Side Story (Ear Kisses) Part 2

690 22 0
                                    

-- PART 2


Buong gabi hindi ako maka-tulog, pagkatapos ko maghugas ay mabilis akong umakyat sa kwarto ko at natulala lang magdamag, kada pikit ko ay nakikita ko ang nangyaring halikan namin ni Nathan..

Para akong zombie ng bumaba , dumiretso sa kusina, kumuha ng tinapay at nagtimpla ng coffee

Muntikan ng mahulog ang tinapay na isusubo ko dahil hindi ko napansin na si Troy ay nakaupo at nagkakape. Akala ko umalis na siya.

Hindi ko din siya namalayan kanina. ganun ba ko kalutang kanina?

"A-andiyan ka pala, akala ko e umalis kana.."

Binababa niya ang kape niya at tinitigan ako,

"Ganyan ba epekto ng halik sayo?" Nanlaki ang mata ko. A-Alam niya?? N-nakita niya??

"A-ah T-Troy a-ano..--"

"No need to explain Sam, dahil wala akong pake.." Tumayo siya, kinuha ang bag niya at naglakad papalabas.

Dahan-dahan akong humikbi. Mas lalo niya akong hindi mamahalin..Mas lalo siyang lalayo saken.. Bakit ba nangyayari ang mga gantong bagay..

----

"Anyare sayo Sam? bakit ganyan ang itsura mo? Mukha kang zombie, halika nga dito lagyan kita ng make-up" Lumayo ako kay jess

"Wag na.. hayaan mo na.."

"Wag ka nga makulit, gusto mo bang tanong-tanungin ka ng mga prof natin, classmate kung anong nangyari sayo? Jusko! Ang panget mo." Napa-irap ako

"Hindi naman ako nagpapa-ganda.."

"Kulit talaga.. halika na..isa.." hay hindi talaga ako mananalo sa kakulitan ni Jess kaya pumayag nalang akong pagpalagay

"Teka, baka ma-allergy ako diyan..hindi pa ko nagma-make up.." Umirap si jess

"Anong akala mo sa make-up kit ko local?" Natawa ako

"Sorry na.. Sige na Go.." Napa-ngiti siya.

--

"Oh Ayan! Perfect! mas lalo kang gumanda Sam!! I'm so proud of myself!"

Tumingin ako sa salamin, ang ganda ko nga. siguro kapag my make-up.

"Marami talagang gumaganda sa make-up.." Sagot ko.

"Luka! Maganda ka kahit walang make-up nu, mas lalo ka lang gumanda ngayon.."

"Teka yung salamin ko, medyo malabo e."

"Eto try mong mag-contact lens.." Umiling ako.

"Ayoko niyan, masakit sa mata yan e, mas gusto ko tong salamin ko okay.."

"Fine, fine, pero ibibigay ko parin to sayo, minsan try mo hah.." Naka-ngiting sabi ni Jess. Tumango ako

--

"Wow Sam, you look amazing.." Natawa ako kay Alex.

"Baliw. Tumigil ka nga diyan.. amina yang gamit ko, lagi mo nalang binibitbit yan e."

"No. Akin na to okay.."

"Fine.."

Hinawakan niya yung kamay ko,

"Alex.." suway ko.

"Pa-experience lang Sam kahit saglit lang.." Natawa ako.

"Loko ka talaga, bitaw na, seconds lang pwede.." Biro ko.

I Fell In love with my......Cousin???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon