Chapter 22

1.3K 35 2
                                    

A'N: Waah namiss ko tong wattpad! hahaha 2 weeks din akong nawala dito! xD at nga pala sabi ko 25 chapters lang to pero mukhang extend natin ng konti ah haha :D my nabago sa plot ko e, haha :D

Favor: PABASA NAMAN NUNG ONE SHOT KO HAHAHA "GITARA" PRETTY PLEASE! *___*

NikNik12

---

Chapter 22

*Miyaka's POV*

 dahan-dahan akong tumungtong sa bahay namin, late nako umuwi, wala lang siguro para iwasan ang mga dapat iwasan, sila lance at Nik. naguguluhan na kasi ako sa nangyayari e, bakit ba kung kelan gusto kong sumaya, hindi pwede.

papasok na sana ako sa kwarto ko pero my narinig ako nagsasalita sa kwarto ni lance.. agad akong napasilip, hindi naman kasi nakasarado yung pinto niya. 

"Oo alam ko ang ginawa ko Jerome, at alam ko magiging masaya to, yun naman yung gusto niyo diba?" 

"Si steve? e kung ayaw niya e di wag."

"SI nik? ako na bahala dun." 

hindi ko na pinagpatuloy yung pakikinig ko, mas lalo lang akong maguguluhan.

 pumasok  na ko sa kwarto ko, paano kaya bukas? paano ko haharapin si Nik? sasabihin ko ba na ititigil ko na tong nararamdaman ko kay lance, napag-isip isip ko na, mas mahal ko ang pamilya ko, kaysa kay lance, at maraming lalaki diyan para mahalin ko kesa naman magkasala ako sa Diyos at sa pamilya ko. 

"Bakit ngayon ka lang miyaka?" napatingin ako sa likod ko, Hala! paano nakapasok dito si lance?

hindi ko siya pinansin, dumirestso ako sa banyo at nagbihis, paglabas ko nagulat ako at nandito parin siya, 

"Pagod ako lance, lumabas kana." malamig kong sabi sa kanya, ngunit hindi niya ko sinunod. lumapit pa siya saken.. niyakap niya ko mula sa likod.shet. bakit ka ba ganto saken lance, 

"Hindi mo na ba ako mahal miyaka?" tanong niya saken habang naka-yakap parin.

"M-mahal pero, nahihirapan na ko e. " 

"So iiwan mo na ko?" hmm iiwan ko na ba siya? oo miyaka, yun ang dapat mong gawin. 

"Yun ang dapat e." hindi ko alam pero bigla nalang akong naluha. malinaw na saken ang lahat na mahal ko talaga siya. at ang sabi nga nila, kung kayo, kayo talaga, kaya pinapakawalan ko na siya.

hinarap niya ko sa kanya pinunasan niya ang mga luha ko,  ngumiti siya saken, sabay halik niya sa mga labi ko.. pinilit kong pigilin yung ginagawa niya pero pati ako nadala na din. 

"MIyaka!" natigil kami sa ginagawa namin ng makita namin si Mama sa my pinto. 

nanlamig ang buo kong katawan, walang salitang gustong lumabas sa bibig ko, eto ang kinakatakot ko.. 

Ilang sandali pa nakakinig ako ng sampal , napapikit ako at napahawak sa pisngi ko, akala ko ako yung sinampal, si lance pala. 

"Ma." mahina kong sambit kasabay ng mga luha sa mata ko. Hindi naman umiimik si lance, maluwag niyang tinanggap yung sampal na binitawan ni mama . 

ako naman naglalabo ang paningin ko sa mga luha na lumalabas sa mata ko. nagulat nalang ako nang kaladkarin ako ni mama palabas ng kwarto ko. 

"Ma i'm so sorry.." sabi ko sa kanya habang umiyak. 

I Fell In love with my......Cousin???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon