CHAPTER EIGHTEEN

34.5K 918 252
                                    


OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Hinatid ako ni Tyler nong araw na may nangyari sakin sa eskwelahan, dito na rin sya kumain sa bahay. Taka namang nagtanong si tatay kung bakit hindi ako naka uniporme non, mabuti nalang si Tyler ang sumagot. Alam kong mag-aalala si Tatay kapag nalaman niyang may nananakit sakin sa school.

Hindi parin naman ako makapaniwala na medyo malapit na sya sakin at kay tatay. Bunos nga yong pagiging magalang niya sa magulang ko eh. He save me, he took care of me. Troy save me too, a lot of times actually.

Bahagya kong pinilig ang ulo dahil sa pagsagi ng pangalan ni Troy sa bibig ko, it's been three days and I haven't seen him. How is he now? Is he okay?

Today is friday at papasok ako, dalawang araw na rin na hindi ko nakikita at nakakausap si Tyler. May sinabi sya sakin nong nagpaalam syang aalis, sabi niya may aasikasuhin lang syang importante kaya medyo matatagalan syang makita ako ulit.

He seems upset and sad at the same time, he looks frustrated on something pero di ko nalang inabalang itanong kung bakit. Matagal niya akong pinakawalan sa pagkakayakap nong araw na yon, kung hindi pa tumikhim si tatay hindi niya pa ako bibitawan. Sympre ganon pa rin ang nagiging reaksyon ko sa twing yayakapin niya ako, hindi ko sya niyayakap pabalik dahil feeling ko hindi ko kayang gawin yon.

Naglalakad ako patungong hagdan ng may mahagip ang dalawang mga mata ko sa gilid. Unti unti akong napatakip sa bibig ng makita ang dalawang studyante na nag ha-halikan. Dali dali kong inihakbang ang paa paakyat, parang hindi ko kinaya ang nakita ko, ano yon?

Naglalaplapan sila dito sa loob ng campus? Kulang na lang higupin nila ang isat isa. Nasan na yong hiya nila sa katawan? Ganito na ba talaga mga studyante ngayon sa SIS?

I pounded my chest, hindi ko alam kung bakit sumisikip ang dibdib ko sa nakita, alam ko namang hindi ko dapat maramdaman to pero hindi ko mapigilang di masaktan ng kunti. Inaamin kong crush ko si Troy, crush lang naman. Ang gaga ko talaga, ngayon ko pang inamin na crush ko sya nang dahil lang nakita ko syang may kahalikan.

Naglakad ako ulit papunta sa room. Pilit winawaksi ang nakita kanina, parang pinupunit ang dibdib ko at hindi ako makahinga, why do I have to see him like that? I mean, bakit parang nag iba sya? He never mention na may girlfriend sya dito sa loob ng campus. Anyway, ano bang pinagpuputok ng butsi ko? Eh ano naman ngayon kung may nobya sya? Anong pakialam ko?

Nang makarating sa classroom, unang bumungad sakin ang mga mata ng mga kaklase ko na ngayon ay nakatitig sakin, ngayon lang ulit ako pumasok pero yong mga titig nila hindi parin nagbabago, yong tipong para akong kriminal sa mga mata nito at kulang na lang saktan ulit ako.

Napabuga ako ng hangin ng mapansing wala sila Martha at ang ilang kasama niya. Ano kayang nangyari sa kanila?

Umupo ako sa pinakadulo. Hindi pa dumadating si Xandra at malapit ng mag nine. A-absent kaya yon?

DUMATING ang lunch time at hindi parin pumasok si Xandra. Napagpasyahan ko nalang na lumabas ng room dahil sa mga tinginan na palaging pinupukol sakin ng mga kaklase ko, hindi na kasi ako kumportable.

Nasa pinto na ako nakatayo ng may humarang sakin, isang janitor dito sa SIS. Ngumiti naman ako sa kanya.

“Bakit po?” -tanong ko

“Kilala mo ba si Olivia Verdenilli?”

“Ako po yon”

“Iha, napag-utusan ako ng Dean na daanan ka dito at papuntahin ka sa opisina niya”

Kinabahan naman ako, may nagawa ba akong mali? “Okay po” -sagot ko na lang “Salamat”

Naglakad ako papunta sa opisina ni Dean, malakas na rin ang kabog nitong dibdib ko at feeling ko may mangyayaring di maganda ngayon.

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant