Chapter 24

1.2K 38 5
                                    

A:N: I'm not a fan of Vote , Comment and be a fan :)) basta update lang kahit hindi ko alam if my nagbabasa ba o wala haha gusto ko lang talaga mag-sulat e :D 

 NikNik12

--

 Chapter 24

 *Spade POV*

Naka-usap ko sila Nik at Joy , hindi din daw nila alam kung nasaan si Miyaka. tsk nag-aalala na ko e, ilang araw na siyang wala. nung gabing tumawag siya hindi ko aakalaing yun na pala yung huling gabi na makaka-usap ko siya. 

"Arghh!!" napasabunot ako sa buhok ko. nakakainis! bakit wala akong magawa para mahanap si Miyaka? Diba sinabi ko sa kanya na hindi na kami maghihiwalay?! nakakainis! 

"Spade?" napatingin ako sa likod ko, si Nik pala. hindi ko siya sinagot wala ako sa mood makipagusap ang gusto ko lang ay makita si Miyaka. umupo muna ko sa bleachers.

"Galit na galit si Tita kanina, ay hindi pala kanina, araw-araw hayys asan ba kasi si miyaka."  patingin ako kay Nik , naluluha na siya, 

"Wala ka ba talagang alam Nik?" seryoso kong tanong sa kanya, tumango naman siya. 

 "Yow" parehas kaming lumingon ni Nik sa likod, nakita namin si Steve na naka-ngiti samin, tsk ano naman kayang problema neto? 

"Bakit?" tanong ni Nik. 

"Ilang araw na palang hindi nagpapakita si Miyaka, Pati rin kasi si Stephen, so tingin ko my alam siya e"  parang masaya pa siya nung sinabi samin yun. napakunot naman ang noo ko, pati pala si Stephen wala rin, bakit hindi ko alam yun? 

"Talaga?" hindi naman makapaniwalang tanong ni Nik. tumango naman si Steve

"Sigurado ka ba diyan?" naiinis kong sagot sa kanya, wala na nga din yung kaibigan niya naka-ngiti pa siya tss. ibang klase.

Tumingin saken ni Steve at tsaka ngumiti ulet

"Siguradong sigurado" sabi niya sabay naglakad paalis samin. 

"Steve!" sinigawan siya ni Nik at sinundan, ako naman naiwan mag-isa dito, ayoko ngang habulin yung g*gong yun, psh. kung my alam siya edi meron , hindi ako lalapit sa kanya at magmamakaawang sabihin niya yun. malalaman at malalaman ko rin naman yun. 

Sa inis ko naglakad ako patungo sa room nila. baka maabutan ko si Jerome dun. mas okay pa kausap yun kaysa kay Steve e. napaka-yabang kasi nun kahit kelan. 

malapit na ko ng matanaw ko si Jerome kasama niya si Trish

mukhang seryoso yung pinag-uusapan nila kaya hindi nalang ako lumapit. 

"Spade!" lumingon ako at nakita kong si Nik pala yung tumawag saken. 

"Gulo kausap ni Steve grabe! " reklamo naman niya. 

"Sino ba naman kasi ang nagsabi na sundan mo yun?" bored na sagot ko

"E kasi my alam siya! at naniniwala ako dun, pero ayaw naman niyang sabihin saken nakakainis!" padabog na sabi ni Nik

"Hayaan mo na yun, kaya kong alamin kung ano yung alam niya." 

"Sana nga Spade, malaman mo agad, nag-aalala na talaga ako kay Miyaka e." nalulungkot na sabi ni Nik, hinawakan ko naman yung balikat niya, 

"Wag kang mag-alala malalaman ko yun. walang sekreto ang hindi nabubunyag Nik." 

"Ang lakas talaga ng tiwala mo sa sarili mo Spade ah." 

I Fell In love with my......Cousin???Where stories live. Discover now