Chapter 15

35 5 3
                                    

Chapter 15: Runaway

Hopia’s Point of View

“Ma’am, ito na po pala ang bibingkang gusto niyo---”

Agad kong hinablot ang hawak ni manong at lumuluhang nagpasalamat.

“S-Salamat, manong.”

Tinalikuran ko na siya at agad na sumakay ng elevator at pinindot ang ground floor.

When the elevator close. I broke down.

I was on my knees, crying the pain out of my chest. Crying and asking why. . .

W-Why, why I need to experience this kind of pain? Nagmahal lang naman ako pero bakit ganito ang kapalit na durog na durog naman ako?

Minahal ko si Xavier ng buo at totoo. Pero bakit niya ako nagawang pagtaksilan at niloko?

He made me question my worth! He made me question everything! Ano ang nagawa kong pagkakamali at humantong sa ganito ang lahat ng pagmamahal ko?

Ano ang pagkukulang ko?! Ano ang mayroon si Suzanne na wala ako?!

Bakit. . . bakit siya ang pakakasalan at hindi ako?

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magmakaawa na ako ang pakasalan niya at hindi si Suzanne. Luluhod ako sa kaniya, sa kanila, piliin niya lang ako. Gusto kong magmakaawa na sana ako na lang. . .

Pero alam kong sa huli, wala akong laban. Mahirap lang ako at talunan.

Gagawin ko ang lahat pero alam kong talo rin ako sa huli dahil ikakasal na sila at magkakaanak na.

Habang kami ay may nangyari sa kanila. Habang kami ay palihim na pala niya akong sinasaktan, niloloko at pinagtataksilan.

At kung buntis si Suzanne at si Xavier ang ama, hindi malayong si Suzanne ang kasama ni Xavier noong gabing tinawagan ko siya at babae niya ang sumagot.

Putangina. Ganoon ba kahirap makuntento? Ganoon ba kahirap magmahal ng isa? Ganoon ba kahirap maging loyal?

Nandidiri ako sa sarili ko. Pagkatapos niya sa babae niya, sa akin naman ang punta niya. Pagkatapos niyang magpasarap sa babae niya ako naman ang pagdarausan niya.

Si Suzanne ba ang iniisip niya habang magkasama kami?

Tinakpan ko ang bibig ko para hindi kumawala ang bawat paghikbi ko. Nasa sahig ako ng elevator at nakasalampak habang umiiyak.

Sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko na tila ba wala na akong halaga.

Matatanggap ko pa na ikakasal siya sa iba dahil puwede ko pa namang agawin si Xavier kay Suzanne.

Pero ang malamang nabuntis ni Xavier si Suzanne?

Nakakapanghina sa sakit. Ayokong magaya sa akin ang bata, ang anak nila. Na wasak ang pamilya. Na hindi buo ang pamilya. Ayokong maranasan ng anak nila ang nararamdaman ko dahil wala sa tabi ko ang isa sa magulang ko.

Ayokong ako ang maging dahilan para masira ang pamilya nila. Ako na lang ang lalayo kahit masakit. Ako na lang ang lalayo kahit hindi ko matanggap ang lahat.

Ako na lang ang maga-adjust para sa kanila.

But the memories with him keep on replaying on my mind. His words, efforts, I love you’s, I miss you’s. The way he makes me smile, his smell, his lips, his ash eyes. Ang pagtulong niya sa akin sa shop at bakery ko. Ang una naming pagkakakilala, ang mga salita niya, ang mga banat niya. Lahat.

Para akong tino-torture ng mga alaala niya.

Naisip ko na iuntog ko na lang ang ulo ko para magka-amnesia ako at malimutan ko ang lahat ng alaala ko sa kaniya.

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now