Simula

541 15 2
                                    

Simula

Ang bawat maling desisyon na iyong gagawin ay makakaapekto sa iyo at maaari nitong masira ang buhay mo.

Iniunat ko ang aking kanang braso upang ang mga patak ng ulan ay dumampi sa aking palad.

Sa bawat patak, ramdam ko ang bigat na dalahin ng mga ulap sa kalangitan. Kaya sigurado akong kaniyang inilabas ang hapdi at pighati sa pamamagitan ng pagbuhos ng mga ulan.

Ilang minuto na akong nakatayo sa labas ng institusyon na ito. Hinihintay ko ang pagdating ng taong susundo sa akin.

Ngunit sa lakas ng ulan, tingin ko ay matatagalan pa ang kaniyang pagdating.

Tatlong taon ang namalagi sa institusyong ito. Ito ang nagsilbing pansamantalang tahanan ko. Dito ako nanirahan dahil sa nagdaang mga pangyayari sa buhay ko.

“Thyra?” Agad na napabaling ang mga mata ko sa taong nagsalita.

Isang tunay na ngiti ang namuo sa labi ko dahil sa taong iyon.

At ang taong iyon ay walang iba kung hindi si doktora Gretelhien, ang doktorang maganda at mabait na isa sa mga taong nakaintindi sa kalagayan ko.

“Maupo ka muna, Thyra. Tumawag ang mama mo sa akin. Baka raw matagalan sila. At baka mangawit ka rin sa pagtayo riyan.”

Ang kaniyang maamong mukha at mahinahong boses ang dahilan kung bakit ako lubos na nagtiwala sa kaniya.

“Ayos lang po ako, dok. I am too excited to see the outside world, again.” May halong bungisngis ang aking pagsasalita.

Muli kong ibinalik ang aking buong atensyon sa ulan na patuloy ang pagbuhos. Kasabay niyon ay nanumbalik sa aking alaala ang isang tagpo.

“Thyra...” pabulong na pagtawag ng aking kaharap sa aking pangalan.

“May sasabihin ka ba?” Nakangiting tanong ko. Kasabay niyon ay inilapat ko sa kaniyang mga braso ang dalawang kamay ko.

May pangambang namumuo sa aking dibdib ngunit kaagad ko rin iyong isinantabi.

Dapat akong maging masaya sa araw na ito dahil espesyal para sa amin ang araw na ito. Hindi dapat mabahiran ng kahit anong kalungkutan.

“I'm... I'm sorry...” nahihirapan niyang saad. Hindi siya nakatingin sa akin. Bagkus ang kaniyang paningin ay nasa kalupaan. Hindi rin mapakali ang mga iyon.

Nangunot ang aking noo. Ang pangambang pinipigilan ko kani-kanina lang ay siya na ang namamayani sa akin ngayon.

“Huh? Para saan? Bakit ka humihingi ng tawad?” Nagugulumihang tanong ko.

Ang mga kamay kong nakahawak sa kaniyang mga braso ay humigpit. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit siya humihingi sa akin ng tawad.

At tila ba may pahiwatig din sa akin na sa araw ring ito ay ang huling araw na masisilayan ko siya.

“Qiev, please! Speak! Tell me, why are you saying sorry?” Frustration is all over me, now.

Niyugyog ko ang mga braso niya. “Magsalita ka, pakiusap!” Pagmamakaawa ko sa kaharap.

“Bakit? Bakit ka humihingi sa akin ng tawad?” Patuloy na pagtatanong ko habang patuloy pa rin ang ginawa kong pagyugyog sa kaniyang mga braso.

"Thyra, stop! Masakit na ang pagyugyog mo sa akin."

Marahas niyang inalis ang mga  kamay ko na nakakapit sa kaniyang braso. Dalawang hakbang ang ginawa niyang paglayo sa akin. "Listen, Thyra. You and I. We... aren't meant to be. Kaya pinapakawalan na kita. Pinapaalis na kita sa buhay ko at ayaw ko nang muling magkaroon ng kaugnayan sa isang katulad mo."

Fight to StayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin