CAPITULUS SEX"

82 7 3
                                    

CHAPTER 6

Monica's POV

"Parang ang weird ng Bago nating Prof."  Bulong ni Arianne ng makarating na kami sa Cafeteria.

"Pansin mo rin pala?"

"Oo Beshie saka parang iba yung Aura niya."   Mahinang sambit ni Arianne. Oo nga pala nakalimutan kong medyo bukas ang Third eye ng Bruhang to kaya siguro ramdam niya.

Umupo na kami sa paborito naming spot sa Cafeteria. Nauna akong umupo.

"May bagyo ba?"   Rinig kong tanong ni Arianne.

Umiling ako at bahagyang nagtaka. "Wala. Bakit?"

Tingin ko may iba itong nakikita na hindi kayang makita ng mga gaya ko.

Simple lang itong ngumiti sa akin. "Ah... Wala akala ko lang kasi. Ang lakas kasi ng hangin."

Bigla akong may naramdaman hindi ko lang alam kung ano o sino yon. Basta nilingon ko ang paligid may napansin lang akong matangkad na lalakeng nakasuot ng all black na nakatayo sa di kalayuan. Iba ang pakiramdam ko sa kanya.

Bigla akong kinabahan. Nagulat pa ako ng hawakan ni Arianne ang kamay ko.

Seryoso itong nakatingin sa akin. "Naramdaman mo din ba?"

Lalo akong kinikilabutan dito sa kaibigan kong ito e. Tinapik ko ang kamay nito na nakahawak sa kamay ko. Saka ako bahagyang tumawa.

"Ano ka ba! Wala naman akong Third eye---"

"Bago ko makalimutan kumusta ka naman pala. Natupad ang hiling mo diba?"   Seryoso pa din ito kaya medyo napahiya ako at saka ako umayos ng pagkaka-upo.

Tumikhim muna ako. "Ummm. Oo. Ammm diba may Third eye ka?"

Tumango ito.  "Lahat tayo meron Monica. Nagkataon lang na yung akin nakabukas. Bakit?"

Kinagat ko muna ang order kong Lasagna bago ko sagutin ang tanong nito.

"Ummm.... Kapag may Third eye na gaya mo kadalasan ano anu nakikita nyo?"   Tanong ko.

"Mga Kaluluwa ng mga taong namayapa na saka mga Engkanto. Bakit?"   Sagot ni Arianne habang nanguya ng spaghetti.

Alanganin akong napangiti.  "E yung gaya ng mga Demonyo... nakikita mo din ba sila?"

"Demonyo?"   Ulit nito.

Tumango ako. "O-oo. Demonyo. Yung may mga Sungay at panget ang istura----."

Napahawak ako sa tenga ko ng magsalita si Belphegor.

"Sinong panget?"

"O-okay ka lang ba?"   Takang tanong ni Arianne.

"Oo. Nagulat lang kasi ako."

Sumubo muna ito ng spaghetti. "Ah....Okay bakit mo nga pala naitanong kung pati Demonyo---."

Napahinto ito at napatitig sa akin. Napangiti lamang ako.

"OMG!!! Don't tell me na? Hindi nga Monica?!"   Nanlalaki ang mga matang tili nito.

Sinenyasan ko itong wag masyadong malakas ang boses baka may makarinig sa pinag-uusapan namin.

"Sorry Beshie... pero totoo ba?" Bulong na lamang nito.

Tumango ako. "Oo."

"OMG Talaga! Hindi pa ko nakakakita ng Demonyo in real life! Anong hitsura Beshie? Sabi nila Guwapo daw ang mga Demonyo!"   Nakahawak ito sa magkabilang sintindo nito.

Narinig kong tumawa si Belphegor.

"Pwede ba! Umalis ka sa utak ko. Saka usapang babae ho ito."  Saway ko dito.

I am Belphegor Where stories live. Discover now