Chapter 48

786 25 0
                                    

Chapter 48

*Luke's POV*

Dalawang linggo na ang naka-lipas simula ng nangyari ang aksidente. Balik na sa normal ang pamilya ni Nathan, samantala ang pamilya naman ni Miyaka ay hindi, nagkaroon ng amnesia si Miyaka at hindi parin eto matanggap ni Tita Mich, hindi niya alam kung paano ba niya maibabalik sa dati ang kanyang anak.

Madalas akong bumisita sa bahay nila, kilala na ko ni Tita Mich at okay lang sa kanya kung lagi akong bumibisita, mas gusto niya nga iyon dahil walang magba-bantay kay Miyaka. Nagtra-trabaho kasi siya at hindi niya iyon pwedeng iwanan.

"Oh Luke, andiyan kana pala, halika at sumalo ka samin"

"Good Morning po tita, masyado po ba kong maaga?"

Tumawa si tita mich at tumingin kay Miyaka na ngayon ay tahimik na kumakaen.

"Hindi naman sakto lang, nagmamadali din naman kasi ako ngayon e, sige na at maupo kana para may kasabay si Miya kumaen, paalis na kasi ako."

"Sige po" Umupo ako sa harap ni Miyaka, hindi siya naka-tingin saken dahil naka-tuon lang ang paningin niya sa pagkaen.

Nagpaalam na si tita Mich saken at pati kay Miyaka.

Tumayo si Miyaka at pumunta sa kusina, naka-tingin lang ako sa kanya haggang sa maka-balik siya. Simula nung nagka-amnesia siya hindi siya madalas nagsa-salita, ni ngumiti ay hindi rin. Lagi niya lang akong tinatanong kung ano ba ko sa buhay niya.

Sanay na ko na hindi kami nagu-usap, Okay na saken yung nakikita ko siya at nababantayan, pero hindi maalis sa isip ko na, nami-miss ko na ang dating Miyaka na nakilala ko.

Umakyat si Miyaka sa kwarto niya, samantalang ako naman ay andito lang sa sala naka-upo at nagbabasa ng libro, ganto naman lagi ang setup namin e, lagi lang siyang nasa kwarto niya, at ako andito.

Minsan nga ay gustong pumunta dito ni Troy, pero ayaw ni Tita Mich, hindi ko alam kung bakit, wala naman akong magawa.

*Terrence Calling....*

(Where are you)

"Same place"

(I knew it)

"What's new right?"

(Troy wants to go there.)

"you already know what's the answer right?"

( Your unfair. Troy said)

"Not me"

(Why don't you ask it again to tita Mich)

"Okay.Okay I'll try"

(Good)

"I'll try to call---" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Miyaka na nasa hagdan,

"Luke.." tama ba yung rinig ko na tinawag niya yung pangalan ko?

(Hey, is that miyaka's voice?) hindi ko pinansin si Terrence at pinatay ko kaagad ang cellphone ko.

Agad akong lumingon kay Miyaka.

"Bakit?"

Yumuko siya.

"U-Uhm.." Nahihiya ba siya? o Ano?

Lumapit ako sa kanya at kaagad naman siyang nagulat at umatras. at dahil nga nasa hagdan siya ay muntikan na siya mahulog, buti nalang ako nasalo ko siya kaagad, nahawakan ko ang braso niya.

I Fell In love with my......Cousin???Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt