CAPITULUS VIGINTI SEX

80 5 0
                                    

CHAPTER 26

Alfonso's POV

"Magaling Alfonso gaya nga ng inaasahan namin sayo. Susuportahan ka namin sa oras na makuha mo ang Babaeng nagdadalang tao sa Anak ng Isang Demonyo. Sinisigurado namin ang pagsikat mo sa Propesyon bilang Guro at Mananaliksik."  Hawak nito ang video tape na naglalaman ng mga ebidensiya na meron ngang Demonyo.

Napangiti ako sa sinabing yon ni Maestro Howard, ito ang may-ari ng Paranormal Laboratory na nag-aaral ng pagkaka-ugnay nang mga Tao sa mga Supernatural na gaya ni Monica Santos at ng Demonyong si Belphegor.

"Malapit na rin po naming mabuksan ang Tarangkahan tungo sa Empyerno."   Pagbibigay alam ko dito.

Ngumisi ito.  "Magaling. Gusto kong makuha niyo ang Babae at ang magiging Anak niya. Silang dalawa ang magdadala sa atin ng swerte at kikilalanin na tayo ng buong Sangkatauhan! Dadakilain nila ang Organisasyon natin!"

"Tama ka diyan Maestro. Sisiguraduhin ko pong makukuha ko ang Estudyante ko."

                             ***

Monica's POV

Nagising ako na wala sa tabi ko si Belphegor. Saan na naman kaya siya nagpunta? Umidlip lang naman ako ah. Tumayo ako at lumapit sa napakalaking bintana ng Silid mula roon ay kitang kita ko ang naglalagablab na kulay ng Apoy na animo'y sumasayaw sa mga ulap.

Hinaplos ko ang tiyan ko halos Dalawang Buwan na ito medyo nakakaramdam na din ako ng konteng Labor pero ayos lang alam kong asa tabi ko lang naman si Belphegor kapag nagsilang na ako sa Anak namin. Kanino kaya siya kamukha?

"Dito na tayo titira Anak. Dito sa Mundong kinabibilangan ng Papa mo malaya tayong makakagalaw hindi gaya sa Mundong pinanggalingan ko na hindi nila tanggap ang mga gaya ng Papa mo at gaya mo. Lalong ayokong gawin ka nilang eksperemento. Dito ka nababagay sa Lugar na ito dahil Isa kang Prinsesa."

Napalingon ako sa likuran ko nang bumukas ang pinto. Si Belphegor.

"Gising ka na pala. Buti naman may gusto akong ipakita sayo."  Hinawakan nito ang mga kamay ko saka iyon hinagkan. Kahit na Demonyo siya napakabait niya at mapagmahal.

"Sige. Pero gusto ko buhatin mo uli ako gaya kanina. Sige na please.... sumasakit na kasi ang tiyan ko eh." Paglalambing ko dito, ewan Basta naramdaman ko na lang na gusto kong maglambing sa kanya. Parang ang weird ko ngayon hindi naman ako ganito ah.

Tumawa ito.  "Itaque opus est tibi portare semper ad nostram nascentem Baby. Huh." ( So I need to carry you always to comfort our growing Baby. Huh. )

Ngumuso ako.  "Hindi po kita naiintindihan. O di wag kung ayaw mo! Kaya ko namang maglakad e Ikaw na ngang nilalambing Ikaw pang ayaw----."

Natigilan ako sa pagsasalita ko ng buhatin nga niya ako saka ako hinagkan sa noo.  "Sinong may sabing ayaw ko. Gustong gusto ko kaya."

Naglaho naman agad ang tampo ko isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nito saka ko siya niyakap ng pagkahigit higpit ipinikit ko ang mga mata ko. Bakit parang may pakiramdam ako na magkakalayo na naman kami o baka dala lang ito ng pagbubuntis ko.

Pumasok kami sa isa pang Silid na nasa loob mismo ng Kuwarto namin.

"Anong masasabi mo. Monica?" Dahan dahan niya akong binaba.

"A-ang daming damit! Ang gaganda nilang lahat!"  Nilapitan ko ang kulay Abo na Gown nakasuot iyon sa isang manikin.  "Pwede ko ba itong isuot?"

"Oo naman. Malinis lahat yan at para sayo lahat yan."

Kinuha ko agad ang Gown na nakasuot sa manikin. Isa isa kong tinanggal ang butones ng damit na suot ko nang may maalala ako.

Humarap ako kay Belphegor. "Pwede bang talikod ka?"

"Bakit?"   Tanong na sagot nito.

"Hello po Belpepper. Buntis ako oh at ang laki na nang tiyan ko tapos bubosohan mo pa ako. Talikod bilis."

