Chapter 10

36 6 1
                                    

Chapter 10: Dinner with his Family

Hopia’s Point of View

"Bakla, ayos lang ba ang suot ko? Hindi ba pangit?"

"Tanga, anong pangit? Eh, lahat naman ay bagay at maganda sa'yo!"

Muli kong pinasadahan ng tingin ang itsura ko sa harap ng salamin. Martes na ngayon at ngayon na ang family dinner nina Xavier.

I just wore a simple black dress, 2 inch above my knees. And sleeves nito ay hanggang siko ko tapos medyo ruffled siya. Sa baba naman ay isinuot ko lang ang isang white rubber shoes ko.

Hinayaan ko na ring nakalugay ang abot-beywang kong buhok. Nag-ayos na rin ako ng mukha ko. Just a light and simple make up. I even put a red lipstick in my lips para magmukha naman akong tao.

"Tangina, bakla! Ang ganda mo! Paniguradong hulog na hulog na sa'yo si Xavier!" muling komento ng bakla sa gilid ko. "Kung lalaki lang ako baka niligawan na kita. Pero sorry ka, lalaki rin ang gusto ko."

"Siyempre iba talaga kapag biniyayaan ka ng ganda at kepyas," natatawang sambit ko. Muli akong umikot sa harap ng salamin at sinipa ang kabuuan ko.

Shet, ang ganda ko.

"At least marunong akong sumubo. Maganda ka nga at may kepyas, magaling naman akong sumubo," paglalaban pa niya at nakita ko pa ang pag-irap niya sa akin sa repleksiyon sa salamin.

Pagalingan na palang sumubo ang labanan?

Humarap ako sa bakla at nameywang. "Excuse me? Sinong may sabing hindi ako magaling sumubo?" nakataas-kilay kong tanong sa kaniya.

Umingos naman siya at nanlalaking matang tumingin sa akin. "Hala, saan mo natutunan 'yan? Sinong isinubo mo? Malaki ba? Masarap?"

Ngumisi ako sa kaniya. "Secret, no clue. Dati-rati ay ako ang nagtatanong sa'yo niyan, ah? Bakit nabaligtad na? Anong nangyari? Hindi na ba ulit nagpupupunta ang mga baklang lumuluhod sa karisma?"

Lumapit ako sa aparador at binuksana ng isang drawer at kinuha ang isang box na naglalaman ng isang pares na hikaw na galing pa kay nanay. Muli akong bumalik sa harap ng salamin at ikinabit ang hikaw.

Narinig ko ang matunog na pag-ngiwi ni Vincent sa tanong ko.

"Sila lang! Aba, araw-araw akong nasa karisma at nagpapabongga! Kahapon ay may costumer ang inyong lola at iyon, pagorda na naman hanggang umaga," pagkukuwento niya.

Ako naman ay natawa. Same, bakla same.

Pagorda rin ako kagabi.

"Oh, magkano naman ang datung natin?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang repleksiyon sa salamin.

Lumawak ang ngisi ni bakla sa akin. "Malaki, bakla! Malaki!" Umungol pa si walanghiya habang sinasabi iyon.

Malaki ang datung na nakuha o malaki ang isinubo?

"Alin ang malaki?" tanong ng kung sino kaya napatingin ako sa may pintuan.

Hotdog mo.

"Uy, Xavier! Pasok ka! Grabe, napapalibutan naman ako ng maganda at guwapo! Jusko!" tili ni Vincent. "Paano naman ako na mukhang kamoteng lagibas?"

Natawa si Xavier bago dahan-dahang pumasok at lumapit sa amin. He is wearing a black button up shirt and black slacks. He's holding a bouquet of red Tulips in his left hand.

He is freaking handsome in black!

"Thanks for the compliment, Vince. You are also beautiful and handsome in your own," Xavier replied.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now