CAPITULUS VIGINTI QUINQUE

74 7 0
                                    

CHAPTER 25

Monica's POV

Mahaba ang nilakaran kong Hallway parang walang katapusan nilingon ko ang likuran ko wow ang layo na pala nang nalakad ko.

"Ano bang Lugar ito. Puro bintana lang ang meron dito ah wala atang hagdan dito."   Inis kong sambit, kinakausap ko naman ang Tiyan ko.

Napangiti ako nang may makita ako hagdan. Nagmamadali akong humakbang palapit dito. Ang lawak pala ng Kastilyong ito pero walang tao man lang o Demonyo na gumagala-gala man lang wala tuloy akong mapagtatanungan kung nasaan ang Tatay ng Anak ko.

Naglakad pa uli ako. Napagod na ako kaya sumandal muna ako sa pader, nagulat ako ng biglang may umalingawngaw na parang may nabasag na kung anuman yon. Napalingon ako sa direksyon nito. Kinabahan ako bigla kaya napaatras ako. Babalik na sana ako nang marinig ko ang boses ni Belpepper!

Ano kayang nangyari? Sinundan ko ang mga boses nang nag-uusap. Nagmumula iyon sa bukas na pinto sa pinakadulong bahagi ng Kastilyo.

Dahan dahan akong sumilip sa nakabukas na pinto, double door yon kaya sa isang pinto ako pumuwesto. Napahawak ako sa bibig ko nang makita ko kung sinu-sino ang nasa loob ng silid. Puro sila mga Demonyo at ang lalaki nila masmalaki sila kay Belpepper! Meron silang pinag-uusapan pero hindi ko maintindihan kung ano yon meron kasi silang sarili nilang Lenguwahe.

Napasandal ako sa nakasarang bahagi nang pinto, laking gulat ko ng bigla itong gumalaw. Napahawak ako sa mukha ko at mariing napapikit.

Dahan dahan ang tunog ng pinto habang unti unting bumubukas. Natahimik ang lahat wala na akong naririnig na mga boses. Nagmulat ako ng mga mata ko at dahan dahang ibinaba ang mga kamay ko na nakatakip sa mukha ko.

Ganon na lamang ang pagkapahiya ko nang lahat sila ay nakatingin sa akin. Puro sila may Kapa na gaya nang suot ko. Pinasadahan ko sila ng tingin hanggang sa huminto ako kay Belphegor, nakangiti ito sa akin.

"Monica. Bakit andito ka?"  Humarap ito sa direksyon ko kaya naiyakap ko ng masmahigpit ang nakabalot na Kapa sa Katawan ko saka ako nahihiyang yumuko.

"Ummm. H-hinahanap kasi kita." Mahinang sagot ko.

Nagtawanan silang lahat. Ilang minuto pa at napansin ko ang dalawang pares ng mga paa na huminto sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin.

Nagtama ang mga mata namin para akong maiiyak namiss ko siya kaya yumakap ako agad sa kanya. Narinig ko na naman silang nagtawanan at nagkantyawan. Nagkukulitan din pala ang mga Demonyo? May mga sinabi sila pero hindi ko maintindihan.

"Invideo vobis stultum Daemonium!" ( I envy you stupid Demon! )   Hasik nang Isa sa mga kausap ni Belphegor sabay tawa.

Tumawa din si Belphegor saka niya ako binuhat. Napakapit naman ako agad sa mga bisig nito. "Sorry, nainip ka ba?"

Bahagya akong tumango. Akala ko ay aalis na kami pero nagkamali ako dahil muling humarap si Belphegor sa mga kausap niya at humakbang palapit sa mesa kung saan sila nakatayong nakapalibot lahat. Yumuko ako saka ko isiniksik sa dibdib nito ang mukha ko. Lalo lang silang nagtawanan lahat ano bang akala nila sa akin Clown! Wala namang nakakatawa ah.

