CHAPTER TWENTY THREE

34.3K 838 93
                                    

For imagination purposesTyler's hotel,The Montellion Palace

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

For imagination purposes
Tyler's hotel,
The Montellion Palace.
All credits to the rightful owner

OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Dalawang linggo simula ng mangyari yung insidente ay hindi na umuwi si Tyler sa mansion nila, OO tama dito na talaga siya namamalagi. Pinapauwi sya ni tatay pero ayaw niyang makinig, as much as I want to shooed him away I understand that he only wanted me and tatay to be safe, kaya heto.. nananahimik na lang ako.

Sa sala sya natutulog dahil yun ang sabi ng tatay, maraming bawal sa kanya, bawal niya akong malapitan, bawal syang pumasok sa kwarto ko, bawal syang humawak sa kahit anong parte ng katawan ko at bawal niya akong eh date dahil sabi ni tatay para na kaming mag kapatid.

Hindi ko alam kung anong nasa utak nito ngayon, tinanong ko sya kung bakit mukha kaming mag kapatid, ang sabi niya dahil dito na nakikitira si Tyler dapat na ituring ko na syang kuya total naman daw matanda sakin si Tyler ng walong taon. Kapag pumapasok ako, palagi syang nakabantay sakin, lahat ng tao at studyante pinagtitinginan ako. Naiintindihan ko naman sila dahil sino ba naman ako para ihatid sundo ng isang kilalang Tyler Montellion.

Kalaunan ay nasanay na rin, pasasan pa't magsasawa rin sila. Si Troy naman palagi pa rin akong nilalapitan kaya todo iwas naman ako dahil masama palagi ang titig ni Tyler sa kanya, ayoko na nang gulo kaya kung kaya ko, ako na mismo ang umiiwas.

Pagdating naman sa trabaho ko, hindi na ako nakakapasok, palaging bantay sarado ang kilos ko dahil nandyan si Tyler nakaabang. Binibigyan ko naman sya ng dahilan na wala na kaming pagkain kaya kailangang ko ng mag trabaho pero ang tigas ng ulo, sinama lang naman ako sa mall at namili ng lahat ng pweding stock na pagkain sa bahay. Hati kami ng bayad dahil hindi ko pinayagan na sya lang lahat.

Magmumukha akong gold digger pag sya pinagbayad ko. Ayaw nga niya akong pagbayarin pero dahil sinamaan ko ng tingin, tumiklop rin.

“Tatay? Nasan po si Tyler?” -tanong ko ng magising akong wala sya sa sala “Umalis po ba?”

“Ayon, umalis. Tumawag ang mga magulang niya. Birthday kasi non kaya pinapaalahanan”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Tatay, tumakbo ako papunta sa kanya na ikinakunot naman ng kanyang kulubot na nuo. “B-birthday ho niya ngayon?”

“Oo, bakit? May pera kang pang regalo?”

“Totoo Tay? Birthday niya talaga?”

“Paulit ulit”

“Di nga tay?”

“Oo nga”

“Seryoso?”

Sinamaan niya ako ng tingin “Ikaw kaya mag tanong, ako sasagot. Abat pambihira kang bata ka”

“N-ngayon talaga?”

“Ewan ko sayo, Yesha”

Tinulak niya ang wheelchair papuntang kwarto kaya naiwan akong nakatanga sa sala. Totoo? Birthday niya talaga ngayon? Bakit hindi niya sinabi?

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Where stories live. Discover now