CHAPTER THIRTY SEVEN

28.3K 758 146
                                    


OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong kay Tatay pero natatakot ako dahil baka kung anong gawin nitong lalaki sa kanya. Nagkasya lang ako sa panginginig habang nakatingin sa mga mata nitong titig na titig sakin. I try to look away pero humakbang sya papunta sa akin at mabilis na hinawakan ang baba ko at pinaharap sa kanya.

Inilapit niya ang kanyang bibig sa bandang tenga ko at bumulong. “Want to come with me? I know a better place you can enjoy”

Tinulak ko sya ng mabilis “Are you insane?”

“Damn it” -he chuckled. “Nakakatuliro ang bango mo”

“A-Ano bang problema mo?” -tanong ko, “Anong ginagawa mo dito sa pamamahay namin? Paano mo nalamang dito ako nakatira? Sinusundan mo ba ako?”

“Nandito ba ang tatay mo?” -aniya at hindi pinansin ang tanong ko

Natakot ako sa sinabi nito. Makailang beses akong umiling at hinayaan ang luha kong lumandas sa pisngi ng tuloy tuloy.

Nakita ko namang natigilan sya. Naningkit ang mga mata ko sa inasta nito, tila ba bigla syang nagsisi ng umiyak ako sa harapan niya, this isn't the first time he act like this. Dun sa club, nung sinabi ko sa kanya na bitawan niya ako habang umiiyak, nakita ko ring natigilan sya. Nong time rin na nagpaputok si Tyler, umiyak din ako nun kaya hinayaan niya akong umalis. May something rin ba sa utak to?

He sighed, trying to a puzzle a word. “Dont cry. Fúck it”

“W-what?”

“Hindi kita sasaktan. I just wanna see you” -aniya “Pasensya na kung pumasok ako. Can't help myself”

Sinubukan kong kumalma. Yong takot ko hindi parin mawalawala, ngayon ko lang naisip—sana pala hindi ko pinakuha kay Tyler ang tracking device na nasa necklace ko.

I need him right now.

“G-Get out” -pagpapaalis ko sa kanya kahit nanginginig “P-please? Get out”

Tumingin sya sa mga mata ko ng matiim. Yong titig na parang miss na miss niya talaga ako pero ayaw niya lang lumapit sakin dahil natatakot syang itulak palayo. Ganyan rin tumitig sakin si Tyler, he's seriously scaring me.

Umatras ako ng umatras hanggang sa dead end na ang kinalabasan ko. Lumapit sya sakin ng dahan dahan at agad akong kinorner sa pamamagitan ng kanyang braso. Hindi ako umiwas ng tingin at nakipagtitigan. Kahit takot na takot ako sinubukan ko paring makabuo ng salita.

Iniharang ko ang palad sa dibdib niya para hindi sya dumikit sakin.

“A-ano ba..” -napalunok ako ng sunod sunod “Ano bang kailangan mo?”

Napaangat ang gilid ng labi niya. “Ikaw”

“Ano?”

“Ikaw...” -ulit niya at ngumiti “Kailangan kita”

“Baliw ka ba?”

“Baliw?” -umakto syang nag-iisip “I am, well? You did this to me”

“Ano bang pinagsasabi mo?”

“Five years ago? Still remember?”

Five years? Anong sinasabi nitong lalaking to? Hindi ko sya kilala. At kahit kailan wala akong natatandaan na nakita ko sya. I tried to push him, but he's so stubborn.

“Ano ba. Sabi ng umalis ka diba?”

“Tell me” -he commanded “You still remember me aren't you?”

“Hindi kita kilala” -sagot ko sa seryosong boses “Five years ago? Wala akong natatandaan”

Biglang dumilim ang mukha niya sa sinabi ko. Napatingin ako sa mga kamao niyang nakakuyom. Pinunasan ko ang luha ko ng magsimula na naman iyong lumuha. Sinubukan kong wag humikbi, ayokong magising si Tatay, ayokong atakihin sya, ayokong makita niyang nasa kapahamakan ako, hindi pwedi.

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Where stories live. Discover now