"Saglit na lang to, Monica. May importante lang kaming pinag-uusapan."  Mahinang sambit ni Belphegor, ang ganda talaga nang boses niya. Tumango lang ako nahihiya na kasi akong magsalita baka tawanan na naman nila ako eh.

Inaliw ko na lamang ang sarili ko sa mga palamuti na nakalagay sa Baluti ni Belphegor tutal hindi ko naman sila naiintindihan eh at hindi ko din sila kilala. Komportable ako habang kalong niya ako ang init kasi ng mga bisig niya.

"Quid enim mali est, Lucifer?" ( What is wrong, Lucifer? )   Pag-uumpisa ni Belphegor.

Sumagot naman ito kaya napatingin ako dito. Ah siya pala si Lucifer.

"Oppugnamur stulti Homines!" ( We are being attack by stupid Humans! ) Halatang galit ito. Napakapit ako ng mahigpit kay Belphegor bahagya naman itong tumawa sa reaksyon ko.

"Ita! Suus unus ex Hominibus qui Binsfield secuti sunt Rituale!" ( Yes! It's one of the Humans who followed Binsfield Ritual! )  Kung nakakatakot man ang itsura ni Belphegor sa totoong anyong Demonyo niya e mashigit ang Isang to para siyang kakain ng Buhay na tao! Nagbaba ako ng tingin ng bigla itong lumingon sa direksyon namin ni Belphegor. Tumawa lang ito. Ano bang meron at Sige ang tawa nila sa akin? Nakaka-inis na ha.

"Satanas est. Omnes nos interficere!" ( Satan is right. We're going to kill them all! )  Sabat naman ng Isa.

"Ubi alii?" ( Where are the others? ) Tanong nung Lucifer.

"Beelzebub, Mammon et Asmodeus. Custodiunt Portam." (Beelzebub, Mammon and Asmodeus. They are guarding the Gate. )  Sagot nung may nakakatakot na mukha si Satanas ata yon.

Bumaling si Lucifer sa amin ni Belphegor kaya napahigpit na naman ang kapit ko sa braso nito.  "Belphegor debes ire ad cubiculum tuum et custodire Monica. Opus est tibi. IPSA et puer tuus indigent te." ( Belphegor you need to go back to your room and guard Monica. She needs you. She and your baby needs you. )

Tumango naman ito. Ano kayang pinag-uusapan nila? Naku baka kakatayin nila ako!

Narinig kong tumawa si Belphegor. Kaya kinurot ko ito sa braso. Tumigil naman ito.

"Belly's est in Promunturio tuo Belphegor. Fam exheberet vobis stultus Daemonium."   Sabay tawa ni Lucifer kaya nagtawanan na silang lahat at nakisali pa si Belphegor. Nakakaasar na talaga pakiramdam ko ako yung pinagtatawanan nila.

Kinurot ko uli ito pero masmalakas na kesa nung una kaya medyo tumigil siya sa pagtawa at yumuko sa akin.

"May nakakatawa ba Belpepper!? Nakaka-inis ka na! Kanina pa kayo tawa ng tawa! Ako bang pinagtatawanan nyo?!"   Nakasimangot kong dakdak.

"Quid the vocat?" ( What did she call you? )  Gulat na tanong ni Satan.

Tumawa muna si Belphegor bago sumagot.

"Campana piper." ( Belpepper ) Inirapan ko ito ng tumingin uli sa akin. Nahinto ang tawa ni Belphegor sa halip ay ngumiti na lamang siya.

"Hoc est ridiculum!" ( That's ridiculous! )  Tawa nung Satan.

Kinurot ko uli ito sa braso kaya hinagkan niya ako sa noo. Natahimik tuloy ako sa ginawang iyon ni Belphegor.

"Nunc ad cubiculum ibimus. Gratias tibi, quia me certiorem. Fecit." ( We will go to our room now. Thanks for informing me. )  Saka tumalikod si Belphegor at naglakad palabas ng Silid.

"Ire Lovebirds!" ( Go on Lovebirds! ). Pahabol ni Lucifer.










I am Belphegor Onde as histórias ganham vida. Descobre agora