Side Story (Terence Sy) 2nd Part

383 12 1
                                    

Side Story (Terence Sy) 2nd Part

A’N: Here’s the second part of Terence Sy side story! Enjoy!! :D

Xoxo
~~

Huminto kami sa paglalakad dahil sa ingay naririnig namin, sabay-sabay kaming napatingin sa mga grupo ng mga kababaihan na nagsisiksikan para makapasok sa isang classroom, anong meron?

Grabe talaga! Ang dami na talaga nilang fans! Ang hirap natuloy lumapit sa kanila..” Naiiritang sabi ni Jess.  Humalaklak naman sa gilid niya si Alex kaya pinalo niya ito ng kanyang bag. Napangiti ako, bagay si Jess at Alex ang cute nila tignan.


“Ang sabihin mo, marami lang silang napikot, tulad mo.. hay wala namang iba sa kanila, pare-parehas lang kaming mga lalaki, gwapo naman din ako..” Bored na sabi ni Alex.  Inirapan siya ni Jess at dumiretso sa mga babae, marahan niyang itinutulak ang mga ito.


“Wag niyo ng sundan yong si Jess, Gail..” Sabi ni Alex.

Hindi naman ako susunod Alex, baka maipit lang kami ni Annika diyan, Teka nga asan ba si Sam?” tinaasan ni Gail ng kilay si Alex.

“Mabilis siyang lumabas ng classroom kanina, mukhang ayaw niyang sumama kay Jess..” Ngumuso si Gail

“Kung may problema si Sam dapat sinasabi niya saten..” Komento nito,

“Diba nililigawan mo yun? Bakit hindi mo siya kino-comfort..” nagulat ako sa sinabi ni Gail, nililigawan pala ni Alex si Sam, akala ko ay si Jess ang gusto nito dahil palagi niyang inaasar si Jess.

“Nilapitan ko siyang kanina at tinanong, sabi naman niya wala siyang problema,” Kibit-balikat ni Alex.

“Sige na may practice pa kami, mauna na ko sa inyo..” sabi ni Alex kay Gail, tumingin siya saken

“Bye Annika! Wag mong sakyan lahat ng Trip ni Jess baka mapariwala ka sa pag-aaral,” halakhak nito, binatukan naman siya ni jess, hindi ko napansin na nakabalik na pala siya.

“G-ago ka talaga Alex, hindi naman ako pariwala sa pag-aaral! Umalis ka na nga! Sasabihin ko talaga kay Sam na wag kang sagutin!” iritadong sabi ni Jess.

Humalakhak ulit si Alex at naglakad na papalayo samin, sumimangot si Jess. Si gail naman ay tumatawa.

Wag kang maniwala sa sinasabi ng mokong na yun!” baling saken ni Jess, natawa ako

Hindi naman ako naniniwala Jess, hilig lang talaga ni Alex na asarin ka..” sabi ko, ngumuso si Jess.

Alam mo, akala ko talaga nung una ay ikaw ang gusto ni Alex, ikaw kasi ang palagi niyang inaasar hindi ko alam na nililigawan pala niya si Sam..” suminghap si Jess

kaloka ka Annika! Don’t say bad words! Hindi ako gusto ni Alex, yuck. Ayaw ko nga sa kumag na yun.. loyal ako kay Nathan!” Pairap niyang sabi. Mas lalo akong natawa.


Hay! Kainis! Hindi ko nanaman malalapitan si Nathan dahil sa mga pesteng fangirls nila! Kung pwede lang sana na wag nalang silang sumikat para naman konti lang ang magiging tagahanga nila! Ang hirap maki-singit! Kailangan ko talaga si Sammy!!” Bigong sabi ni Jess. Kinuha niya ang cell phone niya at mukhang may tatawagan.

I Fell In love with my......Cousin???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon