CHAPTER SEVEN

37.3K 987 249
                                    


OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Linggo ng gabi at nandito ulit ako sa Club Sin, dalawa't kalahating araw simula nong magtrabaho ako rito bilang waitress, hindi ko nakita kahapon si Aisha na ikinataka ko, hindi ko alam kung may problema ba sya o dahil sinesante na, sana naman hindi dahil malulungkot talaga ako.

Napapansin ko rin ang pagiging matamlay ni Fred, and I don't know kung bakit, maybe because he missed Aisha too, mukha kasing may gusto sya sa kaibigan namin.

Hindi ko narin nakita si Darwin, si Heart naman na sabi ni Glenda ay himalang umabsent na ipinagpasalamat namin dahil nakakabwisit na yong pagmumukha niya.

“Alis na ako, ingat kayo” -paalam ko kina Glenda, Fred, Naomi na bagong kakilala ko at Conrad “Kita tayo bukas”

“Bye Olivia”

“Ingat sa daan”

“Kayo din, ingat”

Naging malapit na rin ang loob ko sa kanila. Si Glenda, Fred at Naomi ay halos matanda sa akin ng pitong taon samantalang si Conrad ay bente anyos pa lamang. Noong una hindi ako naniniwala dahil wala sa itsura niya, hindi naman sya matanda, akala ko kasi nasa bente singko anyos na sya, masyadong syang matured sa edad niyang bente. Purong pilipino si Conrad pero hindi mo ipagkakailang pinagpala sa kagwapuhan.

Napapansin ko rin nong una na hindi ako masyadong pinapansin nina Glenda. Medyo nacu-curios ako sa inaasta nila but then they told me kung anong dahilan. Sabi nila natatakot silang lumapit sakin dahil baka raw masisante sila ni boss, thankfully Conrad made a way to make Glenda and Fred don't feel any pressure when I am with them. Ayoko kasing iba yong pananaw nila sakin, masaya ako na kasama sila kaya mabuti na lang hindi na sila lumalayo, kasalanan talaga to ni Darwin, akala tuloy ng ilan may relasyon kami.

Pagkauwi sa bahay ay sinilip ko muna si tatay kung tulog pa ba, nagpapasalamat naman ako dahil mahimbing at payapa ang tulog niya. Naguiguilty rin ako dahil naglilihim ako sa kanya, wala akong choice kaya hindi nya ako masisisi. Inaamin ko namang mali ako pero anong magagawa ko? Kailangan kong magsikap at makahanap ng trabaho para may pagkain kami sa araw araw, walang ibang maaasahan kung hindi ako lang.

Minsan nagtataka ako dahil may mga pagkaing grocery na nakalatag sa mesa, ang sabi ni tatay binili niya raw. Hindi ko sya maintindihan dahil wala naman syang trabahong pweding pagkakakitaan, ngunit isinawalang bahala ko nalang ito sapagkat wala ako sa posisyon upang magtanong. Sabi pa nga ni tatay Tanggapin ang grasya sapagkat bigay ito ng panginoon.

KINAUMAGAHAN, kahit kulang sa tulog dahil sa trabaho ay maaga akong nagising, nine sharp nagsisimula ang klase kaya kahit puyat bumangon ako ng alas sais. Si tatay naman ay may pinupokpok sa aparador, mukhang sira na naman ata.

“Tatay gatas po” -alok ko sabay lapag ng isang tasang gatas sa mesa “Sira na naman ba?” -tanong ko patukoy sa aparador

“Kunting ayos lang to. Papasok ka ba ngayon?”

“Opo tay”

“Maganda kung ganon”

Ngumiti lang ako saka nagpatuloy sa pag plantsa nitong uniporme, inalis ko ang pagkakasaksak ng wire saka ulit pumunta sa kusina at inasikaso ang niluluto kong adobong kangkong.

Matapos lahat ng gawain ay kumain na rin ako kasama si tatay, naligo narin ako pagkatapos at nagbihis, inayos ko ng kaunti ang buhok ko saka ang laman ng bag pack.

“Tatay?” -tawag ko sakanya dahil wala sya sa kanyang kwarto “Tay!”

“Andito ako sa labas Yesha!”

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Where stories live. Discover now