CAPITULUS SEDECIM

84 7 0
                                    

CHAPTER 16

Monica's POV

Maaga akong nagising kinabukasan. Hinanda ko na ang sarili ko sa pwedeng sabihin ng tatlong Maria na yon. Naku tiyak akong iko-cold treatment nila ako hay naku bahala na nga kung ano ang ganap mamaya sa Shop.

Mabilis akong naglakad papasok sa trabaho ko. Ayoko kasing ma-late. Pagdating ko kinuha ko agad ang time card ko saka ako nag-time-in sa Bundi clock namin. Saka ako pumasok sa Employees room para iiwan doon ang gamit ko meron namang locker at may sarili kaming mga padlock. Suot ko na ang singsing ko mahirap na baka magpakita uli si Belpepper baka paalisin na niya ako sa Condo Unit na tinutuluyan ko kung hindi ko siya susundin. Isinuot ko na rin ang Apron ko bago ako lumabas ng Employees room.

Malayo pa lang ay kita ko ng ang tatlong Maria. Abot tenga ang mga ngiti nila. Naku baka naka-homebase sa mga date nila.

"Monica!"   Agad na lumapit sa akin si Myla saka ako niyakap habang sige ang tawa. "Ikaw ha may Sekreto ka pala ha! Sino yung Guwapong Papa na yon?"

Tumaas ang isang kilay ko aba! aagawan pa ata ako ng Asawa ah!

"Uy Myla mukhang nagalit si Monica. Lagot ka."  Sita ni Lauren.

"Hindi yan diba Monica. Tinatanong ko lang naman kung sino yung Guwapong kasama mo kagabi eh."

Tumikhim ako.  "Ah. Yon ba? Diba masguwapo yung kasama mo kagabi at mukhang Hot."

Tumawa naman ito.  "Hot nga. Pero masmatindi yung datingan ng kasama mo eh. Yung tipong hindi nakakasawang titigan saka ang lakas ng dating niya! Diba gurls!"

Sabay tango naman ng dalawa. Napa-irap na lamang ako sa sinabi nito.

"Oo mala-Demonyo ang dating niya! Grabe kinikilig ako ang daya mo hindi mo kami pinakilala!"  Nakangusong sabat ni Carly.

Umiling na lamang ako. Hay naku kung alam nyo lang na hindi talaga siya tao. Ano kayang magiging reaksyon nyo? Sigurado akong matatakot kayo lalo kapag Nakita ninyo ang tunay niyang itsura. May pa-demonic sex appel pa kayong nalalaman. Ewan.

"Alam nyo kayong tatlo imbes na si Belphegor ang pag-usapan niyo bakit hindi na lang kaya kayo mag-time-in saka asa Trabaho po kayo noh." Yamot kong sagot.

"So. Belphegor pala ang name niya ha. Talagang madating! Parang may lahi siya diba gurls!" Para lang silang mga timang . Ngayon lang ba sila nakakita ng lalake? Hay naku ewan talaga.

"Bahala nga kayo. Oras na nang trabaho ko. Excuse me muna sa inyo mga gurls."  Saka ako plastik na ngumiti sa kanilang tatlo.

Ewan pero ayokong pinag-uusapan siya ng ibang mga babae lalo ngayon na may tatlo agad akong kaagaw sa kanya. Teka, Asawa na niya ako e kaya hindi ako dapat mag-alala! Maglaway sila kay Belphegor hanggat gusto nila ang mahalaga may nanalo na at ako yon!

May narinig akong tumawa. Hindi na ako lumingon dahil alam kong siya yon.

"Mukhang may nagseselos ata."

"Pwede bang mamaya ka na lang mang-asar Belpepper. Nasa trabaho kasi ako."   Pagsusungit ko sa kanya.

"Sige. Mamaya na lang."  Paalam nito.

Hindi na nga siya muling nagsalita pa. Buti naman.

Madami kaming Costumer maghapon kaya abalang abala kami habang sige naman ang kulit sa akin ng tatlo.

Sige naman ang tawa ni Belphegor. Naririnig kasi niya ang mga pinagsasasabi ng mga katrabaho ko at puring puri nila ang itsura nito.

"Umamin ka nga. Boyfriend mo ba yong sumundo sayo kagabi?"  Eto na naman kami. Pangungulit ni Myla.

I am Belphegor Where stories live. Discover now