Chapter 19

45 8 2
                                    

Chapter 16: Amusement Park

Hopia’s Point of View

“Ma, gusto kong kumain no’ng parang bulak tapos iba’t iba ang colors, pleaseee?”

“Idiot, that’s cotton candy. Hindi ‘yon bulak.”

Xaidra pout and rolled her eyes to her brother.

“I want to call it bulak eh, why you so pake ba?” Xaidra fired and crossed her arms while looking irritatedly at her brother. “Mind your business, okey?”

Muntik na akong matawa sa sinabi ng anak kong conyo.

“Ewan ko sa’yo, papasama ako kay Daddy Thiago to buy your cotton candy so you can shut up your mouth,” masungit na saad ni Xaidro bago kami tinalikuran ng kapatid at hinila si Thiago na nakamasid sa amin.

Napailing na lang ako bago binalingan ang unica ija ko na sambakol na ang mukha.

“Tara na muna sa bench,” yaya ko at hinila siya patungo roon. “Init-init diyan, mangingitim ka, sige.”

Mas lalong sumambakol ang mukha niya kaya natawa ako.

Hay, siyam na buwan ko silang dinala sa sinapupunan ko tapos lalabas lang silang kamukha ng tatay nilang magaling. Mula sa mata hanggang sa dulo ng kuko ay kay Xavier lahat galing.

Tangina, nasaan ang hustisya?

Siyam na buwan akong naghirap, siyam na buwan ko silang dinala ng kapatid niya tapos kahit isang parte ng mukha nila, walang nakuha sa akin?!

Ugali lang ata ang namana sa akin.

Hanep ka, Xavier. Talagang literal na remembrance ang ibinigay sa akin na talagang kamukhang-kamukha mo pa.

Kaya hindi ako maka-move on eh, charurut.

Pinakatitigan ko si Xaidra na maupo sa tabi ni Ate Nadia at haplo-haplusin ang umbok ng tiyan niya.

Kulay abong mata, malantik na pilik-mata, malalim na biloy, maputing balat, mapupulang labi, lahat! Hindi mapagkakaila na si Xavier nga talaga ang tatay nila.

Napabuntong-hininga ako.

Ano kaya ang magiging buhay namin kung hindi kami naghiwalay ni Xavier?

Probably, masaya pa rin kami. Baka nga nasundan na rin namin ang kambal.

Nagpakawala ako ng hininga at naupo rin sa bench. “Lapit na ng anak mo, Ate Nadia. Babae o lalaki?”

Napatingin siya sa akin at ngumiti. Ilang taon na ang lumipas at tila ba hindi siya tumatanda. Bagkus ay mas lalo siyang gumaganda at nagmumukhang bata.

Ang ganda niya noon noong unang beses ko siyang nakita sa shop ko ay gano’n pa rin. Mas lalo lang siyang gumanda at naging mature.

“Surprise. Malalaman niyo kapag nanganak na ako,” sagot niya at hinaplos-haplos ang buhok ni Xaidra na nasa tabi niya. “Mawawala ang thrill kapag sinabi ko agad.”

Natawa ako sa sinabi niya at hinaplos ang tiyan niya. “Sa tingin ko, hindi lang isa ang laman nito,” sambit ko. “Ang laki ng tiyan mo kumpara sa laki ng tiyan ko noong pinagbubuntis ko ang kambal. Hindi kaya triplets ‘to?”

Ang laki ng tiyan niya kung titingnan at iisiping isa lang ang laman ng sinapupunan niya.

Nagulat ako nang biglang may sumipa sa tiyan niya.

“Ay hala, hala! Sumipa!” natutuwang sambit ko. Ate Nadia laughed at my reaction and caressed her baby bump.

“That’s Tita-Ninang, babies. She will be your godmother once once you came out of my tummy,” pagkausap ni Ate Nadia sa tiyan niya.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now