CAPITULUS DUODETRIGINTA

90 5 0
                                    

CHAPTER 28

Belphegor's POV

"Si bella incipiant, hoc semper admonemus nos non captos esse. Omnes interficere!" ( If wars begin always put this in mind that we will not keeping prisoner kill them all! ) Hasik ni Lucifer.

"ITA!" ( YES! ) Dumagundong muli ang malakas na hiyaw ng mga Kapwa ko Demonyo. Sana ayos lang si Monica sa Kastilyo. Sigurado naman akong wala makakapasok na Mortal doon.

Sumugod kami nang magbigay ng hudyat si Lucifer. Tiyak madami akong makakaing kaluluwa ng mga lapastangang Mortal!

"Daemons sumus! Easy ponere deberemus, ubi esse deberent! Tenemus et regimus orcum, ut sic nostra tueamur!" ( We are Demons! We should place them where they should be! We own and ruled the Underworld so this we should protect what is ours! )  Dagdag pa ni Lucifer.

Bahagya kaming natigilan ng hindi lang mga Mortal ang lumabas mula sa Tarangkahan. Meron silang mga makabagong Makinarya na kawangis ng Tao.

"Irrumabo." ( Fuck. ) bulong ko. Hindi lang isa kundi halos nasa mahigpit Isang Daan ang mga Makinaryang gagamitin nila para tapusin kaming mga Demonyo.

Nakita ko si Alfonso. Aba at Buhay pa pala ang loko! Lumipad ako palapit sa kinaroroonan nito ngunit may humarang sa akin na mga Makinarya.

Tumawa ito ng nakakaloko.

"Ano Belphegor! Akala mo ba namatay na ako? Naku pasensya ka na ha kasi meron akong siyam na Buhay. Tignan mo nga naman oh totoo Pala talaga ang Impyerno!"

Mula sa kawalan ay hinugot ko ang espada ko saka ako lumapag sa lupa ng Impyerno. Marahas kong itinutok kay Alfonso ang hawak kong espada.

"Ang kapal ng mukha mo Mortal! Dapat pala sinigurado kong Patay ka na bago kita hinayaan!"  Angil ko sa nakakasuklam na si Alfonso.

Tumawa uli ito.  "Kaso hindi mo ginawa kaya eto narito ako para bumisita. Baka nga sa mga oras na ito e nakuha na nila ang pakay namin dito."  Saka ito ngumisi.

Agad na sumagi sa isip ko si Monica. Pero may mga Bantay akong iniwan sa Kastilyo kaya imposibleng mangyari ang sinasabi nito.

"Lapastangan ka Mortal! Humanda ka at sapagkat ang dugo mo at dugo ng mga kasama mo ang didilig sa uhaw na Lupa ng Impyerno!"  Muli akong  sumugod.

Mukha lamang malalakas ang Makinarya nila pero kahit pa baliktarin natin ang Mundo mananatili lamang silang mga piraso ng lata na hindi gagalaw kung hindi binibigyan ng utos!

Pumunit sa ere ang matalas kong espada saka nagkapira-piraso ang mga Bakal na bitbit ni Alfonso. Tumingin ako sa paligid ko lahat ay abala sa kani kanyang mga kaaway. Kasama ko ang Anim kong mga Kaibigan naging tapat Sila sa sumpaan namin. Para kay Monica at sa magiging Anak namin nakahanda silang magbuwis ng Buhay.

"Mamatay ka! Alfonso!"   Bigla akong natigilan ng may marinig akong iyak ng isang Sanggol.

Humarap ako sa likuran ko at naroon si Monica nakatayo siya namantsyahan ng dugo ang kulay Abo nitong Gown may hawak siyang isang kumot at doon nagmumula ang matining na iyak.

"M-Monica?"   Tumango ito habang lumuluha. Nagsilang siya sa aming Supling kinaya niya kahit wala ako doon. Naglaho ako sa harap ni Alfonso. Segundo lang at nasa tabi na ako nang mag-ina ko.

Masuyo kong pinahid ang mga luha ni Monica. Saka ko pinagmasdan ang umiiyak naming Anak.

"A-ang Ganda niya. Monica. Kamukhang kamukha mo siya. Salamat at binigyan mo ako nang Isang napakagandang Supling." Hinagkan ko ito sa noo.

Pumalakpak si Alfonso.  "Wow naman! May dramatic side din pala ang mga gaya niyong Demonyo ano! Saka what a Blessing! Bakit dahil hindi na ako mahihirapan pa na hanapin ka Monica! Sumama ka sa akin at ipinapangako kong ititigil namin ang paglusob at pagpatay sa mga Demonyong yan!"

I am Belphegor Where stories live. Discover now