Chapter 16

31 5 1
                                    

Chapter 16: New Life

Hopia’s Point of View

“Ma! Si Xaidra, sinampal ‘yung kapitbahay natin!”

“Kasalanan naman niya, ma! Sinabihan ba naman akong pangit, may balat sa puwet?”

Napapikit na lang ako sa dalawa kong junakis. “Bakit sampal lang? Dapat sinabunutan mo rin! Ang ganda-ganda ng lahi niyo tapos sasabihan lang kayo ng pangit? Aba, mali iyon!”

Xaidra laughed at her brother’s face. Inaasar-asar ito.

“Buti pa si mama gets ang punto ko. Ikaw hindi! Kaya siguro walang makipag-friends sa’yo kasi ang ugly ng attitude mo!”

Agad akong pumagitna sa kanila dahil alam kong mag-aaway na naman sila.

“Mas pangit ang ugali mo, Xaidra. Kaya siguro hindi ka crush ng crush mo,” bara naman ni Xaidro at binelatan pa ang kapatid.

Jusko po! Anong crush-crush?! Ang babata niyo pa!

“Madami naman akong crush---”

“Hep, hep, hep!” pigil ko sa dalawa. “Alam niyo parehas kayong pangit! At anong crush-crush ang nalalaman niyong iyan?! Ke-babata niyo pa, crush agad?! Gusto niyong isako ko kayo at itapon sa ilog ng Bantilan?!”

“Paghanga lang nama kasi iyon, mama.”

“Sorry, mama.”

Pinandilatan ko si Xaidra ng mata pero inirapan lang ako ng abo niyang mata.

Napaka-attitude talaga!

Hindi ko alam kung kanino nagmana! Sa kanilang dalawang magkapatid ay si Xaidra ang bully at attitude. Minsan ay talagang nakikipagtalo sa akin pero hindi siya nananalo. Si Xaidro naman ay masunurin ngunit masungit. Kabaligtaran ng kambal niya.

Walang taon na rin simula ng ipanganak ko sila. Walong taon na rin nilang hindi nakakasama ang tatay nila.

Walong taon na rin akong hindi maka-move on. Letche!

Sa loob ng walong taong iyon, sa halip  na maka-move on ako, hindi! Punyawa, mas lalo kong na-miss si Xavier at tila ba mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sa kaniya.

Hindi naging madali sa akin ang nakaraang walong taon lalo na at buntis ako sa anak namin ni Xavier.

Walang sawang pag-iyak, pagka-miss, at pangungulila. Paulit-ulit na sakit.

Ganiyan ang naging routine ko sa mga unang taon ng paglayo ko. Kamuntikan pa nga akong maagasan dahil sa stress at depression.

I almost had a miscarriage and I almost lost my twins, si Xaidra Nicholai at si Xaidro Nicholas.

My beautiful last remembrance of Xavier.

I sighed. Simula ng umalis ako sa tulong ni Kuya Xavian ay wala na akong narinig pang ano mang balita sa kaniya. Ang huling balitang narinig ko ay ikinasal na sila ni Suzanne. Wala na rin namang binanggit pa si Kuya Xavian sa akin tungkol kay Xavier.

At saka isa pa, wala na rin naman akong balak pang maki-balita pa sa nangyayari sa buhay nila. They stabbed me with unbearable pain back then. Ipinamukha nila sa akin na hindi ako bagay sa pamilya nila.

E’di hindi!

Hindi lang sakit ang ibinigay sa akin, trauma at panliit sa sarili. They inflicted pain in my heart that will never be healed.

Mahirap gamutin ang sugat ng kahapon lalo na at malalim ang naging sakit nito.

I don’t have any plans on facing them again, also. Baka kapag nakita ko si Xavier ay agawin ko siya kay Suzanne, charot.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now