Chapter 25

1.2K 30 1
                                    

A'N: Dapat this will be the last chapter, like i have said dati. Haha gulo kasi ng isip ko e. Haha naguluhan sa sariling iniisip na ending Haha. btw! wala pa kong update ngayong buwan ng March kaya eto na :D 

NikNik12

--

Chapter 25

*Miyaka's POV*

Almost 1 week and 3 days na ko dito sa rest house nila Stephen. Minsan wala siya dito kasi pumapasok siya sa school, ang balita pa niya saken, hinahanap daw ako nila Nik at galit sila saken, yeah. Tanggap ko naman e. Mali naman kasi talaga tong pagtatago ko. 

"Okay ka lang?" hindi ko napansin na nandito na pala si Stephen. 

"Hindi ko alam e." matamlay kong sagot sa kanya, bumuntong hininga naman siya, 

"Sa tingin ko kailangan mo nang magpakita sa kanila" sabi ni stephen sabay abot saken ng juice

"Salamat, hmm sa tingin mo ready na ko?" 

natawa naman siya. 

"Bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi ang sarili mo miyaka?"  ngumiti ako ng matipid

"Sorry, hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko. " tumayo siya at ginulo yung buhok ko.

"Bukas, biyahe na tayo pabalik sa inyo, kaya mo na yan " huling sinabi niya sabay alis. bigla naman akong kinabahan. shete! kaya ko na ba silang harapin?

--

Ang bilis ng oras.. bumibyahe na kami pauwi samin, hindi ako makapag-salita. tanging malakas na kabog lang ng puso ko ang naririnig ko. ano kayang gagawin saken nila mama? mapapatawad ba nila ako? 

"Miyaka?" nagbalik lang ang isip ko ng tawagin ako ni Stephen. 

"B-bakit?" 

"Andito na tayo" napatingin ako sa labas, nasa tapat na pala kami ng bahay nila Nik , mas lalong lumakas yung kabog ng puso ko. hindi ako maka-galaw sa upuan ko, ayokong lumabas. natatakot ako. nagulat ako nung buksan ni Stephen yung pinto, naka-ngiti siya saken. inaabot niya yung kamay niya para tulungan akong lumabas. pero. eto lang ako, nakatitig lang sa kanya, bumuntong hininga naman siya.

"Miyaka, kailangan mo nang gawin to, kapag tumagal pa, mas lalo pang lumala ang away niyo." pumipikit muna ako at huminga ng malalim, matapang ka miyaka. kaya mo tong lagpasan, para sa ikaaayos ng lahat, ayokong magulo ang pamilya namin, dumilat na ako. 

at nagsimulang lumabas sa kotse ni Stephen, nanginginig ang mga tuhod ko pero hindi ko nalang eto pinapansin. 

Pinindot ni Stephen ang doorbell, hawak ni Stephen yung kamay ko. hindi ako tumanggi, feeling ko gumagaan yung pakiramdam ko kapag my tao na nasa tabi ko. 

Bumukas ang pinto at si Tita carmen ang nakita ko, hinigpitan ni Stephen ang pagkakahawak sa kamay ko, nanginginig ako at hindi makapag-salita. 

"Miyaka," tinawag ako ni Tita Carmen at niyakap. nagulat ako hindi yun ang inaasahan kong gagawin niya saken,

"S-sorry *Sniff* T-tita.." naiiiyak kong sabi sa kanya.

"Shh miyaka, maaayos din natin to okay?" naka-ngiting sabi saken ni Tita, pinapasok niya ko sa loob, nasa school pala sila Nik at Joy, umiiyak lang ako at hindi nagsasalita. 

"Miyaka, nasa Japan na ang mama mo, mas mabuti na bumalik ka na din doon para makapag-usap kayo." natigil ako sa pagiyak at nagulat sa sinabi ni Tita, tumuloy si mama? kahit hindi niya ko kasama?

I Fell In love with my......Cousin???Where stories live. Discover now