Chapter 50

1.1K 25 0
                                    


A'N: After this Chapter Epilogue na :))

Chapter 50

*Luke's POV*

"Happy Birthday sa mama mo Luke"

Nginitian ko lang sila, Akala ko ay konti lang ang mga taong inimbitahan ni mama pero nagkamali ako, medyo marami sila -_-

Sinabi na niya kahapon na, ayaw niya nang maraming tao.

"Luke"

"Bakit po Tita Tristan?" Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya matawag na papa, siguro ay eto na yung kinasanayan ko.

"Kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan mo, andun sila sa pool area"

"O'sige po papunta na po ako" bakit kaya hindi ako tinetext ng mga kumag na yun na nandito na sila, hintay pa naman ako ng hintay, badtrip talaga.

Nakita ko si Terrence at Troy na nagkwe-kwentuhan, may kasama silang tatlong babae.

"Hoy, bakit hindi niyo sinabi saken na nandito na pala kayo." Nginitian ako ni Troy,

"Sorry pare, my mga chicks kasing lumapit saken e."

"Psh. As if naman sayo talaga sila lumapit Troy, sa pagkaka-alam ko ay saken sila una" Halakhak ni rence, Inirapan naman siya ni Troy.

"Tama na nga yan," Tumingin ako sa mga babae.

"Excuse me, pwede na kayong bumalik sa loob" suway ko, sumimangot naman si Troy, at sinabihan pa kong 'KJ'

Pagka-alis nung mga babae, at tumawa si Rence

"Kelan ka ba naging ganyan sa mga babae Luke? sa magkakaalam ko ay friendly ka, bakit parang iwas ka ngayon sa kanila" halaklak neto.

Hindi ko siya pinansin.

"Nasaan si Nathan?" Nagtingian sila ay sabay pa nagkibit-balikat.

"Baka hindi pinayagan ng Ama, Alam mo naman Party eto, baka you know.." tumango ako kay Troy.

Simula nung aksidente, bihira na namin makasama si Nathan kapag my mga party kami na pupuntahan, bakit hindi nalang siya magsinungaling at sabihin na my practice kami, dito rin naman kami sa bahay nagpra-practice.

"I'll try to text him bro, sige na pumasok kana sa loob, busy ang mom ko kaya i know kailangan ka niya, maraming bisita e, dito lang kami"

Umiling ako, nandiyan naman ang ilang kapatid ni mama kaya alam ko na kaya na nila yun, at tska.. hinihintay kong dumating si Miyaka.

"Okay. Hmm pupunta si Miyaka diba?" tanong ni troy, tumango ako

"Really? Thank God, matagal ko na siyang gustong makita, Alam mo namang naging close na kami nun, its been 5 weeks if i'm not mistaken." Komento ni Rence

"Sabihin mo nga saken rence, type mo si Miyaka nu?" halakhak ni Troy, binatukan naman siya ni Rence.

"She's like my little sister Troy" pairap na sabi ni Rence

"Okay fine, sabe mo e" natawa ako, kulit talaga ng dalawang to.

"Luke, andito na sila Miyaka" sigaw ni mama

Agad namang naglakad sila Troy, kita mo tong dalawang to, iwanan daw ba ako.

Pagpasok ko sa loob ay nakita kong lumapit si mama kay Miyaka.

"Hi po Tita..." ngumiti si Mama

"call me Tita Lian, Miyaka"

"Uhm Tita Lian.. happy birthday po.." nahihiyang sabi neto.

I Fell In love with my......Cousin???Where stories live. Discover now