Side Story (Terence Sy Last Part)

329 10 1
                                    

Side Story (Terence Sy)

A’N: This will be the last part of Terence Sy Side

Story! I hope so! HAHA :D Ang haba pala kasi ano! Haha :D

Enjoy! :*
~~

“You okay Annika? Kanina parang balisa ka?”

Naglalakad na kami ni Gail papalabas ng campus. Napagpasyahan na kasi na umuwi na kami dahil maggagabi na, kanina hindi ako makasabay sa mga tawa at harutan nila dahil sa text ni Terence kay Sam. What’s the catch between them? Ang sakit ng puso ko.


“Uhm Oo naman..” tumango ito at nagpaalam dahil dumating na yung service niya. Ako naman alam kong naiwan na ko ng service ko. Ang layo kasi ng school na to kaya kailangan may service ka o kaya may sarili kang sasakyan, may mga dumaan naman na taxi dito kaya mag-aantay ako.


Si Alex at si Jess naman ay sabay na umalis kanina, magkapit-bahay pala ang dalawang iyon. Si Sam naman--- F*ck! Umalis siya at alam kong sasabay siya kay Terence pauwi dahil nakita ko ang mensahe nito! Bumuntong hinihinga ako, siguro hindi talaga kami ni Terence ang para sa isa’t isa. Kung kami ay dati pa siguro ay pinagtagpo na kami, kasi bakit sa group project or sitting arrangement ay hindi kami nagkakalapit!


Kailangan pa tuloy ng isang Sam para isampal saken ang katotohanan na kahit kelan walang chance na maging kami ni Terence. Pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa pisngi ko. Damn sh-it!  Mahal ko na talaga si Terence.


“Oh Gosh Annika? You okay?” Malabo ang paningin ko dahil sa luhang pumapatak sa mata ko, pero malinaw saken kung kaninong boses iyon.. kay Sam..


“Shh..Don’t cry.. tara sabay kana samin pauwi, baka gabihin ka, matagal dumating ang mga taxi dito..” pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya. Hikbi lang ako ng hikbi, ang sakit, lalong nadagdagan dahil nasa harap ako ang taong nagpapasakit dito.


Halos dumaloy lahat ng kuryente sa katawan ko ng alalayan niya ako papasok sa sasakyan niya, nasa back seat ako samantalang nasa front naman si Sam.


“Saan ka nakatira Annika?” tanong ni Sam hindi ko alam kung nasabi ko ba ng maayos yung address namin dahil sa hikbi ko, nakita ko ang pagtango ni Sam sumulyap siya kay Terence


“You know kung saan iyon?” Tumango ito, at tinignan si Sam. sht!


“Yeah, wear your seatbelt Sam..” kinagat ko ang labi ko, Oo na! wala na kong pag-asa bakit kailangan pa na..ipamukha saken ng harap-harapan to!


Halos mapatalon ako ng titigan ako ni Terence sa salamin sa harap. Nag-iwas ako ng tingin, bakit ganun.. kahit na nasasaktan ako ay matimbang parin ang pagmamahal ko sa kanya..


“Where did you want to eat Sam? After we drop her” feeling ko dudugo na yung labi ko sa sobrang pagkakakagat nito, buti naman at tumigil na yung pag-iyak ko.


“Uh- wag na iuwi mo nalang ako, baka gabihin ka pag-uwi..” Ang lambing ng boses ni Sam. Napatingin ako kay Terence na serysong nagdr-drive, nakita ko ang pag-ngisi nito. Bumilis ang takbo ng puso ko, kahit ano talagang gawin niya ang lakas ng epekto niya saken.


“She’s house is far Sam.. talagang gagabihin tayo pagbalik, ayokong malipasan ka..” Tumingin ulit si Terence saken sa salamin. Fuck!

I Fell In love with my......Cousin???Where stories live. Discover now