Chapter 7

73 6 3
                                    

Chapter 7: Officially

Hopia’s Point of View

“Kainis ka naman, eh. Akala ko talagang nakalimutan mo na,” ngulngol ko sa dibdib ni Xavier at suminghot-singhot pa.

He laughed and wiped the tears in my puffy eyes. “Sa tingin mo ba makakalimutan ko ‘yun, eh birthday mo ‘yun. It is one of your special day so how can I forget it?”

“Hmp, pero bakit hindi ka nagpakita sa akin ng buong araw?” nagdududa kong tanong sabay singhot sa Tulips na ibinigay niya sa akin.

Feel ko may ginawa pa siyang iba.

Natawa siya at agad akong hinapit patungo sa katawan niya. “I told you, may ginawa lang ako.”

“Ginawa? Buong araw? Talaga ba, Xavier?” I asked, sarcastically. I removed his arms around me and glared at him. “Baka nambabae ka, ha.”

Pagbubuhulin ko kayo ng babae mo.

His eyes widened and suddenly burst out laughing. His musically pleasing laugh echoed in the quite walkways.

“Oh, God! Where did you get that idea?” tatawa-tawa pa niyang tanong. He slightly held my arms and pulled me again into a tight hug.

Talagang tinatawanan pa nga ako.

Napasimangot ako at nagmatigas. “Aba malay ko ba sa’yo. Baka mamaya ipagpalit mo na lang ako diyan bigla.”

I heard him chuckled for the nth time. “How could I replace you if my heart only wants you? And do you think I would search for other girls? Hell, no. I’m not that kind of man that will break his principles and dignity for other women.”

Kumabog ng malakas ang dibdib ko at biglang nag-init ang pisngi ko. Sumubsob na lang ako sa dibdib niya at niyapos siya.

“Talaga, baka inuuto mo lang ako, ha.”

“Sa itsura kong ito, mukha bang inuuto lang kita?” tanong niya dahilan para mapatingala ako sa kaniya.

“Sabi ko nga, hindi. Ang guwapo mo naman po para mang-uto,” bola ko pa sa kaniya at pinisil ang pisngi niya.

Ngumuwi siya pisilin din ang pisngi ko. Para kaming tangang nagpipisilian ng pisngi rito sa gitna ng daan.

“Sus, nambola pa ang aking Hopia,” aniya at piningot pa ang ilong ko. Mas lalong nagtatambol ang puso ko sa sinabi niya.

Aking Hopia? Ahihihihi, inangkin na ako.

“Tara na nga sa inyo at malamok na rito,” aya niya at hinila ako patungo sa amin.

Habang nasa daan ay nagkukulitan kami. Panaka-naka niya akong inaasar na sinasakyan ko na lang.

Next time siya naman ang sasakyan ko.

“How’s your day, baby? I bet, lahat ng bumibili sa’yo sinusungitan mo?” natatawang tanong niya.

Ngumuso naman ako dahil medyo tumpak siya sa part na ‘yan.

“Eh, nakakainis kaya. Biruin mo ba naman hindi ka nagpakita ng buong araw tapos sa birthday ko pa mismo? Idagdag mo pa ‘yung mga kaibigan kong hampaslupa na mukhang nakalimutan ang birthday ko,” inis na reklamo ko.

Siyempre medyo nakaka-disappoint lang dahil sila ‘yung ine-expect kong unang babati sa akin pero nga-nga!

Kaya nga sabi nila, ‘Don’t expect too much because expecting too much can hurt you’.

Humigpit ang pagkakahawal niya sa kamay ko. “Baka busy lang sila? O kaya naman ay may ginagawa lang?”

Tumingala ako sa kaniya ngunit nag-iwas siya ng tingin. Agad na naningkit ang mata ko sa kaniya.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now