Chapter 18

40 6 3
                                    

Chapter 18: Let me.

Hopia’s Point of View

“Bakla, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na may junakis ka na at kambal pa?”

“Natatakot ako eh! Ang daldal niyo kaya! Baka sa oras na sabihin ko sa inyo ng oras na iyon at nakita niyo si Xavier ay sabihin niyo agad!” angil ko sabay dukot ng Pan de Regla sa display counter.

“Bakla, wala ka bang tiwala sa amin? Hindi naman kami gano’n, ‘no! At saka baka nga tulungan ka pa naming magtago ng anak mo sa siraulo mong ex!” aniya at dumukot rin ng tinapay sa display counter.

Ngumuya ako at lumunok bago sumagot. “Sa tingin mo ba bakla, mqkakapag-isip pa ako ng maayos noong mga panahong iyon? Eh, halos mabaliw na nga ako kung anong gagawin ko sa mga oras na iyon! Kulang na lang ay magpasagasa ako sa ten wheeler!”

“Sa bagay, kung sa akin nangyari ‘yan baka naagasan na ako kaso naalala ko wala nga pala akong matres,” biro pa niya. “Pero bilib ako sa’yo bakla, bilib ako sa pagiging matatag mo sa kabila ng pinagdaanan mo. Napalaki mo ang mga anak mo ng walong taon na ikaw lang. Pinili mong ilayo ang anak mo sa tatay nila kahit may karapatan ang tatay nila na panindigan ang mga anak mo. Pero ganiyan talaga ang buhay, weather weather lang.”

Napahagalpak ako ng tawa sa huling sinabi niya. Paiyak na ako pero umurong ang luha ko sa sinabi niya.

“Pero at least sa loob ng walong taong iyon naging masaya naman ako sa piling ng mga anak ko kahit na hindi kami kumpleto. Mas pinatatag lang siguro ako ng pangyayaring iyon para sa susunod hindi na ako matitibag gano’n,” nangingiting sambit ko sabay buntong-hininga.

“Pero ang tanong, naka-move on na ba?” nang-uusisa niyang tanong.

Agad akong napatingin sa kaniya. “Hoy! Naka-move na kaya! Tagal na no’n, jusko! Move on na ako!”

Fool yourself.

Pinanliitan niya ako ng mata at sinipat-sipat. “Bakit ang defensive mo--- Si Xavier oh!”

Agad akong napatingin sa itinuro niya at hinanap ang tinutukoy niya.

“Saan, saan?!”

Iginala ko ang paningin ko at hinahanap kung nasaan si Xavier. Wala naman eh!

Naka-move on na raw pero hinahanap pa rin.

Sa loob naman ng walong taon, may mga araw na nami-miss ko siya at hindi ko naman itatanggi iyon. Kasal na siya sa iba at may sarili na siyang pamilya. Wala na akong karapatan pang ma-miss siya.

“Sinetch itey ang naka-move on na raw pero hinahanap pa rin?” mapang-asar na ani Vincent. Napatingin ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. “Akala ko ba move on na? Mukhang hindi pa ata eh? Itsurang ‘yan makaka-move on agad? Sinong niloko mo? Kilalang-kilala na kita kahit walong taon kitang hindi nakasama!”

Iningusan ko siya. Nawalan ako ng imik sa sinabi niya. Mukhang wala talaga akong kawala sa mga tanong at pang-uusisa niya.

Chismosang usisera kasi ‘yan.

Isinubo kong lahat ang natitirang tinapay sa kamay ko bago umimik.

“Bahala ka. Kung ano ang gusto mong paniwalaan, e’di go! Basta ako, masaya na ako kahit wala siya. Basta ligtas at malusog ang kambal ko, okay na sa akin ‘yon.”

Pagkatapos naming magka-usap ni Vincent ay bumalik ako sa bahay para magluto ng tanghalian. Naabutan ko si Thiago na binibihisan si Xaidro na mukhang kaliligo lamang. Si Xaidra naman ay nagsusuklay sa harap ng salamin. Nasa salas silang lahat.

Walang tunog akong lumapit sa kanila. Napangisi ako nang maisipan kong gulatin sila.

“Daddy Thiago, mahal mo po ba si mama ko?” Napatigil ako sa tanong na iyon ni Xaidro.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now