Chapter 39

919 28 4
                                    

^^Chapter 39^^

 

*Miyaka's POV*

Halos 3 oras kaming nag-practice sa bahay nila Luke, okay naman silang kasama, minsan nga lang hindi maalis sa isip ko kung nandiyan pa ba si Lance sa labas

Umalis ba siya? Kaya tuloy kanina nagkakamali ako, buti nalang at hindi naman nila ako sinesermonan, Minsan nga lang nagsu-sungit si Nathan, di daw porket babae ako

eh hahayaan nila lang ako sa pagkakamali ko, contest ang sasalihan namin kaya dapat ibigay namin ang best namin kahit alam naman na practice lang eto. 

"Tubig Mimi oh, mukhang napagod ka ata." nginitian ko si Luke at nag-thank you. napaka-bait niya talaga

"Hoy Troy, late ka nga kanina, matutulog ka naman diyan. Tayo na start na ulet tayo." Reklamo ni Nathan sa naka-higang si Troy, nag-practice kami kahit wala si Troy kanina

mahirap kasi siya ang bass guitarist. pero buti naman bago pa kami magkanda-leche kanina eh dumating na siya, gusot-gusot pa nga ang damit niya eh. 

"Let Him Rest Nathan, Okay naman na eh"  komento ni Rence, umirap naman si Nathan. Haha bakla ata yun eh pfft.

"bakit ka naka-ngiti diyan?" nagulat ako dahil nasa harap ko pala si Luke, 

"Wala" nag-iwas ako ng tingin, pawis na pawis si Luke pero ang gwapo parin niyang tignan, kainis.

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinaharap niya ako sa kanya. Shts. 

"B-bakit?" medyo malapit na ang mukha niya sa mukha ko!! 

"Iniisip mo siya nu?" napa-isip ako, halata ba na hindi ako naka-focus sa practice namin kanina? kinagat ko ang labi ko. 

"Hindi.." pabulong kong sabi. napa-buntong hininga naman siya.

"Oy! Love birds! wag nga kayo dito, Get a room!" halakhak ni Nathan. kinalas naman ni Luke yung kamay niya na naka-hawak sa braso ko. 

"hindi kami love birds, mag-bestfriend kami." Awts. 

"Sus! my ganun pa, doon din naman pupunta." singal ni Nathan

"Are you jealous with them nate?" natatawang sabi ni terrence, lumaki naman ang mata ni Nathan

"Hell no." sabay hawak niya sa ipod niya at sinuot ang ear phones niya.

Humahalakhak naman sa tabi si Troy. si luke umiling iling naman at lumabas ng studio. 

"Type mo ba si Luke?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni rence. umiling ako.

"Bestfriend ko siya.." diresto kong sagot, Oo attracted ako kay luke pero si lance parin talaga ang nasa puso ko, alam kong mali yung pero hanggang ngayon, siya parin talaga

I Fell In love with my......Cousin???Where stories live. Discover now