CAPITULUS UNDECIM

68 6 0
                                    

CHAPTER 11

Monica's POV

Hindi na ako pumasok sa School nagderetso na lamang ako sa MOA. Doon muna ako magpapalipas ng oras para makapag-isip-isip na din. Bitbit ko ang School bag ko na naglalaman ng mga gamit ko sa Eskwelahan habang hatak hatak ko naman ang Traveling suitcase ko. Pumasok muna ako sa Mall at naghanap ng CR para makapagpalit ng damit naka-School uniform pa kasi ako. Isang white V-neck shirts ang nakuha ko mula sa Suitcase ko at isang jogging pants ayos na din kasi naka-tsinelas lang pala ako. Hindi ko pa nga pala naisusuot ang School shoes ko.

Naglakad lakad muna ako paglabas ko ng CR. Naghanap ako ng makakain yung mura lang kelangan kong magtipid para hindi maubos ang dala kong Pera. Teka! Kelangan kong i-widraw lahat ng laman ng ATM card ko baka i-cut na ni Dad. Dali dali akong naghanap ng ATM machine.

Ayun! Tinakbo ko agad ito. Habol ko pa ang hininga ko ng nasa pila na ako. Thank you Lord pang-anim ako sa pila. Mabilis naman ang mga nasa unahan ko. Magkano nga ba ang laman ng Card ko? Parang asa Twelve Thousand na lang ata?

Huminga ako ng malalim ng ako na ang nasa unahan ng pila. Kinakabahan pa ako. Nag-sign of the cross muna ako bago ko pinasok sa Machine ang Card ko.

"Sana may laman. Sana may laman." paulit ulit kong dasal sa isip ko. Nagulat pa ako ng makita ko ang Balance ko.

"Hindi nga!"  napalakas ang boses ko. Hindi kasi ako makapaniwala sa nakikita ko. One hundred thousand pesos ang laman ng Card ko? E ang pagkakatanda ko ay asa Twelve Thousand na lang yon e.

"Miss?! Tapos ka na ba? Kanina ka pa diyan. Humahaba na ang pila."  Puna ng Babae sa likuran ko.

Binalingan ko ito at ngumiti. Saka ako muling humarap sa ATM Machine. Tama i-wiwidraw ko lahat!

Nag-iwan lang ako ng Five Hundred para sa Maintaining Balance. Binilang ko muna lahat nang hawak kong pera bago ako umalis sa harapan ng ATM Machine. Inilagay ko iyon sa loob ng pouch ko na nasa Backpack bag ko.

Ngumiti ako sa nakapila likod ko bago ako tuluyang umalis. Naglakad lakad uli ako. Medyo kumalam na ang sikmura ko. May nakita naman akong Shawarma pwede na yon panglaman tiyan din yon habang wala pa akong trabaho. Madaling maubos ang pera kung hindi ko ito gagastusin ng tama. Kelangan ko pang humanap ng marerentahan bago ako mag-apply ng trabaho. Pero kanino naman galing yong ganon kalaking pera? O baka nagkamali lang nang lagay si Dad?

"Hindi ba pwedeng sa akin yon galing?"   Lumingon pa ako sa paligid ko kahit na alam ko kung sino yon.

"I-ikaw ang n-nagbigay sa akin ng Pera na yon?"  Bulong ko. Wala namang makakarinig dahil medyo malayo ako sa sinusundan kong nakapila sa Shawarma Stall.

"Sino pa nga ba? Hindi mo ba nagustuhan?"

Napangiti ako.  "N-na gulat kasi ako Akala ko kasi wala ng laman. Saka asa Twelve Thousand na lang kasi ang laman nun."

Narinig ko siyang tumawa.

"Kumain ka na ba?"   Tanong nito. Medyo kinilig ako sa tanong niyang iyon.

Napakagat labi ako. "B-bibili pa lang ng Shawarma---."

"Shawarma? Nakakabusog ba yan? May pera ka bakit hindi ka kumain ng tama."   Sermon nito pero parang kinikilig ako. Bakit? I shook my head. Do I feel something special for him? Nuh... Malayong mangyari.

"Belphegor. Titipirin ko yon dahil kelangan ko pang humanap ng marerentahan kahit Kuwarto lang. At itong binigay mo sa akin baka nga kulang pa ito sa mahal ng Paupahan dito."

Tumawa lang uli ito. "Pagkatapos mo diyan pumunta ka dito sa Halo Condominiums Room 1110 5th floor."

Nangunot ang noo ko. "Bakit?"

I am Belphegor Where stories live. Discover now