Chapter 1

112 10 6
                                    

Chapter 1: It was all started at the Pandesosyal Bakery and Sweet Pastries

Pandesosyal Bakery and Sweet Pastries’

Love the next Pelasure with a bite of Heaven. It will make you ride on the Pastries given.”


Hopia’s Point of View

Today is Sunday! Papunta na ako ngayon sa lungsod para bisitahin ang shop ko at makipag-usap sa VIP client ko.

Maaga akong naghanda para sa araw na ito. Siyempre excited din ako kasi first time kong maka-receive ng ganitong client simula nang magbukas ang shop ko.

“Tay, sina Pookie at Puday, pakainin mo ha. Huwag puro manok ‘yang iniintindi mo,” paalala ko sa tatay ko. “Baka gabihin na pati ako ng uwi.”

“Gagawin kong siopao ‘yang alaga mo,” gasing na aniya na ikinalaki ng mata ko.

“Aba’t. . . gusto mo tay na gawin kong tinola ‘yang mga alaga mo?!”

Sinamaan niya ako ng tingin bago yapusin ang hawak niyang manok. “Aba’y kung kaya mo eh. Pag hindi kita’y pinalayas ko?”

Sabi ko nga shut up na.

Mas mahal niya talaga ang mga manok niya kaysa sa akin, ouch.

“Ewan ko sa’yo, tay. Basta pakainin mo sina Pookie at Puday. Nag-iwan na rin ako ng pera sa ibabaw ng ref. Pang-gastos niyo rito habang wala ako,” sabi ko. Tinuro ko ang ref. “Oh siya, aalis na ako. Mag-text na lang kayo kapag may problema o kailangan kayo.”

Tumango ang tatay ko bago lumapit sa akin at halikan ako sa noo.

“Pasalubong ko ha? Ingat ka roon.”

Ay may paganon?

“Oo na, tay. Alis na ako,” paalam ko bago lumabas ng gate at nagtungo sa sakayan.

Sumakay ako ng bus papuntang lungsod dahil wala naman akong sariling sasakyan. Mahigit isang oras rin ang naging biyahe at pasado alas osto na rin nang ako ay makarating sa shop dahil sa traffic.

“Good morning, Chef Hopia! Aga natin ngayon ah?” bati sa akin ng staff ko nang makita ako.

“May client tayo for todays bedyow eh. Kailangang maaga,” nangingiting sagot ko.

“Blooming din kayo, chef,” puri sa akin ni Joy, staff ko. “Halatang marami tayong manliligaw ah?”

Napangiwi ako sa kaniya bago ibaba ang gamit ko sa lamesa. “Madami nga. . . hindi ko naman type. Hinahabol pa lagi ng tatay ng itak.”

Nagtawanan sila sa sinabi ko. “Atleast, chef may nanliligaw sa’yo. Ano ba mga type mo, chef?” tanong ni Marco.

Type ko?

“Type ko ‘yung mga may lahi tapos guwapo at malaki ang etits, hahahaha!” tawa ko. “At saka handang magpahabol ng itak sa tatay.”

“Ay hala, chef! Same tayo ng type hahahaha! May lahi lang ang wawasak sa perlas ng sinilangan ko!”

Nagtawa kami at umagree sa sinabi ni Joy. Lukaret na ‘to, gusto niya siguro na hindi makalakad pagkatapos araruhin ang kepyas niya.

Balita ko kasi malalaki raw ang alaga ng mga may lahi.

At saka sinong tatanggi sa malaki? Kahit ako nga gusto ko malaki, ‘yung tipong kapag inararo ako, hindi ako makakalakad ng isang linggo. Charot.

Wheelchair is waving.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now