchanted Kingdom."  Agad kong sagot.

Nagkibit balikat lamang ito. "Okay. Mukhang masaya nga doon."

Madaming kwento si James pero ni isa wala akong naiintindihan o baka dahil hindi ko lang talaga iniintindi ang mga pinagsasasabi nito. Maspinili kong tumanaw na lamang sa labas ng bintana kesa makinig pa sa kanya.

Medyo dumidilim na din Hapon na din kasi. Bigla akong kinabahan ng may matanaw akong pamilyar na anyo. Kamukha niya ang lalakeng nakita kong nakatayo sa di kalayuan nung nanananghalian kami ni Arianne. Pero paanong nasa ganitong Lugar siya. Medyo trapik kaya sigurado akong siya yon. Hindi ko nga lang gaanong makita ang mukha nito dahil may kalayuan ang kinatatayuan niya.

"Problem?"

Napabaling ako kay James. "W-wala akala ko kasi may nakita akong kakilala."

"Ah."   Tanging sagot nito saka pinaandar ng muli ang Kotse ng magsimula nang lumuwag ang kalsada.

Nilingon ko pa ang Lalakeng naka-itim. Nakabaling din ito sa direksyon ng Sasakyan namin. Hanggang sa tuluyan ko na itong hindi matanaw.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit parang kinakabahan ata ako? Ganito din ang naramdaman ko nung nakita ko ito sa labas ng Cafeteria. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko.

ANG DAMING TAO nagpark si James sa di kalayuan sa Gate ng Enchanted Kingdom. Ako ang unang lumabas ng Kotse. Inantay ko ito saka kami sabay na naglakad papunta sa Ticket Booth madaming tao kaya kinailangan naming pumila. Buti at medyo madilim na kahit pano hindi masakit sa balat ang sikat ng Araw.

Nakatingin sa amin ang mga babaeng dumadaan pano agaw atensyon si James dahil Matangkad ito at Guwapo kaya ganun. Pero sa akin wala siyang kadating dating napapailing na lamang ako. Hay naku kung alam nyo lang na Mamas boy itong kasama ko at ubod pa ng yabang sigurado matu-turn off kayo.

Ilang minuto din kami sa pilahan Bago kami tuluyang nakapasok sa loob. Agad akong bumili ng pop corn para habang naglalakad lakad kami may ngunguyain ako.

"Gusto mo bang sumakay ng Rides?" Tanong ni James.

Tumango ako at pumila sa Ferri's Wheel.  "Dito tayo sumakay!"

"Okay. Sabi mo eh. Mataas yan baka malula ka."   Nakangiting saad nito. Napatitig ako sa kanya. Bakit nga ba hindi ko magawang magustuhan man lang ito. Wala kasi talaga akong nararamdamang kakaiba para sa kanya. Mukha naman siyang mabait e o baka naman hindi.

"Hindi ako takot sa Matataas na Lugar. James."

Nilingon niya ako saka bahagyang tumango. Aakbayan sana niya ako pero umiwas ako kaya napahiya siya Buti at hindi na ito umulit.

Tamang pagkakataon na sasakay kami ng Ferri's Wheel. Makakapag-usap kami ng maayos nito. At sana umayon lahat sa Plano ko.






I am Belphegor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon