Side Story (Luke sandoval) (last part)

411 8 6
                                    

Ear kisses

Luke Sandoval (Last Part)



"Ge luke, salamat ulet"

Tumango ako kay Troy bago pumasok  sa bahay. Naabutan ko si mama na naghahanda ng hapunan Lumapit ako  at hinalikan siya sa pisngi, ngumiti ito.

"How's school Luke?"

"Fine Mom" kahit hindi talaga, hanggang ngayon palaisipan pa din saken kung anong meron kay maica. Parang lahat kakilala na niya kahit na kakatransfer palang niya sa school. Okay sana kung may mga babae siyang kasama pero hindi.. puro lalaki. Damn.

"You don't look fine, ang dami mo yatang iniisip luke." Ngumiti ako.

"Wala Ma I'm okay"  kumbinsi ko.

Pagkatapos naming kumain, ako na nagkusang maghugas ng pinggan, dumiretso naman si mama sa living room para manood.

Nagpaalam na akong matutulog na kaya pagkatapos mag hugas ay dumiretso na ako sa aking kwarto.

Hindi ko alam kung bakit ko tina-type ang pangalan ni Maica sa facebook. Fck! Alam ko hindi ako ganto, feeling ko di ko na kilala ang sarili ko, nababaliw na ako.

Maraming lumabas na kapangalan niya pero kaagad kong napansin ang isang account na mayroong mutual friend na nagiisa. Binuksan ko ang profile na iyon at bumungad saken ang mukha ni Maica na siyang kaklase ko. Hindi ako pwedeng magkamali na hindi siya eto. Titignan ko pa sana ang iba niyang picture pero walang lumalabas. Mukhang naka private ang account niya.

Titignan ko sana kung meron ba siyang post na naka public. Dumako naman ang mata ko sa nagiisa niyang Mutual friend. Kaagad naginit ang ulo ko. Si Nathan lang ang mutual friend niya. Matagal na kaya silang magkakilala? O kaka-add niya lang dito dahil magkasama sila.



Ayoko namang i-chat si Nathan tungkol kay Maica. Malamang aasarin lang ako nun, at hindi kami ganoong ka-close, gusto ko pa siyang i-stalk pero hindi bagay saken yon, at isa pa naka private ang facebook niya. Damn. Natatakot naman ako na hindi niya pansinin yung friend request ko. Hays! Ginulo ko ang buhok ko. Badtrip nakakabakla tong ginagawa ko

Pinilit kong itulog nalang dahil may pasok pa ko bukas pero mukha yatang hanggang pagtulog ay panaginip ko ay mukha ni Maica at mga lalaking nakasama niya ng araw na to ang makikita ko. Bwisit na buhay oh. Mukhang hindi ko na gusto ang sinabi ko kanina na gagawin ko ang lahat mapunta siya saken.



"Hoy Luke! Pre okay ka lang ba?" Natatawang tanong saken ni Francis.

Dumukdok lang ako sa desk, nagpapasalamat na maagang nagpa dissmissed ang una naming professor, wala kong naintindihan sa lesson namin kanina dahil sa antok.

Nagising ako sa isang tapik sa balikat ko, napatingin ako sa harapan at nakita kong si Terrence ito,

Kaagad naman akong tumayo.

"I have excuse you to your prof, let's go"

Tumango ako at kinuha ang mga gamit ko, nagpaalam ako kila Cass, bago umalis.

I Fell In love with my......Cousin???Where stories live. Discover now