CAPITULUS TRES

75 5 0
                                    

CHAPTER 3

Monica's POV

"Anong ginagawa mo Monica?" Tanong ni Manang nang maabutan niya akong nag-iinit ng tubig.

"Ha!? E nag-iinit po ng tubig!? Tama nag-iinit ng tubig!" Sagot ko.

Napanganga si Manang. "Pansin ko nga. Pero para saan mo gagamitin yan?"

Binuksan ko ang isa sa Kitchen Cabinet na naglalaman ng mga kapeng binili ko yung 3in1 kinuha ko iyon saka ko sinagot ang tanong ni Manang.

"Magkakape po kasi ako e." Sabay ngiti ewan lang kung mukha akong engot.

"Ah." Tumango tango ito. "Pero sa pagkakatanda ko e hindi ka naman nagkakape diba."

Kumuha na ako ng Tasa at Kutsarita. Saka ko sinalin sa Thermos ang bagong kulo na tubig.

"Naku Manang! Huli na po kayo sa Balita kasi nagkakape na po ako simula po ngayong gabi." Katuwiran ko isa-isa kong inilagay sa tray lahat ng dadalhin ko sa Kuwarto ko.

"Sandali nga lang Monica." Pigil sa akin ni Manang. "May problema ka bang Bata ka?"

Umiling ako saka tumawa. "W-wala po. Talagang trip ko lang pong mag-kape ngayon kasi hindi na ako Bata he he he."

"Ganon? Lahat ba yan dadalhin mo sa kuwarto mo?"

"Opo!" Agad kong sagot.

Lumapit si Manang at kinuha ang Thermos. "Sige tulungan na kita."

"Salamat po!" Saka kami sabay na naglakad paakyat sa Kuwarto ko.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang makarating kami sa Kuwarto ko si Manang ang nagbukas ng pinto nilapag nito sa bedside table ang hawak niyang Thermos saka ito walang imik na naglakad palapit sa pinto. Nilapag ko na din ang mga dala ko sa tabi ng Thermos.

"Monica." Tawag nito.

Nilingon ko ito. "Po?"

"Para na rin kitang tunay na Anak kami ng Mommy ang salitan sa pag-aalala sayo noong Baby ka pa. Kaya kung may pinagdadaanan ka gaya ng---." Tinuro nito ang sariling dibdib banda sa puso. "Pwede mo akong kausapin at sinisigurado ko sayong makikinig ako ha."

Natatawang napatango na lamang ako.

"Kakatok na lang ako kapag oras na para kumain ng Hapunan ha." Paalala nito.

"Sige po. Manang."

Tipid itong ngumiti saka lumabas ng kuwarto.

Ang tahimik ng Bahay namin. Kinuha ko ang Laptop ko saka ako nag-log in sa Facebook account ko. Ayokong matulog dahil makikita ko na naman yung Panget na Bakulaw na yon!

Bigla akong napalingon ng may narinig akong bumuntong hininga. Sino yon? Wala namang ibang tao dito sa Kuwarto ko ah. Naku baka epekto ito ng kawalan ng sapat na tulog! Buti at sembreak! Sana pagbalik ng Klase hindi ko na mapanaginipan ang Panget na Bakulaw na yon!

May bumuntong hininga uli! Napatayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama ko saka ko dali daling kinuha ang Baseball bat ko sa gilid lang nito. Mahirap na baka magnanakaw o rapist pa yung sige ang buntong hininga.

Pumusisyon ako na parang may hahatawin akong bola. Pasensyahan na lang kami kung masapol ko ulo niya!

Huminga ako ng malalim.

"May tao ba diyan?" Nilakasan ko ang boses ko para maalerto kung sinuman yon.

Pero walang sumagot. Nagpasya akong lapitan ang Cabinet ko at binuksan yon isa isa. Wala namang tao ah! Baka nga epekto ng puyat kaya nahihibang na ako. Nakamot ko na lamang ang batok ko.

I am Belphegor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon