CHAPTER THIRTY SIX

27.2K 785 126
                                    


OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Kinabukasan. Maaga akong pumasok at hindi na nagpahatid kay Tyler, well? Hindi niya naman kasi sinabi na ihahatid niya ako kaya bakit ko pa sya hihintayin? Alam ko namang galit sya sa'kin, at kumikirot ang puso ko sa twing nakikita kong ayaw niya muna akong kausapin' alam kong mali ako, alam na alam ko yon, humingi naman na ako ng sorry sa kanya saka sa mga kaibigan niya, i just don't know if he'll forgive me.

Ganon na nga siguro kalala ang ginawa ko dahil kahit yong simpleng alis na ako, susunduin kita bukas, hindi niya man lang sinabi, naghintay ako na tumawag sya, ngunit sa kasamaang palad wala akong natanggap.

He never shout at me, like never. But last night? It left me speechless. Kahit kailan hindi ko naranasan na sigawan ng ganon, lalo na't sya mismo. Parang sinasakal ang puso ko at hindi ko alam kung iiyak ba ako o hindi.

Sighing, I close my eyes. I should stop thinking about it, normal lang na magalit sya kasi mali naman talaga yong ginawa ko, muntik na akong mapahamak at kung hindi pa sila dumating baka kung ano na ang nangyari sakin, i should never be mad at him, hahayaan ko na muna syang magpalamig ng ulo. Baka mamaya o bukas okay na kami.

NASA MAY gate pa lang ako ng SIS ng makita ko si Xandra na halata sa mukha ang sobrang pag-aalala. He have this sweat all over his face na parang galing kakatakbo sa kung saan.

“Olivia!” -aniya at mabilis akong niyakap ng mahigpit “Olivia. sorry talaga, sorry. I was so worried of you, what the hell happened?” -humiwalay sya sa yakap “Hinanap kita pero wala ka na sa loob ng club, nasan ka ba kagabi?”

“Xandra” -tinapik ko ang balikat niya “Okay lang, wag ka ng mag-alala”

“Hindi yon okay” -napabuga sya ng hangin “That Tyler, I think ikaw yong hinahanap niya. He keeps on shouting your name, natakot na ako kasi may dala dala syang baril”

Matabang akong ngumiti. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya yong nangyari?

“Halika na nga” -anas ko “Mamaya na ako mag ke-kwento”

Hinila ko na sya papasok. Tinatamad akong magsalita ngayon, ang bigat bigat ng dibdib ko at parang kinakapos ako ng hininga. Ito yong hindi namin pagkakaunawaan na hindi ko halos maiintindihan.

Kung galit sya sakin, he could tell me, kung na disappoint sya pwedi niya akong pagsabihan, hindi yong basta basta na lang syang aalis tapos iiwan akong maraming katanungan.

I wanted to ask him kung ano nga ba sila. Alam nyo yong, Oo kilala mo sya.. Oo mabait sya sayo pero bakit nong nangyari yong nasaksihan ko kagabi sa isang iglap ang hirap na niyang intindihin. I mean, may dapat ba akong malaman tungkol sa totoong pagkatao niya? I don't know kung magagalit ba ako o magi-guilty, I wanted to ask him a lot of question but I don't know where to start.

Napatingin ako sa buong hallway ng makitang maraming security guard ang nagkalat. My brows furrowed when some of them looked at me.

“Anong meron?” -lumapit ako sa dalawang studyante para maki-usyuso “Hi.. uhm, ano pa lang meron dito? May artista ba?” -tanong ko “I mean, nagkagulo ba dito sa loob?”

“Hindi rin namin alam. Pagdating kasi namin dito sa school nandito na sila”

“Wala naman sigurong pupuntang artista dito. Imposible”

Dahan dahan akong napatango. Naglakad ulit kami papasok hanggang sa may isang guwardya ang humarang samin. Napatingin naman sa amin lahat ang studyante ng gawin niya yon, what the heck is he doing? Bakit niya kami hinarangan?

Sunod sunod na lunok ang pinakawalan ko bago umatras sabay hila kay Xandra, ito namang kaibigan ko tila namangha sa laki at tikas ng katawan nitong si kuyang guard.

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Where stories live. Discover now