Chapter 12

26 6 0
                                    

Chapter 12: Call

Hopia’s Point of View

After the family dinner with Xavier’s family, the confrontation with his mother, I never felt this kind of self-deprecation and shame on what I have.

Misis Fajardo slap to my face that I am not on their level. She degraded me on where I am. Minaliit niya ako dahil sa kung ano ang katayuan ko at sa kung sino ako.

Sobra-sobrang pamamaliit ang ginawa niya sa akin at buong pagkatao ko ay tila ba inapak-apakan ng walang kung ano-ano man. ‘Yung dignidad ko, pagkatao ko--- lahat!

Her words are like video tape that keep on replaying in my mind.

I never thought that there is one Fajardo who will ruin my admiration and respect for them.

Minsan naisip ko kung tama pa bang ipagpatuloy ko ang pakikipag-relasyon ko kay Xavier dahil sa sinabi ng nanay niya.

But in the second thought, my love for him hindering my decision. If I broke up with him, masasayang lahat ng pagmamahal at lahat ng effort na ginawa niya sa akin at kay tatay. And I know, I know that if I broke up with him, his heart will tore apart, as well as mine. At alam kong hindi lang siya ang masasaktan sa gagawin ko dahil paniguradong mabo-broken ang hart ko ng sampung taon kapag ginawa ko iyon. Baka pagsisihan ko rin na ginawa ko iyon.

At saka saan ka pa makakahanap ng katulad ni Xavier? Kahit saang lupalop pa siguro ng mundo ako maghanap, wala na akong makikita na kagaya ni Xavier.

Endangered species na ang katulad niya dahil iisa na lang siya.

At saka isa pa, para ko na ring hinayaang manalo laban sa akin si Misis Fajardo.

Ayos lang na apak-apakan niya ang pagkatao ko dahil kaya ko namang indahin iyon at palampasin. Basta huwag niya lang idadamay ang tatay ko dahil talagang kahit kilalang tao siya, lalagitik ang kamay ko sa mukha niya.

At kahit pa sampal-sampalin niya ako ng mga panlalait at pangmamaliit niya sa akin, hinding-hindi ako makikipaghiwalay kay Xavier! Kahit offer-an niya pa ulit ako ng twenty million! Hindi ko tatanggapin!

Pero kung may itataas pa iyon, puwede namang pag-usapan na lang, ‘di ba? Joke.

My love for Xavier is cost a fortune and also my worth. Walang tatapat na kahit ano sa pagmamahal ko sa kaniya.

“Chef, ang tumalng benta natin ngayon. Feel ko may humaharang sa mga costumer natin,” imporma sa akin ni Jessa.

Napabuntong hininga ako. Simula kasi noong nagpunta rito si Suzzane at Miss Fajardo at nung nangyaring gulo ay tila minalas kami at ang shop ko. Tumumal ang benta at isa-isang nawala ang mga costumers namin.

Hindi naman sa sinisisi ko sila pero para kasing kasalanan talaga nila! Dahil sa bantot ng ugali nila na talagang dinala pa nila sa shop ko! Ayan tuloy minalas kami!

“Baka may nagkataon lang. Baka bukas dagsa na ulit, huwag panghinaan ng loob. Pagsubok lang ito sa atin,” pagpapagaan ko ng loob kay Jessa na mukhang broken ang itsura.

Pero sa loob-loob ko ay pinanghihinaan na rin ako. Halos mag-iisang linggo na simula ng tumumal ang benta namin. Kung dati rati ay halos hindi mahulugan ng karayom ang shop ko, ngayon ay bilang na lang sa daliri ko ang mga bumibili at pumapasok sa shop ko.

‘Yung bakery ko naman sa amin ay sina tatay at Vincent ang nagbabantay dahil gusto kong dito muna ako sa shop ko. Para na rin mas malapit kay Xavier at hindi na siya mahirapang puntahan ako.

“Sana nga, chef. Halos hindi na rin maubos ang mga ibine-bake niyo nitong nakaraan dahil sa wala ngang bumibili,” sambit naman ni Joy sa likod. “Ang mahal pa ng mga ingredients natin ngayon.”

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now