Chapter 23

47 8 4
                                    

Chapter 23: Truth.

Hopia’s Point of View

“Your twins need a blood transfusion. Maraming dugo ang nawala sa kanila dahil sa aksidente and I can say that your twins are in both critical condition.”

“W-What?”

The doctor sighed. “The boy one, he is in critical condition because of the impact of the car to his body. Malakas ang impact. Ang babae niyo namang anak ay nasa kritikal na kondisyon din dahil sa pagkakatama ng ulo niya sa bato. Nag-undergo na rin kami ng mga test sa kanya for possible na pagdurugo sa ulo at pagkabasag ng bungo, as well to your son,” mahabang paliwanag ng doctor. “For now, ang kailangan natin ay blood transfusion.”

“P-Puwede po bang ako na lang ang mag-donate? T-Type A+ po ako,” sumisingkot na usal ko.

The doctor slightly shake his head. ”Sad to say, your twins are both AB+, hindi kayo maka-blood type.”

“I’m type AB+. I can donate my blood to the twins,” the guy from my behind said.

Nilingon ko siya at nakitang walang emosyon siyang nakatingin sa akin. But I can see his clenching jaw and bloodshot eyes. May bakas pa rin ng dugo ang suot niya, gano’n din ang kamay niya.

I gulped.

“Okay, that’s good. Follow me so we can run some test to you before we proceed to the blood transfusion. Thank you.”

Tumalikod na ang doctor at ako naman ay napasandal sa pader. It is all my fault. Inuna ko ang galit ko without knowing na masasaktan ang anak ko gamit ang mga salita ko.

I closed my eyes to prevent my tears from falling down. Sobrang sakit ng dibdib ko na tila ba paulit-ulit itong sinasaksak ng kutsilyo.

One tear fell down to my cheeks.

Then, followed by one another.

And another.

And another.

Until I found myself sobbing so hard.

It is all my fault.

Siguro kung hindi kami bumalik dito at nanatili sa Sariaya, we will not end up like this. Siguro masaya kami roon.

I punched my chest multiple times when a familiar pain suffocates my heart again. Ngunit hindi n’yon nabawasan ang sakit.

Wala akong pagtinginan ng mga dumadaan sa pasilyo ng ospital na’to. I just wanted to cry so bad until it hurts more---

“Stop crying. Tangina, hindi kita matiis.”

A warm and soothing arm hugged me and buried my face in his chest. He held the back of my head and softly caressed my hair. Ang isa niyang kamay ay pumulupot sa bewang ko at hinapit pa lalo ako sa palapit sa katawan niya.

His addicting smell makes me cry even more and made my heart go crazy.

He smells like home.

“Shh, baka sabihin ng mga tao pinaiiyak kita,” bulong niya. “And for sake, stop blaming yourself for the things that you’re out of control.”

“P-Pero hindi siya t-tatakbo palayo sa a-akin kung hindi ko k-kasalanan,” iyak ko. “S-Sinigawan ko siya d-dahilan para tumakbo siya papalayo sa akin. K-Kasalanan ko kung bakit sila naaksidente.”

“I said stop blaming yourself. Blaming yourself won’t do anything to heal your twins,” inis na aniya.

Your twins?

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at pinahid ang luha.

“P-Pero hindi ba’t dapat magalit ka sa akin ngayon?”

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now