SIDE STORY (LUKE SANDOVAL) PART 3

651 12 0
                                    

SIDE STORY (LUKE SANDOVAL)
PART 3

Aray! Tangina! Napahawak ako sa ulo ko. Nakita ko ang isang bola ng soccer sa gilid ko. Alam ko na kung ano ang tumama sa ulo ko. Badtrip! Ang sakit nun ah! Tumayo ako at inalog ang ulo ko, pinulot ko din ang bola ng soccer. Ibabato ko nga to pabalik sa taong may kagagawan ng pagsakit ng ulo ko.

"Ooops! Sorry pare!" Halakhak ni Nathan. Kinuha niya saken ang bola at sinipa niya iyon sa nga naglalaro sa open field.

"Sinadya mo yun no.." Angil ko. Ngumisi siya

"Hindi ah! Grabe ka talaga saken Lukey..lagi mainit ang ulo mo saken.." Nag pout pa ang gago.

"Pwede ba Nathan.. Wag mo nga akong inisin. Masakit yung ginawa mo ah!" Hinawakan ko ang ang kwelyo ng uniform niya. Susuntukin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Troy.

"Luke.." Sa inis ko ay binitawan ko ang pagkakahawak ko Kay Nathan.

Tumawa pa ang gago.

"Troy.. Bakit mo pinigilan? Gusto kong malaman kung malakas ba sumuntok tong si Luke para isasama ko siya sa mga laban ko. " tumawa si Troy.

"Wag mo ngang isama si Luke sa mga kalokohan mo Nathan. Freshmen palang to. Kailangan niya munang mag-aral ng mabuti.." Naka-ngising sagot ni Troy.

Nagkibit-balikat lang si Nathan. Ginulo niya ang buhok ko. At tinapik niya ang balikat ni Troy.

"Okay fine.. Boring niyo.." Sabi nito sabay balik sa mga naglalaro ng soccer.

"Always keep your patience for Nathan.. You know him. The more na maiinis ka the more na mas  iinisin ka niya.." Tumango ako. Alam ko naman yun minsan kasi sumusobra na talaga siya.

Tinapik niya ang balikat ko.

"Sige na Luke. Alis na ko.."

Nang umalis si Troy napadesisyunan kong sa ibang lugar nalang magbasa. Malapit na ang exam week kaya naga-advance reading na ako. Hindi naman ako nerd. Medyo grade conscious lang ako. Gusto ko kasi maging proud saken si Mama. Ako lang ang inaasahan niya sa buhay.

Umupo ako sa mga bleachers. Gusto ko sanang pumunta sa library kaya lang baka antukin naman ako doon. Tsaka gusto ng sariwang hangin mas nakakapag-review ako ng maayos.

May mga ilang estudyante ang nakatingin saken. Alam kong hindi iyon maiiwasan dahil sumali ako sa bandang Ear Kisses. Grumaduate na kasi ang dating lead guitarist nila at dahil hilig ko ang tumugtog kahit noong highschool palang ako ay nag-audition ako. Napakinggan nila ako kumanta kaya ako rin ang ginawa nilang lead singer. Ang dati ay si Nathan pero sabi niya ay gusto niya na tumugtog lang muna. Kapag gusto niya o kapag trip niyang kumanta ay kakanta siya. Malakas talaga ang sapak niya no. Haha

"Luke..pwede magpa-picture.." Nahihiyang tanong nung isang babae. Nginitian ko siya at tumango. Lumapit ako at nag-picture kami. Hindi nagtagal ay may iba pang lumapit saken. Naka-ngiti lang ako magdamag. Wrong choice pala dito ako sa bleachers. Ang daming distraction. Hilaw na ngiti na yata ang nagagawa ko.

Napatingin ako sa bandang kaliwa dahil doon nakatutok ang isang camera. Bigla namang nahagip ng paningin ko si Maica! Sht! May kung anong umikot sa tiyan ko. Fck.? Ano yun?

"Uh.. Sige ah. Magre-review pa kasi ako.." Buti nalang ay naunawaan nila iyon. Kaya nagsibalik sila sa mga ginagawa nila. Muli ay hinanap ko si Maica. May mga kasama siyang lalaki. Tatlo. Hindi ko kilala kung sino ang mga iyon. Hindi naman namin kaklase yun.

"Bro!" Napatingin ako Kay Francis.

"Bakit?" Mukhang hingal na hingal siya ah.

"Wooh! Buti nahanap kita! Si Cass kasi!" Napatayo ako.

I Fell In love with my......Cousin???Where stories live. Discover now