CAPITULUS TRIGINTA

165 9 25
                                    

CHAPTER 30

Belphegor's POV

Bumalik ako sa Kastilyo. Nakahanda na ang lahat.

"Tiyo. Asan po si Roseta?" nag-aalalang tanong ni Dominico kasama nito si Evo na halatang balisa.

"Dinala ko siya sa Lugar na pwede siyang maging masaya at malaya." Tanging sagot ko saka ako naglakad papasok ng Kastilyo.

Kung tutuusin pwede akong biglang sumulpot na lamang sa loob ng Kuwarto namin ni Monica pero maspinili ko ang maglakad mula labas ng Kastilyo mabigat ang bawat hakbang ko parang hindi ko kayang magpaalam sa kanya.

Nasa tapat na ako ng Silid kung saan nakaratay ang Katawan ni Monica. Marahan kong binuksan ang pinto saka ako tahimik na pumasok para lang siyang natutulog payapang-paya siya sa anyo niya habang nakahiga. Lumuhod ako upang linisin ang katawan nito, marahan kong tinanggal ang suot nitong Gown na nabahiran na nang dugo mula sa panganganak at sa pagsasakripisyo niya.

Hinaplos ko ang bahaging tinamaan ng matalim na sandata ng Makinarya ni Alfonso.

"Patawarin mo ako kung hindi kita naipagtanggol. Sana kaya kong ibalik ang Oras para wala ka sa ganitong kalagayan ngayon. Ayokong isiping wala ka na! Hindi ko matanggap na sa ganito magtatapos ang lahat sa atin!" Napahawak ako nang mahigpit sa duguang nitong damit.

"MONICA!!!"  Isang malakas na hinagpis ang pinakawalan ko. Alam kong naririnig nila ako ayos lang naman dahil gusto kong magluksa.

Dominico's POV

"Si Tiyo---."  Pinigilan ako ni Papa.

"Non Dominico. Clamat." ( Don't Dominico. Let him cry. )  Napatitig na lamang ako kay Papa.

"Tama si Tiyo Beelzebub. Hayaan muna natin si Tiyo Belphegor masakit para sa kanya ang mga nangyari. Nawala si Tiya Monica at wala man lang siyang nagawa para protektahan ito sa halip ay ito pa ang gumawa ng paraan para hindi masaktan si Tiyo." Paliwanag ni Evo.

Wala na akong nagawa kundi ang umupo na lamang sa bulwagan at mag-antay sa paglabas ni Tiyo.

Narito halos lahat ng mga Demonyong sumaksi sa kadakilaang ginawa ni Tiya Monica para sa buong Pandemonium at sa lahi namin. Walang panama ang malalakas nilang Rituwal sa dalisay na dugo ni Tiya. Kung hindi nagsara ang Tarangkahan baka ngayon e ubos na kami ng mga Mortal. Kaya para sa amin nararapat lamang na bigyan ng marangal na paglisan si Tiya Monica.

                             ***

Belphegor's POV

Kumuha ako nang lalagyan ng tubig saka ko inilublob doon ang hawak kong puting tela, idinampi ko ang basang tela sa Katawan ni Monica. Lilinisin ko siya bago ko siya bibihisan nang masmagandang damit. Hindi ko maiwasan ang maluha. Naging masaya kaming dalawa kahit sa saglit na panahong pinagsamahan namin.

"Ayan malinis ka na, saglit lang kukuha ako nang damit para sayo." kinumutan kong muli ang hubad nitong Katawan. Saka ako nagtungo sa Silid Damitan nito. Kinuha ko ang isang kulay puting bestida naaabot ang dulo ng laylayan hanggang tuhod nito.

Bumalik ako sa Kama saka ko maingat na isinuot kay Monica ang napili kong Bestida. Pumuwesto ako sa paanan nito para isuot sa mga paa niya ang sandals.

"Ayan. Kasya lahat sayo. Bagay na bagay sayo."  Ilang minuto ko din siyang pinagmasdan. Bago ko siya binuhat sa mga bisig ko. Saka ako naglakad palabas nang Kuwarto.

Tahimik lamang ako habang tinatahak ang pasilyo palabas ng Kastilyong pagmamay-ari ko. Kahit saglit lang naging Tahanan ito ni Monica at nang Anak namin.

Bumukas ang pinto nang Kastilyo nang malapit na ako dito mula sa loob kitang kita ko ang pagbibigay pugay nila sa Bangkay ni Monica ang nag-iisang Mortal na umibig ng tunay sa Demonyong gaya ko at nagbuwis ng Buhay para sa akin at sa mga kalahi ko.

I am Belphegor Where stories live. Discover now