Chapter 22

32 5 1
                                    

Chapter 22: Accident.

Hopia’s Point of View

“Mama, kumusta si Tita-Ganda? Safe po ba ‘yung baby niya?”

“Mama, ano pong pangalan ng baby ni Tita-Ganda?”

“Mama, gusto ko rin po ng baby.”

Napalingon ako kay Xaidra sa sinabi niyang iyon.

“Baby ka diyan, para namang humihingi ka lang ng candy, a?” nakasimangot na sambit ko.

“Ma, gusto ko talaga ng kapatid,” nguso pa niya sa akin na tila ba nagpapaawa. “Baby girl po sana para may kalaro ako sa mga barbie ko.”

Jusko po!

Nakatitig lang ako sa kanya habang nakangusi siya sa akin. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo niya nakukuha ang ganyang nga salita.

Parang humihingi lang siya sa akin ng candy, a? Parang ang daling gumawa ng baby?

Sa lahat ng hinihingi at hinihiling niya sa akin, ito lang ata ang hindi ko maibibigay!

Kapatid?! Hindi pa ba sapat si Xaidro bilang kapatid niya? Pakiramdam ko ay naii-stress ang bumbunan ko sa batang ‘to!

Nilapitan ko siya at inabutan ng bread loaf. “Alam mo, gutom lang ‘yan. Saka ka na humiling ng ganyan kapag hindi ka na maldita. At saka kapag nagkabalikan na kami ng tatay mo,” ibinuling ko ang huling pangungusap na sinabi ko.

“Why don’t you grant your daughter’s  request? May asawa ka na naman ‘di ba?”

Agad akong napalingon sa entrada ng kusina at nakita ang isang lalaki na nakahilig sa hamba ng entrada at nakapamulsa.

He’s wearing a gray sweatshirt and sweatshorts. Suot niya rin ang silver na dog tag niya.

Ito na naman ang pagkakarambola ng puso ko. Simple lamang ang suot nita ngunit napakalakas na ng dating n’yon sa akin. Dagdag karisma pa ang hiwa sa kilay niya at ang magulong buhok niya.

“Hello, mister! Salamat nga po pala sa pagtulong sa akin kahapon!” pasasalamat ni Xaidra kay Xavierkaya nabalik ako sa kasalukuyan.

“Hi, kiddo,” bati ni Xavier sa anak ko. May maliit na ngiti sa labi niya habang naglakad patungo sa kinauupang stool ni Xaidra. “No worries about that, young lady. But, be careful next time, hmm?”

Lumapit ito kay Xaidra at marahang ginulo ang buhok bago yumuko at pisilin ang pisngi nito.

Ako naman ay nakatitig lamang sa kanila habang kumikirot ang puso.

Magiging ganito ba sila kung hindi ako umalis noon?

Ang sarap sanang pagmasdan ng mag-ama ko sa harapan ko ngunit alam ko na hanggang dito lang ang sayang mararamdaman ko.

“Mister, can I ask your name po? Your face is familiar po kasi like parang nakita ko na po kayo sa kung saan. We have the same color of eyes din po,” usal ni Xaidra habang nanliliit ang matang nakatingin sa kaharap.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nataranta. Mas dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko na may kasamang kaba.

“Xai,” tawag ko sa anak ko at pinandilatan ng mata.

Tumungin siya sa akin at ngumuso. “Mama, nagtatanong lang naman po ako. Saka curious din po ako kung bakit magkakulay ang mata namin. Look, parehas kami ng kulay ng mata katulad ng kay Tito Xavian.”

Gusto kong busalan ng bread loaf and bibig niya para tumahimik na siya. At saka makakatunog din ang kaharap niya na tinaguan ko siya ng anak! E’di nabuking kami ng wala sa oras?!

Palengke Series #6: Slice of Love With Miss Pandesosyal Where stories live. Discover now