Side Story (Terence Sy)

562 12 0
                                    

Side Story (Terence Sy * Rhythm guitarist)

A’N: Gaya ng promise ko! This is another side story of Ear Kisses Band! :)

Happy Reading! the time plot of this is the same as yung kay Troy :D Hindi pa nila na me-meet si Miyaka dito :D

~~~~

I had been stalking him for years now.. We are classmates since elementary and highschool pero never pa kaming nagkaroon ng interaction, kahit sa mga group project ay hindi kami nagkakasama, hindi nagkakatabi ng upuan, takot akong kausapin siya dahil baka hindi naman niya ako kausapin pabalik pero kahit ganun, I never stop stalking him. hindi ko alam kung nararamdaman ba niya yun o sadyang wala talaga siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya.


I also don’t know kung bakit ba ko naging ganto sa kanya, oo nga gwapo siya, pero sobrang suplado niya. Tipong parang hangin lang lahat ng tao sa paligid niya, kung may kakausap  man sa kanya ay sobrang tipid niya sumagot, lagi siyang may aura na ‘wag niyo kong kausapin’ Hindi siya palakibo sa mga taong nasa paligid niya. Napaka-mysterious at yun na nga siguro ang naging dahilan kung bakit nagawa kong maging stalker niya.  Mas lalo akong nahatak sa kanya ng napanood ko siyang tumutugtog kasama ang mga ka banda niya.

Inaamin ko lahat sila gwapo kaya hindi ko rin mapigilan na magka-crush sa mga iyon.. pero wala paring tatalo sa nararamdaman ko para kay kanya. Hindi ko nga alam ang mga pangalan nila dahil okay na saken si Terence.

Gusto kong malaman kung bakit siya ganun, at gusto ko na dumating yung panahon na makilala niya ako, pero Malabo sobrang labo dahil lalayo na siya saken. Aalis na siya at hindi ko alam kung masusundan ko pa ba siya.

Pero dahil ako si Annika Joy Fernandez kaya kong gumawa ng paraan para hindi siya maalis na isip ko. Kaya maghanda kana Terence Sy. Hindi na ko hanggang sulyap lang sayo… gagawa ako ng paraan para maka-usap ka at ipapangako ko na hinding hindi mo ko makakalimutan sa tanang buhay mo.


Halos magdiwang ako ng malaman ko na pumayag ang magulang ko na mag-transfer sa school na binanggit ko. Abot tenga ang ngiti ko habang naghahanda ng gamit ko. Hindi ko iniisip na baka maging loner ako doon dahil baka yung iba ang magkakaibigan na, nagkibit- balikat ako, hindi naman pakikipagfriends ang habol ko sa school na iyon kung hindi siya.

Inilibot ko ang paningin ko sa bago kong school, mas malaki nga ito kaysa sa school na pinanggalingan ko. Kinagat ko ang labi ko, sana parehas kami ng sched na nakuha, pero kung hindi naman, magagamit ko ang stalker skills ko, makita at makikita ko parin siya.


Huminga ako ng malalim bago pumasok sa classroom ko, pinihit ko ang door knob at dahan-dahan itong binuksan, pumasok ako at pinasadahan ang  buong kwarto, may kanya-kanyang business ang mga kaklase ko buti naman at hindi nila napansin ang pagpasok ko, mas mabuti nga iyon, ayaw ko naman kasi na pagtiningan nila ako. Naghanap ako ng bakanteng upuan, at nakita ko  na sa bandang likod ito.


“HI!” Nagulat ako sa babaeng sumulpot sa gilid ko, naka-ngiti siya kaya’t ngumiti din ako pabalik


“Hello..” sagot ko naman, inayos niya ang buhok niya.

I’m Gail..” sabay lahad niya ng kamay niya.

Annika..” nakipag-shake hands ako sa kanya.

I Fell In love with my......Cousin???Where stories live. Discover now