Chapter 14

1.6K 46 0
                                    

A'N: Helooo kamusta kayoo?? hahahaha lapit na mag New Year :) Mag-ingat po tayo ah :D :) tsaka sorry po kung ngayon lang let ako nakapag-update :)) medyo busy :))

NikNik12

--

Chapter 14

"Class Dismissed"

pagka-alis nang prof namin.. nagsigawan yung mga kaklase kong kanina akala mo maraming dumaang anghel sa sobrang tahimik. ganyan naman sila tuwing english class. bawal kasi magsalita nang tagalog =__=

"saan punta mo niyang miyaka" sabay singit sa tabi ko ni stephen , palabas na kasi ko nang room e. 

"wala kahit saan lang.." walang gana kong sagot sa kanya.

"sus, kunwari ka pa diyan, baka pupuntahan mo nanaman yung boyfriend mo." kumunot naman yung noo ko. anong boyfriend? hindi pa naman kami ni lance ah? ayy tae. bakit si lance nasa isip ko -__-

"oh wag mo sabihing LQ kayo?" 

"pwede ba tumigil ka nga diyan stephen. WALA akong boyfriend! sino ba yang  sinasabi mo?" 

"hah? talaga? eh sino yung lalaki kanina ah?" 

nge. si spade pala yung tinutukoy niya -__-

"tss si spade ba?" 

"ah spade pala pangalan nun. ang baho" 

"aba! ang sama mo naman magsalita" 

"sorry bitter ako e hahaha" 

my saltik talaga sa ulo si stephen =___=

"ewan ko sayo abnormal ka, diyan ka na nga.. " 

iniwan ko si stephen sa labas nang building namin. buti nalang hindi niya ko sinundan. masyado siyang makulit at abnormal. 

naglakad-lakad lang ako sa school , nung medyo napapagod na ko, napagpasiyahan kong umupo sa bleachers sa open field. lagi nalang ako dito napapadpad ah. 

 nung medyo nakaramdam ako nang antok, pumikit muna ko nang sandali.. siguro kung my makakakita saken pagtatawanan ako. hahaha naka-upo ako tas nakapikit parang tanga lang xD

"tara na lance.." 

my narinig akong nagbanggit nang pangalang lance kaya dali-dali akong napadilat. pero pag-dilat ko e. likod nalang ni lance ang nakita ko. lumingon siya sa direksyon kung nasaan ako kaya umiwas agad ako. baka asarin nanaman niya ko na tinititigan ko siya hmp. kahit totoo naman.. 

hayy lance. bakit ba sa dinami-dami nang lalaking magugustuhan ko sayo pa.. yung pinsan ko pa. </3 ang sakit lang.. 

"miyaka?" 

napatingin ako sa gilid ko si Nik pala.. 

"oh dissappointed ka kasi hindi ako yung gusto mong makita?" 

"baliw! hindi ah. nagulat lang ako kasi andito ka, akala ko kasi my klase ka pa." 

"sus mga palusot , luma na yan miya" 

"tssk at sino naman ang gusto kong makita aber?" 

matagal bago nagsalita si nik, siguro iniisip niya kung sino ba yung gusto kong makita. haha akala niya ah. 

"si lance!" 

halos muntik na kong malaglag sa kinauupuan ko. grabe naman tong si nik e! apaka lakas talaga nang pakiramdam. 

I Fell In love with my......Cousin???Where stories live. Discover now