Chapter 49

835 24 0
                                    

Chapter 49

*Nik's POV*

WHAT?

Ayan kaagad ang bumungad saken pag-gising ko, hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi ng papa ni Lance samin, parehas kaming nagulat ni Joy pag-baba namin, hindi namin inaasahan na pupunta dito si Tito Tristan. Nung una ay hindi nag-sink in saken lahat ng kinuwento niya.

Matagal na palang nasa Baguio Sila Tita Mich at Miyaka, nakakainis isipin na andoon lang pala sila, ayaw ipaalam ni tita mich na doon niya dinala si Miyaka, hindi niya pinahintulutang si Miyaka na kontakin kami.

Nagkaroon daw Amnesia si Miyaka, dahil sa isang car accident, yung lang sinabi ni Tito Tristan, at siya na mismo ang nagsabi neto samin dahil ayaw ipaalam ni Tita Mich, akala niya kasi ay magagalit kami sa kanya, Oo medyo galit dahil nag-lihim sila samin pero sa sitwasyon ngayon, nalulungkot ako para kay tita.

"Nik, Ayos na ba ang mga gamit mo?" tumango ako kay Mama, Siya, si Joy at si Tita taring mama ni Joy, ang sasama kay Tito Tristan, maiiwan dito si Papa dahil hindi niya pwede iwanan yung trabaho niya.

Nasa Van na kami ng kalabitin ako ni Joy.

"Ano?"

"Nasabi mo na ba kila Stephen ang tungkol kay Miyaka?" Shete Oo nga pala, biglaan kasi tong alis namin e, hindi ko tuloy nasabi tsaka..

"Diba my plano tayong pupunta sa Baguio dahil kay Lance, and if alam ni Tito Tristan, alam din ni Lance? And matagal na silang nagkita ni lance?? and? " Pinahinto ako ni Joy

"Alam mo Nik isa lang ang tanong ko, at Oo o hindi lang ang sagot, at tsaka, yang mga namumuong tanong sa isip mo reserve mo muna okay? Doon nalang tayo magta-tanong gets?" Nako! Buti nalang at nagbubulungan lang kami kundi gusto ko ng sigawan tong si Joy, Apaka sungit >.<

"Oo na po, tss, hindi ko pa sila natetext, tska sasabihin ko ba?"

"Of course! Alam mo naman si Stephen, mahalaga sa kanya si Miyaka, kaya dapat di natin pagkait yun," Wow ah, may ganung peg pa tong si Joy, Shippers talaga tong ng love team ni Stephen at Miyaka.

"Okay fine, kung gusto mo ikaw nalang mag-sabi, mamaya eh magalit pa saten sila Mama, dapat ipaalam muna natin sa kanila na sasabihin natin to kila Stephen."

"Fine, wag nalang siguro muna, ayokong magalit saken si mama" Tumahimik kami ni Joy, buong biyahe

Ang totoo niyan, hindi ako mapa-lagay, anong gagawin ko kapag nakita mo si Miyaka? Hindi na niya ako kilala, paano ko ipapa-alala sa kanya ang lahat?

--

Nagising ako sa kalabit ni Joy, minulat ko ang mata ko at tinanaw kung nasaan na kami. Huminto pala kami sa isang bahay. Siguro eto na yung bahay nila Miyaka.

Bumaba ako nang sasakyan at nakita ko kaagad si Mama na yakap-yakap si Tita Mich.

"Mahirap para sa ina ang nangyari kay Miyaka" bulong saken ni Joy, tumango lang ako.

"Salamat at nakarating kayo, at sorry dahil ayokong ipaalam sa inyo ang nangyari" Naiyak-iyak na sabi ni Tita Mich pagkapasok namin sa loob, Natutulog pa raw si Miyaka, sabi nga ni Mama ay silipin daw namin eto. Ewan ko pero natatakot akong harapin siya, maiiyak ako dahil ayokong makita na nahihirapan si Miyaka na intindihin ang nangyayari.

"Halika Nik dali," hinala ako ni Joy papunta sa kwarto ni Miyaka.

Nakita namin na mahimbing na natutulog si Miyaka. Nakita ko si Joy na nagpu-punas ng luha. Lumapit ako at hinawakan ang pisngi neto. Napa-ngiti ako dahil namiss ko siya ng sobra. Okay na saken na ganto ang nangyari sa kanya, kaysa na nawala siya. Di biro ang car accident. Nakakamatay talaga iyon.

I Fell In love with my......Cousin???Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora