Chapter 2

84 7 5
                                    

Chapter 2: Uy, Shawty!

Hopia’s Point of View

“Sino iyong lalaking naghatid sa iyo kagabi? Iyon ga ay iyong manliligaw?” bungad sa akin ni tatay ngayong umaga.

Manliligaw who?

“Hindi, tay. Inihatid lang ako kagabi dahil wala na akong masakyan,” pagdadahilan ko saka humigop ng kape.

“Ay bakit pinagbuksan ka pa ng pinto? Kita ko kayo sa bintana kagab-e,” usisa pa niya at nameywang sa harap ko.

Agad akong napalingon sa kaniya. “Akala ko kapitbahay lang ang ma-issue, kayo rin pala,” ngiwi ko.

Tumawa ang tatay sa sinabi ko. “Kung ganoon ba naman ka-guwapo ang ma-iissue sa’yo, bayga hindi?” aniya bago ako iwanang nakanganga at may nanlalaking mata.

What did he just said?!

Napakurap-kurap na lang ako. Wow ha, linaw ng mata niya. ‘Pag magpapasok ng sinulid sa karayom, hindi kaya. Pero kapag may naghatid sa akin sa gabi kahit na dilim na dilim, kitang-kita, nang-uusisa pa.

Himala at hindi niya hinabol ng itak kagabi si Xavier.

***

“Pabili nga ng sampung piraso ng Pandesal at saka pitong piraso ng Pan De Coco.”

“48 pesos beh.” Abot ko sa babae ng supot. Iniabot niya naman sa akin ang bayad. Inilagay ko naman iyon sa kaha de yero.

“Hopia, pautang ng hopia mo ah? Saka ko na lang babayaran kapag may pera na ako,” tumataas-taas kilay na sabi ni Rumi sa akin.

Sumimangot ako sa kaniya. “‘Wag mo nang bayaran, nahiya ka pa.” Ngumiwi ako sa kaniya at saka binalot ang hopia na gusto niya.

Tuwang-tuwa naman ang lukaret sa sinabi ko. At dahil rin doon ay nag-sigaya na rin sina Moymoy, Marisol, Juday, Kipay, at Maria na mangutang sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako sa kanila dahil mukhang ito ang ikalulugi ng bakery ko. Pero kahit ganoon ay malapit na kaibigan ko pa rin sila dito sa aming baranggay.

Goodluck na lang kapag hinabol sila ni tatay ng itak dahil sa mga utang nila.

“Hopia, alam mo na ba ang chika?” biglang sabi ni Marisol na kumukumpas-kumpas pa ang kamay.

Ayan, hindi masakit ang ulo ko.

Napaayos ako ng tayo at pakiramdam ko ay pumalakpak ang tainga ko sa sinabi niya. Maging sina Moymoy ay napa-ayos rin nang tayo. Kapuwa excited sa ichi-chika ni Marisol.

“Spill the tsaa mga teh,” tumataas-taas na kilay na sagot ko.

“Alam niyo ba na usap-usapang nabuntis ni Kardo ang anak ni Aling Ayza?”

Nanlaki ang mata ko at agad na bumalanghit ng tawa. “Langya si Aling Ayza, pagkakalat pa na mabubuntis daw ako agad dahil sa dami ng manliligaw ko, iyon pala at anak niya ang unang mabubuntis sa aming dalawa!”

Nagtawanan sila. “Hindi ko alam na joker pala si Aling Ayza!” tawa ni Marisol. “Akala ko chismosa lang!”

“Sinetch itey na chismosa na mahilig ichismis ang ating ganda pero hindi mai-chismis ang anak niyang nabuntis ng iba?” natatawang tanong ni Juday.

Nagkatinginan kami. “Si Aling Ayza!”

Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan. Natatawa na lang ako dahil, oo galit kami sa mga chismosa dito sa aming baranggay dahil sa pang-chichismis nila sa amin pero wala naman kaming sinabi na hindi rin namin sila pag-chichismisan.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt