Chapter 4

63 8 1
                                    

Chapter 4: Fajardo Brothers

Hopia’s Point of View

“Ano gang nangyari ha?! Bakit ganiyan ang nangyari sa anak ko?!”

“I-I’m sorry, sir. Nadamay lang si Hopia sa nangyari.”

Rinig kong usapan nila. May naririnig pa akong maliliit na boses na tila ba nagtatalo-talo tungkol sa isang bagay na hindi ko maintindihan kung ano.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Isang nakabubulag na liwanag ang nagmumula sa taas ang sumalubong sa aking mata. Bahagya pa akong napapikit sa liwanag kaya isinangga ko ang braso ko sa mukha ko.

Nasa langit na ba ako?

“Tawagin niyo ang doctor! Gising na si Hopia!”

Nang makapag-adjust ang mata ko ay napakurap-kurap na lang ako. Kulay puti ang buong paligid at may kung anong nakatakip sa ilong at bibig ko.

Anak ng puta, nasaan ako?

Dumating ang isang naka-scrub na lalaki at tinanong ako. Nakatulala lang ako sa kanila at hindi maintindihan ang nangyayari at gulong-gulo sa pinaggagawa nila. May kung ano-ano silang kinalikot sa katawan ko hanggang sa tanggalin nila ang naka-takip sa ilong at bibig ko.

“Puwede niyo na siyang iuwi mamaya. Don’t stress her too much and huwag niyo na ulit hayaang mapauntog o mabagok ang ulo niya. There’s a possibility that the next time her head will stumble again, it might lead to serious or severe problems. Be careful next time,” sambit ng nagpakilalang doctor na nakatingin sa akin. “Mauuna na ako.”

Mabagok?

“Thanks, doc,” the familiar guy said. Lumabas ang doctor at naiwan ako kasama ang tatlong lalaki.

The familiar face of guy was staring at me. His ash eyes are staring at me, deeply. Mayroon ding mga sugat ang mukha niya ngunit hindi iyon nakabawas sa karisma at kaguwapuhang taglay niya. Nakatayo siya sa may paanan ko at pinagmamasdan ako. There’s a worry and relief in his handsome face.

Napatikhim ako at napaayos ng upo. Ang dalawa pa naming kasamang lalaki ay kapuwa nakatingin rin sa akin. Parehas nakaupo sa sofa sa gilid ko, parehas na may pag-aalala sa kanilang mukha.

“Hopia, ayos ka na ba? Wala bang masakit sa’yo?” tanong ng isang lalaki na naka-shorts at naka-spaghetti strap. Nangunot ang noo ko. “Kung hindi mo naalala ay nauntog ka sa bubog ng glass display counter mo tapos nawalan ka ng malay.”

Nauntog? Nauntog ako sa glass display counter---

Biglang may pumitik na kung ano sa isip ko at nag-flashback lahat sa akin ang nangyari kanina.

Ang pag-aaway ni Xavier at nina Berto. Ang panghahampas ko ng thong sa mga tambay. Ang pagtulak sa akin ni Berto dahilan para tumama ang ulo ko sa bubog ng display counter ko at ang pagkawala ng malay ko.

Kinapa ko ang ulo ko at nakapa ko ang bendang nakabalot sa ulo ko. Bigla akong nakaramdam ng galit at pagka-dismaya. Galit kay Berto at pagka-dismaya sa ginawa niya.

Punyeta ka talaga, Berto!

Tumalim ang mata ko at tiningnan sila. “Nasaan si Berto?”

Nagkatinginan sila at nagpalitan ng sulimpat na tingin.

“Hay naku, bakla. Pinagtulungan ng mga kaibigan natin. Nasa baranggay na sina Berto at ang mga tambay na nanggulo sa harap ng bakery mo,” sagot ni Vincent sa akin.

“I’ll file a case against them, Hops. I will call my lawyer and file a case for causing a serious injury,” seryosong sabi ni Xavier na nagtatagis ang bagang. Napalingon ako sa kaniya na may nanlalaking mata. “Those dimwits deserve to be in jail.”

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now