CHAPTER THIRTY EIGHT (Warning)

41.5K 831 201
                                    

WARNING: SPG⚠️

OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Naalimpungatan ako ng magising kinaumagahan. Naestatwa ako ng maramdamang may kung anong bumubukol sa likoran ko, sisipain ko na sana ng maamoy ang natural na pabango nitong sobrang nakakapanghina ng tuhod. Nakayakap sya sakin sa likoran, jusko, akala ko naman kung sino.

Bahagya akong namingi, at halos mamutla nang may naisip. Halos mawalan na ako ng hininga nang maalala na nasa bahay pala kami ng Tatay.

Shit! Kinuha ko ng mabilis ang kamay nyang nakayapos sa bewang, kinumutan ko sya saka ako dahan dahang lumabas ng kwarto at dumeritso sa sala. Nadatnan ko si Tatay na ngingitingiting nanunuod ng TV. Napahawak ako sa dibdib, hindi naman siguro niya nakita si Tyler diba? Kasi kung nakita niya. Patay na dapat si Tyler ngayon.

“Tay...”

Bumaling sya sakin. “Oh, gising ka na pala. Kumain ka na”

“Po?”

“Kain ka na”

“Ah...” -tumango ako “Kayo po ba ang nagluto nito?”

“Oo” -sagot niya habang ang mga mata ay nasa telebesyon. “Si Jeremy? Gising na ba? Kung hindi pa, gisingin mo na, tirik na tirik na ang araw baka ma late na yan sa trabaho”

Napalunok ako ng sunod sunod. “T-tay?”

“Si Jeremy kako. Gisingin mo na at nang makakain”

Bumundol ang kaba ko sa dibdib.

“Tatay—”

“Oh?” -bumaling ang tingin niya sa'kin, “Bat ka namumutla?”

“T-Tay hindi ho”

Umiling sya sa sinabi ko. “May tiwala ako sayo anak” -aniya “Basta.. ang pag-aaral mo wag mong pababayaan, isipin mo ang pangarap mo. Kahit wag na ang pangarap ko”

“Tay...”

“Gisingin mo na yon. Malilintek sakin ang batang yan”

Mabilis akong umalis at dumeritso sa kwarto habang hindi na mapakali. Walang pag-alinlangang ginising ko si Tyler sa pamamagitan ng pagyugyog sa balikat nito at tapik sa mukha

Nenenerbyos ako!

“Tyler...” -tawag ko sa pangalan niya

“Hmm”

Anak nang... bat sya umungol? “Gising. Lagot tayo kay Tatay”

“Hmm?”

“Pag hindi ka gigising hihiwalayan kita”

“What?” -tanong niya habang nakapikit ang isang mata. “Fúck no”

Dahan dahan syang bumangon at tumingin sa relo niya saka sakin. Hinilamos niya ang dalawang palad sa mukha at naghikab na parang walang pakialam. Hindi ba alam ng lalaking to na kakatayin kaming pareho ni Tatay?

Kinuha niya ang kamay ko saka ako hinila. Naka back hug sya sakin habang nakaupo kaming dalawa sa kama, pinilit kong kumuwala pero mahigpit lang ang yapos niya sa bewang ko.

“Tyler, si tatay” -nag-aalalang sabi ko sa kanya “A-Alam ni Tatay na nandito ka at tabi tayong natulog”

“Hmm”

“Hindi ka ba nag-aalala?”

“Hmm”

Tumagilid ako at sinamaan sya ng tingin. “Gusto mo bang maitak tayong pareho? Ungol ka ng ungol jan”

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Where stories live. Discover now