"E Nakita ko na naman yan lahat diba?"   Nakangising sagot nito.

"Belpepper!"   Tili ko.

Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere sinyales ng pagsulo saka tumalikod. Kaya tumalikod na din ako para magbihis.

Belphegor's POV

Isa-isang tinanggal ni Monica ang suot niyang damit. Mula sa malaking salamin na nakaharap sa akin ay kitang kita ko ang magandang kurba ng likuran ng Babaeng mahal ko. Napangiti ako ng masilip ko ang maumbok nitong tiyan. Konting panahon na lang at manganganak na siya. Titig na titig ako sa bawat galaw nito ng bigla itong humarap. Nagtama ang mga tingin namin sa salamin. Natameme ako hindi alam kung ano ang gagawin ko.

"Belphegor! Kahit kelan talaga!" Sinugod niya ako ng kurot sige naman ako tawa ang saya ko ito sng unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito. Sige lang ang iwas ko hanggang sa nag-anyong tao baka kasi matusok siya ng Sungay ko.

Natigilan si Monica at agad na tumalikod. Tingin ko nahiya siya sa itsura ko ngayon. Humakbang ako palapit sa kanya saka ko siya kinabig para yakapin.

"Salamat dahil dumating ka. Mahal kita Monica. Gusto mo bang mamasyal?"

Tango lamang ang isinagot nito. Niyakap ko siya nang mahigpit saka kami naglaho.

"WOW! ANG GANDA NAMAN dito!" kumalas mula sa pagkakayakap ko si Monica at mabilis na naglakad hanggang marating nito ang gitna ng Hardin.

Gustong gusto ko sa tuwing Masaya siya. Wala akong hindi ibibigay para sa kanila ng Anak namin. Umikot ikot pa ito.

"Nagustuhan mo ba dito?"

Nilingon niya ako.  "Oo! Ang ganda! May ganitong Lugar ka pala sa Kastilyo mo tapos ngayon mo lang ako dinala dito."

Natawa ako dahil nakanguso na naman siya.  "Patawad naging abala lang ako. May mga bagay kasi kaming dapat asikasuhin."

"Gaya nang ano?"  Inosenteng tanong ni Monica. Bilog na bilog ang itim na mga mata nito bigla akong nakaramdam ng lungkot bakit parang lalayo siya hindi na ako papayag na makuha pa siya sa akin ng mga Mortal na yon!

Umiling ako at yumuko para hagkan ito sa labi. Sinalubong nito ang labi ko at ginawaran ako ng masuyong halik. Niyakap ko siya palapit sa akin nang may dumagundong na tunog mula sa Palasyo ni Lucifer. Narito na ang mga Mortal.

Mahigpit na napakapit sa akin si Monica.  "A-ano yung tunog na yon!?"

"Kelangan na nating bumalik sa Kastilyo."   Niyakap ko siya saka kami naglaho sa kawalan.

Isang Segundo lang at nasa loob na kami ng Kuwarto. May narinig kaming malakas na pagsabog.

"Anong meron Belpepper?" Nanginginig na tanong ni Monica.

Hinagkan ko ito sa noo. "Kahit anong mangyari wag na wag kang lalabas ng Silid na ito. May mga Kawal akong magbabantay sayo."

Bakas ko ang takot sa mukha ni Monica.   "S-saan ka pupunta?"

"Sa Digmaan. May mga nakapasok na Mortal sa Balwarte namin nararapat lamang na parusahan Sila!"

"N-natatakot ako Belpepper--- pakiusap dito ka na lang."  Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa mga mata nito.

"Wag kang matakot. Kailangan nila ako sa Tarangkahan----."

"P-pero kailangan ka din namin ng Anak mo!"   Basa na nang luha ang mukha ni Monica. Masakit man sa akin na iwanan Sila sa ganitong sitwasyon ay wala akong magagawa.

"Tungkulin kong ipagtanggol ang mga nasasakupan ko. Babalik din ako agad."  Mahigpit ang kapit sa akin ni Monica alam niyang sa oras na makabitaw siya ay kusa na akong maglalaho.

"Please... Belphegor..." paki-usap nito.

Kinalas ko ang pagkakakapit nito sa bewang ko. Nagulat pa ito nang kusa siyang gumalaw palayo sa akin. Umiling siya.

"Pagkontrol ang Isa sa mga kakayahan ko. Patawarin mo ako Monica. Pangako babalik din ako agad."   Saka ako naglaho. Isang hagulhol mula sa Babaeng magiging Ina ng Anak ko ang huli kong narinig bago ako tuluyang maglaho sa harapan nito.









I am Belphegor Where stories live. Discover now