CHAPTER NINE

33.8K 904 116
                                    

OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Hindi na ako pumasok sa klase pagkatapos ng nangyari kahapon, hindi ko alam ang gagawin kung makikita ko ulit sila Martha at ang mga kaibigan niya. Para bang nagbigay sila sa akin ng trauma.

Gusto sana ni Troy na ihatid ako sa bahay kahapon pero umayaw ako, nakakahiya na talaga ng sobra kung magpapahatid pa ako sa kanya. Sa dami ng ginawa niyang tulong sakin parang ayoko ng dagdagan pa ang hiyang nararamdaman ko.

Nandito ako ngayon sa malawak na harden nitong SIS. Matagal ko ng alam na may ganitong klaseng lugar pero ngayon lang ako sumubok na pumunta rito, kung alam ko lang na ganito ka peaceful ang harden na to matic nang first day of school palang tumambay na ako.

“Ganda naman talaga dito” -bulong ko sa kawalan

Ang sarap ng hangin parang nasa bukid lang, ang dami pang paro parong nagsisiliparan, feeling ko sinadya nilang lagyan to ng ganito rito, pero sa pagkakaalam ko ang lifespan ng mga paro-paro ay tatlo lang.

“Talking to air is kinda odd”

“—Ay kalabawng malandi!”

Napatayo ako sa gulat dahil sa boses na nanggaling sa likoran ko.

“Tsk. What's that word?” -he asked

I didn't know him, pero yong itsura niya? Nakaka-speechless. I mean, gwapo sya, matangkad, maputi... pero hindi ko gusto yong pagsulpot niya ngayon. Napapahiyang iniyuko ko ang ulo at kiming ngumiti.

“Pasensya na”

Basi sa damit niya, halatang pang mayaman. Hindi kasi sya naka uniporme. Kulay kahel ang kanyang mga mata na talaga namang bumagay sa itsura niya, ang tangos pa ng ilong, ang makapal niyang kilay at yong buhok nyang kulay chocolate na bagsak ang bangs sa harap ay mas lalong nakadagdag sa ka-gwapohan niyang sobrang labis.

May hikaw din sa kanang tenga niya at sa bandang bibig. SKyler International School are blessed to have these such gorgeous/handsome faces.

“Do you know that I have my own law?” -aniya na nagpabalik sakin sa katinuan “If anyone dare gaze at me without my authorization, I retain the right to pursue legal recourse against them.”

Huh?

“Staring at me is a crime. So yes, I'll indict you” -he added

Parang huminto sa pag function ang lahat ng dugo ko sa katawan. May ganon bang klaseng krimen? Seryoso ba sya?

Napahawak ako sa manggas nitong palda ko, kinakabahan ako sa ngisi niya, those grin is giving me some danger vibe. Kung iisipin hindi dapat ako matakot pero dahil sa ngising binibigay nito sakin parang nababahag ang buntot ko.

“This area are restricted, why are you here?” -tanong na naman niya gamit ang boses nitong tila walang kabuhay buhay “Hmm?”

“Restricted?” -napaisip ako saglit, wala namang nakalagay sa labas na bawal pumasok. “Bawal parin ba kahit nandito ka? I mean, I didn't see any sign outside of this garden”

“Does it matter?”

Napakagat ako sa bibig. “Ah.. sige, aalis nalang ako.. pasensya na”

Hahakbang na sana ako palayo ng mag-salita na naman sya. “Just kidding. You can enjoy your stay here for a little while... Tyler's Property”

Kumunot ang nuo ko sa sinabi nito. What did he said? Tyler's what? He turn his back on me dahilan para hindi ko na ma-tanong kung ano yong ibig niyang sabihin.

Pasalampak ulit akong umupo sa bermuda grass ng makaalis sya, inisip ang sinabi niya kanina, hindi ko masyadong narinig yong huling sinabi nito dahil parang bulong lang yon sa hangin. Aish, maybe I should stop minding someone's business.

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Where stories live. Discover now