xxxEpiloguexxx

1.5K 40 17
                                    


xxx

"Miyaka, hurry up!"

Bago lumabas si Miyaka ay nilibot niya ang paningin sa paligid. Kahit na wala siyang matandaan ay nararamdaman niyang marami siyang napag-daan sa bahay nila.

Matagal na rin naman kasi silang naka-tira dito. Iyon ang sabi sa kanya ng kanya. Ngayong araw ay paalis na sila, babalik na sila sa Japan dahil iyon ang gusto ng kanyang ina.

Hindi na siya naka-tanggi dito, dahil maging siya ay na-excite na pag-punta doon, kahit na sabi sa kanya ay doon siya lumaki, at hindi parin mawala sa kanya ang pagkasabik.

Bago siya tuluyang pumunta sa airport ay nagpaalam si Miyaka na dadaan niya muna si Luke para makapag-paalam. Sayang..Gusto pa naman sana niyang makasama si Luke nang matagal

Hindi lang si Luke kundi ang buong banda. Gusto sana ni Miyaka na magkaroon siya ng panibagong experience kasama sila, gusto niya ding maalala ang nakaraan..

"Miya were here" tumango si Miyaka at kinuha ang ibibigay niya kay Luke.

Pagkabukas niya ng pinto ay kaagad siyang nakita ni Lian.

"Good Morning po Tita Lian, si Luke po?"

"Good morning din Miya, nasa studio siya"

"Salamat po, puntahan ko na po siya." Naka-ngiting sabi ni Miyaka, Dahan-dahan binuksan ni Miyaka ang pinto. Nakita niya na naka-upo si Luke sa sofa, nagla-laptop.

"Luke.." tawag niya. Kaagad naman lumingon si Luke at nagulat siya ng makita niya si Miyaka, kaagad niya etong nilapitan at pinapasok.

"MiMi, napadalaw ka?" Tanong neto. Umupo si Miyaka at inabot ang munting regalo niya para kay Luke.

"Para saan eto Mimi?" Nagtatakang tanong ni Luke, hindi inaasahan ni Luke na bibigyan siya ng ganun ni Miya.

Hindi alam ni Miyaka kung paano niya sasabihin kay Luke na aalis na siya. 3 linggo na ang naka-lipas simula noong party ng Mama ni Luke, at pag-alis pabalik ng maynila ng mga pinsan niya.

"Uhm.." Napa-ngiti si Luke, Gustong-gusto niya talaga nakikita ang mukha ni Miyaka kapag nahihiya. Hinawakan ni Luke ang braso neto.

"You can do it Mimi.." Tinignan ni Miyaka ang mga mata ni Luke. Sasabihin ba niya? Pero kung hindi siya sasabihin ay baka magalit sa kanya si Luke, paano nalang kung pumunta si Luke sa kanila.

"Luke..Aalis na kasi ako.." Sa wakas ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para makapag-salita, naisip niya na tama lang na malaman iyon ni Luke dahil mag-bestfriend sila.

"Babalik kana sa Maynila?" Tanong neto. Umiling si Miyaka.

"Sa Japan.. Doon ako pupunta, hindi ko rin alam kung kelan ako makakabalik.." Nawala ang ngiti ni Luke. Hinawakan niya ang kamay ni Miyaka.

I Fell In love with my......Cousin???Where stories live. Discover now