Chapter 17

36 4 1
                                    

Chapter 17: Back

Hopia’s Point of View

“Because his love of his life and the only girl he wanted to be his wife, left him. Your papa is sad ang broke as fudge because he marry the girl he doesn’t love. He is sad because your mama left him without hearing his explanation and without waiting for him to fight with our parents. He is sad because your mama is not the one who will walk him down to the aisle. He is sad because your mama is not the one who will spend his life with.”

Natigilan ako. My heart ached and our past starting to flashback in the back of my mind. The pain was still here.

Tila ba napasok ako sa isang time machine at para bang nangyayari muli sa harap ko ang lahat. Gano’n rin ang pagdaloy ng sakit sa dibdib ko.

He is sad because of me. . .

Malungkot siya dahil hindi ako ang kasama niya? Malungkot siya dahil hindi ako ang babaeng pinakasalan niya?

Hindi niya ba kayang maging masaya? Mayroon na siyang pamilya, kasal na at isang ganap na ama. Hindi ba iyon sapat para maging masaya siya?

It’s been eight years! Dapat ay move on na siya! May pamilya na siya at anak! Ayoko na muling umasa pa sa kaniya dahil sa sinasabi ni Kuya Xavian dahil alam kong sa huli ay masasaktan lang din ako kagaya ng nangyari, walang taon na ang nakalipas.

Ayoko ring maging dahilan ng pagkasira ng pamilya niya. I don’t want to get involved with his mother and his wife.

Baka tuluyan nang dumapo ang kamao ko sa pagmumukha nila.

Umiling ako at agad na huminga ng malalim.

Tama na. Ayoko na muling umasa, makita o kung ano man ang magiging dahilan para magtagpo ulit ang landas namin.

“Eh, tito-daddy, mahal pa rin po ba ni papa si mama?”

Suddenly, my tears pooled in my eyes and I held my mouth to prevent myself in creating any sound.

Juskong bata ‘to!

“Probably---”

“Ayon! Kaya naman pala nakakaamoy ako ng sunog. Ang cook pala ay nakiki-chismis!” putol ng isang boses. Muntik na akong mapatalon sa gulat.

Dali-dali kong pinahid ang luha ko bago humarap at sinamaan ng tingin si Ate Nadia na nanliliit ang mata sa akin.

“Alam mo, panira ka ng moment. Nakiki-chismis ‘yung tao tapos bigla kang magsasalita diyan. Hindi ko tuloy narinig ang sinabi ng asawa mo,” kunwari’y inis na sambit ko. Natawa naman si Ate Nadia sa sinabi ko.

“Bakit? Ano ba ang sinasabi ng asawa ko?” kuryosong tanong niya at kinuha ang kamay ko at inilagay sa walong buwan niyang tiyan.

Oo! Buntis na naman ang ateng niyo. Nakaka-tatlo na siya. Ako nakaka-dalawa pa lang.

Hinaplos-haplos ko ang tiyan niya. “Nagtatanong ang maldita kong anak kung mahal pa raw ba ako ng tatay nila---”

“Kailan ba iyon nakalimot na mahalin ka?!” Napaigtad ako sa biglaan niyang pagtataas ng boses. “I mean, he never forget to love you even though he is married to that leech.”

Ayoko na pong umasa, please.

Napakamot ako sa kilay. “P-Pero kasi ate, kasal na siya. Tapos na kami at hindi na dapat niya sa akin ibinibigay ang pagmamahal niya.”

She looked at me seriously and held my hand. “Wala na kayo at kasal na siya sa iba pero ang pagmamahal niya sa’yo ay nanatili. He never tried to love Suzanne, never. He said to me that the girl he wanted to marry and spend his life with is you, not Suzanne but you.”

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon