Chapter 37

881 26 2
                                    

^^Chapter 37^^

*Lance's POV*

"Okay lang naman saken na andito siya pero tristan.. alam mo naman na hindi sila ganung ka'close ni Luke, minsan intindihin mo naman ang anak ko." 

"Magkaka-ayos din sila Lian, wag kang mag-alala" 

"Pero-"

 

"Sige na kumain na tayo" 

Naglakad na ko pababa pagkatapos kong marinig ang pagtatalo nila, kung ayaw niya na andito ako, madali naman akong kausap maghahanap nalang ako ng hotel.

"Lance Anak, gising kana pala, halika at samahan mo kaming mag-breakfast ng tita lian mo." 

"Busog pa ako, at tsaka magha-hanap ako ng matutuluyan pansamantala habang nandito ako" 

Nakita ko ang pag-kunot ng noo ni Papa, psh.

"Ano ka ba lance, pwede ka naman dito e" Tinignan ko siyang mabuti, Ano kayang meron siya na wala ang tunay kong ina, para iwanan lang ni Papa. 

"Ayoko lang na nagta-talo kayo tungkol saken, malaki na ko at kaya ko ng mag-isa." Parehas silang nagulat, siguro ay akala niya hindi ko narinig ang pagta-talo nila.

Lumakad na ko papalayo at lumabas ng bahay.Nakapunta na ko dito sa bagiuo kaya hindi na ko maliligaw. Dumiresto ako malapit sa isang Starbucks para mag-almusal, wala

na kong paki-alam kung magalit saken ni Papa, Sanay na siya na hindi ko sinusunod ang mga utos niya. Pagkatapos kong kumaen naglakad-lakad muna ako sa isang parke

talagang masarap ang hangin na mayroon sa lugar na neto, kaya hindi na ko nagtataka ang maraming turista ang nagpupunta.

*Ring*

 

Par Steve Calling....

"hello?" 

(Yow lance!! Namimiss kana namin ni Jerome dito! Kamusta naman diyan? Mag-kwento ka naman!) 

"Walang pinag-bago steve, ang boring dito" 

(Wala kasi kami diyan eh, dapat kasi sinama mo kami)

"Wag na, isang linggo lang naman ako dito, tsaka..." Teka sasabihin ko ba sa kanila na nakita ko si Miyaka? Dapat ba?

(Anong Tsaka par?) Kapag sinabi ko sigurado akong sasabihin nila kila Nik yun.

(Hoy! andiyan ka pa ba?) Pakiramdam ko na, ang alam niya Nik na nasa japan si Miyaka, tska si Stephen? Alam kong nakaka-usap at nakaka-skype niya si Miyaka ah. 

I Fell In love with my......Cousin???Où les histoires vivent. Découvrez maintenant