CHAPTER THIRTY FIVE

28.3K 754 56
                                    

OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Sinundo ako ni Tyler galing sa school. Umalis rin agad sya dahil may tatapusin syang meeting. Kinancel daw niya kanina kasi naalala niyang susunduin niya pa ako. Muntik ko na ngang mabatukan nang malaman na ilang bilyon ang pinaguusapan nila ng taong ka meeting niya. Hindi ako makapaniwalang kinancel niya ng dahil sakin. Pwedi naman akong mag-commute dahil malapit lang naman sa bahay.

Ngayon naman naghihintay ako kay Xandra sa labas. Nagpaalam ako kay Tatay pero mukhang wala atang pakialam ang ama ko dahil abala sya kakanuod ng TV tapos kakalantak ng mga fries at pizza na paboritong paborito niya. As usual, nakangiti ako ng malapad ng pinayagan niya ako. Hindi ko suot ang necklace ko dahil baka matunton ako ni Tyler, nakita ko namang tinanggal na niya ang tracking device pero hindi parin ako mapakali.

Napaayos ako ng tayo ng makita ang sasakyan ni Xandra. It's actually a Ford Mustang.

“Ang tagal mo” -reklamo ko “Uwi tayo before 9 okay?”

“Wag kang mag-alala, kahit 8:00 pm pa”

Natawa ako sa sinabi niya. Sumakay ako sa passenger seat at mabilis na nag seatbelt. Pinaandar na ni Xandra ang sasakyan palayo na ikinahinga ko ng maluwag, baka kasi magalit sa'kin si tatay, malalagot ako.

Habang nasa byahe, puro kami daldalan dalawa, we talked about a lot of things na pwedi naming mapag-usapan para mawala ang bagot.

“I didn't know you know how to drive” -ani ko “Ang astig mo namang tignan”

“Kailangan marunong ako kundi masisira tong kotse ni mommy” -aniya “Nagpaturo talaga ako kasi kailangan kong maging independent. Ako nalang ngayon ang natira, wala akong maaasahan kung hindi ang sarili ko”

Halos malukot ang mukha ko sa sagot nito. “Eh Anong tingin mo sakin?”

“Wag mo nga akong paiyakin!” -maarteng sigaw niya “Anyway, ang importante marunong na akong mag maneho. Simula ngayon, hindi na ako mag-tataxi, diba ang sosyal?”

“Magpasundo ka kasi sa driver mo”

“Ayoko nga. Asan ang experience dun?”

Napailing ako ng palihim. Kapagkuwa'y napatingin ako sa shopping bag na nasa likod ng sasakyan. “Ano yan?”

“Anong ano yan?”

“Yan oh”

“Ah” -umukit ang ngiti sa bibig niya nang maintaindihan ang sinasabi ko “Susuotin natin yan para makapasok tayo sa club”

“Akala ko ba mag ba-bar tayo?”

Ngumisi sya sakin. Ngisi na alam kong may gagawing kababalaghan, aish, peste. Bakit nga ba hindi ako nag-isip? Iba ang takbo ng utak nitong baklang to, yong tipong hindi mo alam kung san papunta. Kung di ko lang talaga to kaibigan matagal ko na tong sinakal.

Sinamaan ko sya ng tingin.

“Sinasabi ko sa'yo bruha ka. Pag talaga ako napahamak ng dahil sayo, magkita tayo sa harap ni san pedro.”

“Grabi. San Pedro agad? Over.”

Naiiling kong pinaikot ang mga mata. Paiba-iba talaga ng plano. Ayokong mag mura pero bwisit.

MAHIGIT isang oras rin kaming nakarating sa club na sinasabi niya. Hindi ko masabi kung maganda ba to o hindi, medyo madilim kasi eh. Alam mo yong napapanuod mo sa isang pelikula sa hollywood, yong isang club na maraming kababalaghang ginagawa? Yong tipong may mga addict tapos magagahasa ka? Yon ang nararamdaman ko.

Nagtataasan ang mga balahibo ko sa takot, hindi ito katulad nung club ni Darwin. Yong kahit tignan mo pa sa labas masasabi mo talagang pang world class. Bigla tuloy akong nakaramdam ng ginaw sa buong katawan.

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Where stories live. Discover now